Chapter Ten: Company
"What a man misses mostly in heaven is company."
-Mark Twain
----
Kumagat pa siya sa sandwich at napangiwi ng may makakagataqa siya na kung ano sa sandwich dagling iniluwa at inilawan gamit ang flashlight. Nanlaki ang kanyang mga mata nang mapagtanto ang bagay na kanyang hawak.
"Oww shet!" Di niya mapigilang mapasigaw at magtatatalon sa saya. Di na siya nagdalawang-isip pa mabilis niyang tinungo ang counter, bago isaksak ang susi ay pinunasan niya muna ito.
"Yes! Pusang-gala makakalabas na ako dito yeah boy!"
Sa sobrang kasiyahan ay agad ding napawi ng biglang mapuno ng lazer ang labas ng counter. "Oh oww! Oo nga pala di pa tapos ang paggiging kawatan ko for a day hayss. Ang daya naman eh! Paano ako makakakuha ng favorite chips ko neto?!" inis na sabi niya. Nagpapapadyak pa ito sa sahig sa sobrang pagkalumo, awit, sakit, pighati, hinagpis, lumbay, kalungkutan, at miserable.
"Huhuhuhuhu walang malulusutan sa taas at wala din sa baba? So, paano na? Lakas maka-punyeta!" Iritable niyang sinuong ang daan sa mga lazer. "Animal ang ganda ng pakulo talaga nila Rivia oh pahirap sa buhay, buti na lang di talaga ako kawatan kundi baka na-salvage na ako dito."
Muli niyang kinapa ang blueprint kahit na pumalpak na ito kanina ay wala siyang magawa kundi ang umasa dito.
"Ayon dito ang exit daw ay sa.. What yung isang hagdan na nasa counter?!" Dismayadong saad niya. "Kaya pala ganon ang echo kasi emergency exit sa side ng second floor. Hayss di na ako pwedeng bumalik kasi nandito na ako ulit sa harap ng storage, hayaan mo na nga dito na lang ulit ako dadaan!" pinal niyang pahayag sa sarili. Pero bago siya umalis sa storage ay nilibot niya ang buong kwarto at nagkalkal sa mga boxes. "Papangatawanan ko muna ang pagiging kawatan for a night di ako aalis na wala manlang dalang pagkain."
Nang mahanap na niya ang paboritong chitchirya ay muli siyang tumuntong sa mga empty case ng softdrinks at lumusot sa bintana-- pagkatapos ay binalik ang harang ng bintana at upuan sa puno.
"Ohh Donnie nandito ka na pala," lintaya ni Lu habang pinapaypay ang brahang hawak. "Bunot na Rivz."
"Really guys?" singhal niya sa apat di makapaniwala sa kanyang nadatnan.
"Were just having fun, matagal ang two hours para sa amin at mabilis kaming maburyo kapag walang ginagawa. Kaya naglaro muna kami habang hinihintay ka," sagot naman ni Jiane. "Gusto mo din bang maglaro? Handa naming ulitin ang laro para sayo at saka may dala akong maiinom at pagkain para daw makapagpahinga ka."
"Di na may nakuha din ako doon sa storage, nagutom ako ehh." Sambit niya. Nagbukas siya ng isang chitchirya sa supot na dala.
"Tss, ano nakuha mo ba ang golden card?" bakas sa tono niya na di niya nagustuhan ang nakikita niyang supot ng chitchirya- nagkibit balikat na lang siya saka dinampotang colden card sa bulsa. Pinitik pinitik niya iyon patungo sa direksyon ni Rivia- malaki ang ngiti nito ng mapasakamay ang golden card.
At habang pauwi ng dorm ay pakanta-kanta pa si Rivia, at sinasabayan ang kanta na Broken heart of gold ng One Ok Rock. "Sige birit pa damang-dama lang eh no?" Iritang sita niya kay Rivia.
"Wala kang pake, You slash my broken hearts of gold!" Singhal naman nito sa kanya. Naiiling na lang siyang sumandal sa upuan, madaling-araw na din kaya iidlip muna siya dahil masyado itong napagod para punahin ang sintunado boses ni Rivia.
