Chapter Twenty-five: Partially
"To see what is right and not do it is want of courage."
-Confucius
Her POV
"Tara na?" Aya saken ni Lu, may usapan kasi kami na pupunta sa isang underground battle. Tumango na ako sa kanya at kinuha ang maskara sa likod ng pinto ko.
"Arat." Sagot ko din sa kanya. Nag-inat pa siya ng braso matapos kong isara ang pinto ng dorm ko.
"Malaki daw ang pustahan ngayon, dahil dumagsa ang mga parokyano ng mga video karera mula sa ibang bansa, kay ikaw maghanda ka nakakaamoy na ako ng pera at nangangati na ang palad ko sa buenas ngayon." Paliwanag niya, dama ko ang excitement sa mukha niya kaya nakakadama na din ako ng excitement.
"Magkano ba ang pustaan ngayon?" Usisa ko, bigla naman niya akong sinenyasan na lumapit kaya lumapit ako.
"Kapag ganitong maraming pumupusta pinakamababa na ang singkwenta mil sa mga solo players at pinakamataas ang limandaang libong piso may stars pa. Naku kung ako sayo galingan mo siguradong tiba ka dito. Huti na lang sumama ka sakeng maglaro, si Rivia makikipusta din ehh, mas malaki nga lang ang panalo nila." Nangningning ang mata ko sa sinabi niya singkwenta mil di na masama sobra-sobra pa nga ang halagang iyon eh. Kaya dapat manalo ako ngayong gabi sagot na nito ang isang taon na allowance ko. Nang malapit na kami sa underground battle ay sinuot na namin ang mga maskara namin.---
Nag-iisang oras na din ang nakakalipas bago ako sumalang madami ang players ngayon at puno ang audience seat ng mga manunood at pumupusta. Malakas na sigawan at speakers ang lahat ng manunood kapag nananalo ang mga manok nila, kay di niya mapigilang kabahan. No Donnie! Kailangan mong manalo ngayon maraming beses ka ng naglaro dito at kayang-kaya mo na ding makipagsabayan sa kanila.
"Next solo players no. 1806 and no. 896." Muling naghari ang malakas na sigawan habang sinasabayan ng malakas na drums effects nila. Shet! Ako na ang sasalang.
"896!"
"1806!" Sigaw ng iba habang patungo kami ng arena na may naka-set na dalawang computers. Napalunok ako sa taong kaharap ko kahit di ko makita ang mukha niya ay batid ko na magaling siya. May katangkaran at malaki ang pangangatawan kaya alam kong lalaki ito kahit pa nakakapa at maskara din siya. Bigla tuloy akong naintimidate sa awra niya.
"Select the game." Utos ng speaker sa digital roleta sa naglalakihang screen na taas. Nahahati ito sa mga larong: LOL, Dota 1, Dota 2, counter strike, battle realms, NFS, red alert at kung ano-ano pang laro na pwedeng ilagay sa computer games. Napahiyaw sila ng tumigil ito sa NFS, umupo na kami at naghanda na sa laban, sigh. Ilang saglit na lang ay magsisimula na kami, nagpalagutok ako ng daliri at nag-inat-inat, ewan ko ba mannirism ko na ito noon pa man. Samantalang nanunood lang na nagatingin saken ang makakalaban ko isinandal niya ang dalawang siko niya sa mesa at ipinatong ang kanyang baba sa nakataob niyang mga daliri. Bigla akong nangilabot sa klase ng tingin niya, kahit nakamaskara siya ay kita ko naman ang mga mata niya, di ko pinahalatang nangingilabot ako sa awra niya bagkus ay tinutok ko ang sarili ko sa laro.
