Chapter Twenty-two: Aftershocks
"Everbody complains of the badness of his memory, but nobody of his judgment."
-Duc François de la Rochefoucauld
Other's POV
"Hindi.. ako." Napaluhod sa kalsada si Donnie at nabitawan ang baril dahil sa sobrang panginginig. Nilapitan siya ni Rivia lumuhod din ito at pinulot ang baril.
"Hindi ako ang gumawa noon! Hindi!" Matamang pinapanood lang siya ni Rivia sa mga paulit-ulit niyang simasabi. Tumikhim siya para makuha ang atensyon nito sabay buntong-hininga.
"Magkakalahating-buwan ka na sa puder ko hanggang ngayon naninibago ka pa rin sa impyernong tinatapakan mo. Tss." Matapos non ay hinataw niya ang leeg ni Donnie, dagli naman itong nasalo ni Rivia ng nawalan ito ng malay.
"Gamma, ikaw magbuhat neto. Sa 2nd colony tayo Mike, Charlie, at Foxtrot maiwan kayo dito at maglinis kayo ng bahala sa hayop na to atleast ngayon napaaga ang pagbabayad niya ng utang." Sigh. Muli niyang pinaputukan ang lalaki sa ulo at gitna ng puso para makasigurado.
"Sige kami ng bahala." Sunod namang tinungo ni Rivia ang van ng mga lalaki kung saan ikinulong ang matandang babae. Nang mabuksan ito ni Rivia ay prente itong nakaupo sa upuan habang nagpapaypay sa kanyang abaniko.
"Ayos ba tanda?" Preskong binalingan nito si Rivia habang nakataas ang kilay.
"Anong hindi ngayon? Ngayon ako tinawagan ni ms. Shiro na mag-abang dito." Napakunot ng noo si Rivia sa sinabi ng matanda.
"Kontrabando ng mga armas ang natanggap kong mensahe ngayon. Paanong nangyari iyon?" Nagkibit-balikat ang matanda tapos ay sinara ang pamaypay.
"Aba! Malay ko." Naiiling na lang si Rivia at hinayaan na ang matanda na umalis sa van. Nang maisakay na sa van si Donnie ay sumunod na siya sa loob sa tabi ng driver's seat siya umupo at si Jiane naman ang nasa driver's seat.
"Hi baby Quebec! Na-miss mo ba ako?" Napairap naman si Rivia dahil sa sinabi ni Delta. Agad namang lumayo si Lu sa kanya, nagtawanan tuloy ang iba pang kasama nilang lalaki na sila Bravo, Omega, Kilo at Lima.
"Ikaw ba baby Sierra na-miss mo ba ako? Pa-kiss nga sa tuod namin." Dagdag pa ni Delta sa mga babaeng kasama.
"Subukan mo hahalik na sayo tong katana ko." Muling natawa nanaman ang lahat dahil sa banta ni S.
"Hoy Alpha! Dinamay mo din ba sa pagiging pusong-bato mo tong tatlo? Bakit ayaw na saken?" Napataas naman ang kilay niya kay Delta, di pa rin nagbabago ang gagu.
"Aba! Malay ko ba't di mo tanungin si November." Biglang nagliwanag ang mukha ni Delta at inayos ang kanya upo sa likod. Tumikhim pa ito at muling nagbira ng pamatay na tawa.
"November kamusta ka na?" Pa-cute paang gago. Humagikhik ang mga ungas pero rinig naman nila sa harap.
"Heto ayos lang naman Delta." Kaswal na sagot ni Jiane sa kanya, kinilig pa ang sira. Simpleng kumantyaw sila Bravo at Lima kay Delta.
"Uy! Sumagot! Congrats pare di pa sila tuod." Muli siyang tumikhim at nagpabebe ng boses, konti na lang bubunghalit na ng tawa si Rivia sa mga ungas.
"November na-miss mo ba ako?" Segunda pang muli ni Delta. Natahimik ang lahat na animo'y naghihintay ng sunod-sunod na kantyaw para kay Delta.
"Hmm.. pag-iisipan ko muna ha." Parang pinagbaksanan ng langit at lupa si Delta sa sagot ni Jiane. Muling napuno ng tawanan ang kanilang sinasakyan marahas namang umiling-iling si Rivia habang nakangiti. Nagkasama-sama nanaman ang mga sira ulo.
----
Her POV
*8:00 PM---
Kinagabihan ay nagising ako na blangko ang utak. Napabalikwas ako ng bangon at nilibot ng mata ang paligid ko. Di kalayuan sa kinahihigaan ko ay natanaw ko ang kumpulan ng mga tao.. sila Rivia na nagve-vape kasama yung mga lalake kanina.