----
"Hello earth to Donnie Vill Encarnacion," sigaw ni Ven. Inaantok niyang binalingan ng tingin ang kaibigan habang iiling-iling ang mga bruho at bruha sa kanyang inaantok na diwa.
"Sige na tulog ka na dyan kawawa ka naman pero hwag mo kaming sisihin kapag bigla kang nilagyan ng mga rekados dito sa caféteria ahh." Pagbibiro ni Shu dito-sinamaan niya ito ng tingin- natawa naman ito at nag-peace sign pa.
"Kayo make kwento naman kayo ng mga pinagdaanan niyo my ghad! Tatlong araw na akong puyat simula nong pa-welcome sa atin ah." Ania. At nagsimulang paglaruan ang styro ng spaghetting niya na isang subo pa lang ang nababawas.
"Halata nga mukha kang stess buti na lang nakakapawi ng stress ang kagwapuhan ni sir Idris. You know what, dapat makita mo din si sir Idris sure ako lalandiin mo din siya." Kilig na untag nito. Pabiro siyang sinapak ni Donnie sa braso napangiwi naman ito sa kanya.
"Ay hutek! Ginawa mo pa akong malandi no?"
"Aray naman! Makabatok wagas ahh?" Reklamo niya habang hinihimas-himas ang nasaktang batok.
"Ikaw kasi ehh, you know naman diba na si sir Genesis ang trip ko since HS." Napangiwi siya sa pangalang nabanggit nito.
"Malala ka na talaga tara uwi na tayo guys, iwan na natin yang si Donnie dyan."
"Hoy! Teka uuwi talaga kayo?" Di makapaniwalang sabi ng makita ang mga ito na nasisibalutan na.
"Utak Donnie, naalog na ba ng tatlong araw na test? Malamang pupunta na sa susunod na sa klase." Pang-aasar ni Ven- binato naman siya ni Donnie ng paper cup na may lamang tubig pero dagli niya itong nailagan.
"Sayang gusto pa sana kitang makitang batuhin ng mabahong medyas ahh." Pagpaparinig niya, napangisi naman si Ven at dumila pa.
"Hahahaha better luck next time Donnie." Ani ni Ven. Habang naglalakad sila paalis nakatanaw sa kanila di kalayuan ay nagkawatak-watak na din sila para sa mga sariling klase. Sigh.
Mula sa gilid ay kita na niya may umupo sa bakanteng silya. Tumikhim pa ito at iniharap ang isang box ng fries.
"Di mo ako madadala sa pa-fries fries mo Joshua." Walang emosyong niyang saad dito.
"Alam ko." Aniya na parang natatawa pa.
"Mabuti naman." Pagtataray niya sa lalaki-- tumayo na siya at walang pakumdangan na iniwan siya sa mesa habang hawak ang box ng fries. Nakakailang hakbang pa lamang ito ng may maalala siya.
"Oo nga pala Joshua Shin, di na ako ulit makikialaman sa'yo kung gumawa ka ulit ng katarantaduhan dito sa cafeteria, malaki ka naman na at may sariling utak alam mo naman na kung anong tama at mali." Bukas na opinion nito, napabuga ng hangin si Josh at matamang tinitigan siya sa mata.
"Kakainin mo din yang sinasabi mo." Bulong niya. Di agad ito naintindihan ni Donnie at mapanuri siyang minata.
"May sinasabi ka ba Josh?" Tanging iling na lang ang sinagot niya. Muling bumalik ang inis ni Donnie sa natural lalaki kaya tinuloy na niya ang pagwo-walk-out niya sa cafeteria.
"Ewan ko sa'yo Josh."----
-🖋☻Yuki
BINABASA MO ANG
Sorority
Mystery / ThrillerSimpleng mag-aaral lamang sa AIS si Donnie na walang ibang nais kundi ang makapagtapos ng pag-aaral at makapagtrabaho. Sa pagka-graduate niya ng high school ay dala niya ang pangarap ay pinaghandaan niya ang pagpasok sa college. Pero di niya inaakal...