"Players ready?" Tanong ng emcee, tumango lang ako pero sa peripheral vision ko naman ay di sumagot ang kalaban ko. Huminga ako ng malalim at pagkatapos ng hudyat ay nagsimula na ang karera namin. Ako ang nangunguna napangisi ako sa ilalim ng maskara ko pero agad ding nabawi iyon ng maramdaman ko ang pagsipa niya sa paa ko, bullshit! nandaya pa ang gago. Porque ba mahaba ang bias niya maninipa siya aba! Di ko siya uurungan, sinipa ko din siya akala niya ha! Di kasali ang pisikalan sa laro dito pero may mga manlalaro din na sinasadya ang ilang mga bagay at isa na siya doon. At ang tawag sa mga ganong bagay ay pandaraya basta si ka maaaktohan na nandaraya ay ok lang yan pero kapag nahuli ka nil ay warning ang first offense, fines na ang second at ang pinakamalupit ay ang kick-out or pagka-ban dito underground battle na to.
Tinaasan ko na siya ng kilay kasi muli nanaman niya akong sinipa, aba! Namumuro na to ah! Bingyan ko siya ng pamatay na tingin alam kong kahit nakamaskara siya ay nakangisi ito sa akin tss.. ibinalik ko sa monitor ang atensyon ko Focus Donnie! Kailangan mong manalo ngayon. Lalong nagwawala ang mga tao ng dahil huling lap na kami ng laro. Napatili ako ng ipitin niya ulit ang paa ko, dagli naman akong nawala sa focus dahil sa sakit ng paa ko.
"De puta naman oh! Ang daya mo naman!" Hiyaw ko, nainis naman ako sa kanya kasi napakadaya niya psh. Kung alam ko lang na ganito ang makakalaban ko ay nilagyan ko sana ng kunai yung dulo ng sapatos ko. Nagtaka ang iba sa biglaan kong pagtayo, kahit nakatayo na ako ay di ko binibitawan ang arrows ng keyboard mahirap na baka matalo pa ako sayang naman ng singkwenta mil ko. At pagkatapos ay pinaharap ko ang upuan gamit ang paa ko sabay lagay ng tuhod sa mismong silya para di niya na masipa ang paa ko. Napangisi ako kala mo ahh pashnea kang animal ka, kita ko naman na natawa siya sabay iling tinignan ko ang map sa gilid ng monitor at malapit na kami. Napataas na lang ang kilay ko ng tumigil siya at sumandal sa kanyang upuan, naghihiyaw ang iba sa ginawa niya pero wala naman siyang pake. Nabungo ko pa ng konti ang sasakyan niya bahala siya dyan tinuloy ko na sa finish line. Muntik na akong mabuwal sa upuan ng maalala ko na iniba ko ang pwesto ko kanina. Ako ang itinanghal na panalo maraming nagrereklamo at binabato ako ng mga inumin nila buti na lang may salamin sa pagitan ng mismong arena sa audience pero wala akong pake sa inyo mamatay kayo sa inis.
Magpapasalamat sana ako pero si koya magmartsa na paalis sa arena nagkibit-balikat na lang ako, pagkababa ko din ng arena ay binigay na ang isang bungkos ng singkwenta mil. Tang-ina ang kapal pwedeng ipangsampal to hahahaha! Sinalubong naman ako ni Lu na alam kong nakangiti din sa ilalim ng kanyang maskara.
"Nakita ko yun." Usal niya habang sabay kaming naglakad palabas ng underground battle arena humalukipkip ako sa kanya habang pinapaypay ang pera.
"Ang daya niya ehh edi wow!" Natawa na lang siya habang iiling-iling, masya kaming pareho ngayong gabi mas malaki nga lang ang panalo niya kasi ibang solo category ang sa kanya. Inilagay ko na ang pera sa pouch na dala ko at itinago sa medyas ko pagkatapos ay ibinaba ko ang pants ko para di halata, wala kasi akong bag na dala ayaw ko namang ilagay yun sa bulsa lalo na at malutong-lutong pa ang pera. Nang araw na din yun di ko na ulit nakita yung mandarayang pashnea sa underground battle mabuti naman nakakainis ehh.
----
-🖋☻Yuki
BINABASA MO ANG
Sorority
Детектив / ТриллерSimpleng mag-aaral lamang sa AIS si Donnie na walang ibang nais kundi ang makapagtapos ng pag-aaral at makapagtrabaho. Sa pagka-graduate niya ng high school ay dala niya ang pangarap ay pinaghandaan niya ang pagpasok sa college. Pero di niya inaakal...