"Gising ka na pala, kamusta ang pakiramdam mo?" Untag saken ni Lu. Di ko siya pinansin bagkus ay napasabunot ako ng sarili kong buhok. Muling bumalik sa hinuha ko na nakapatay ako ng tao.
"Gusto mo bang kumain? May pagkain dyan?" Segunda pa ni Lu. Napakagat ako mg labi kasi pakiramdam ko muli akong sasabog.
"May alak ba kayo dyan?" Sasagot sana siya pero hinawi ko ang kamay ko sa ere at marahas na tumayo papunta sa mesa. Nang makalapit ako ay natahimik ang mga lalaki, matamang umupo ako sa harap ni Rivia na kakabuga lang ng usok mula sa vape niya. Inagaw ko ang isang alak sa mesa at walang pakundangang nilagok ito, matapos iyon ay matamang nanunood lang si Rivia sa kilos ko pero pakiramdam ko namamanhid ako.
"Hi babe Rivia!/Uhmm Donnie." Napasinghap sila Lu ng binato ko ang bote sa taong paparating, walang buhay ako napatingin ako kay Rivia dahil ganon din pala ang ginawa. Psh. Gaya-gaya.
"Ang iinit naman ng ulo niyo girls, hwag niyo naman kaming paulanan ni Singko ng bote hindi pa kami nakakapagpainit." Napataas ang kilay ko sa kapreskuhan ni Laurence dahil hawak ang bote ni Rivia samantalang hawak naman Ni Josh ang bote ko.
"Makita ko palang ang mukha mo nakakapang-init na ng ulo Laurence." Ngumisi si Laurence kay Rivia lalo tuloy umusok ang tambong ng gaga tapos ay binati niya isa-isa ang mga lalaki di kalaunan ay pinakilala niya si Josh sa kanila. Mainit naman siyang tinanggap ng mga lalaki at nakipag-fist bomb pa.
"Bakit kayo lang? Nasaan sila Dos, Tres at Kwatro?" Usisa pa nung lalaking nakaharap ko.
"Si Kwatro may laban, si Dos at Tres nang-chix. Alam mo na matinik yung dalawang yun di marunong maging faithfull." Dahil sa sinabi ni Lauremce ay napatayo si Lu sa kanyang silya.
"Ano?! Nang-chix ang hinayupak na kulot na yun?! Asan siya Salvatierra?! Asan?!" Pagwawala niya, biglang sumakit ang ulo ko sa kaingayan nila nilagok ko pa ang natitirang laman ng alak ko at malakas na ibinagsak sa mesa.
"Ang ingay. Tss." Wala sa sariling reklamo ko sa kanila at muling kumuha ng alak nila sa mesa. Natahimik naman sila sa ginawa ko, di ko alam namamahid na ako. Napangisi si Rivia at binuga sa mukha ko ang Vape pero di ko manlang siya pinansin at nakatitig sa kawalan. Psh. Bahala sila dyan, muli kong nilagok ang laman ng bote, straight hanggang sa maubos ko kukunin ko pa sana ang isang bote ng pigilan na ako ni Josh.
Napataas ang kilay ko sa kanya at handa na ang bunganga kong paulanan siya. "Problema mo Shin?"
"Tama na." Napaismid ako sa kanya at tumitig din siya sa akin, like the unusual expressionless ang gago.
"Mind your own business Shin." Matapos non ay tinabig ko ang kamay niya at tumayo palayo sa kanila, kailangan ko ng building. Kailangan ko ng view para makapag-relax manlang pero ang gago inagaw ang bote ko at binuhat ako na parang sako.
Nagsikantyawan ang mga kasama nilang hayop kasi na-broken daw si Delta na may nakabakod na daw sa akin. Tss. "Hoy! Tarantado ka ibaba mo nga ako."
Di niya pinansin ang sigaw ko. Tumigil siya saglit at lumingon kay Rivia. "Ako ng bahala dito." Tumango lang ang gaga na parang pinapaalis na talaga kami. Tss. Kumaway pa ang ilan sa kanila at nagsisisigaw pa kung may baon daw bang proteksyon tong si Josh.
"Ok! Makaka-score ang bata ko ano na babe tayo din?" Bago kami lumisan ay dinig pa namin ang mga biruan nila Rivia at ng mga lalaki kay Laurence sigh. Wala na bang pag-asa na makalabas ako dito?----
-🖋☻Yuki
BINABASA MO ANG
Sorority
Gizem / GerilimSimpleng mag-aaral lamang sa AIS si Donnie na walang ibang nais kundi ang makapagtapos ng pag-aaral at makapagtrabaho. Sa pagka-graduate niya ng high school ay dala niya ang pangarap ay pinaghandaan niya ang pagpasok sa college. Pero di niya inaakal...