Chapter Twenty-eight: Another Wasted Night

34 30 0
                                    

Chapter Twenty-eight: Another Wasted Night

    
"Greater Things are believed of those who are absent."

-Tacitus

         

Her POV

   
Next day--

  
Mangangalahati na ang araw pero parang gusto ko ng umuwi ng dorm at matulog maghapon, kundi rin naman dahil sa special classes ni Sir Idris sa amin ay di talaga ako papasok. Nanglumbaba ako pero lalo lang akong hinahatak ng antok. Natigil sa pagtuturo si sir Idris sa amin ng malakas na sinipa ang pinto sa lakas non ay nagising ang diwa ko.

  
"Yes Rivia? What are you doing on my class?" Nakahalukipkip na pumasok si Rivia kasama ng grupo sa klase namin napalunok ako at simpleng tinakpan ang mukha, buwisit bakit ngayon pa.

  
"Where's Donnie?" Kita ng buong klase kung paano napanganga si sir Idris sa tanong ni Rivia di naman makapaniwala si sir Idris na hinahanap ako parang gusto ko na lang magpanggap na tulog at nakayukyok sa mesa ko pashnea.

  
"Nevermind mr. Hermosura, ako na lang ang mag-eexcuse sa kanya." Di naman napigilang matawa ng malakas ni sir Idris dahil sa sinabi niya napataas na lang ang kilay ni Rivia sa pagtawa niya pero di na lang ito pinansin at nagtungo sa mesa ko.

  
"Tayo ka dyan." Patay! Napakagat ako ng labi ko at pinigilang mainis dahan-dahan ko siyang nilingon at sumalubong sa akin ang nakataas na kilay ni Rivia.

  
"Tayo." Ngumiti ako sa kanya ng pagkatamis-tamis na parang inaasar.

  
"Ayaw ko." Inikutan niya ako ng mata na pakiramdam ko nagtitimpi ito. Hahahahaha.

  
"Tatayo ka dyan o susunugin ko tong classrom niyo?!" Napanganga naman ako sa banta niya, weh di nga?? Kaya niya? Muling tumawa si sir Idris sa nangyayari habang ang mga kaklase kong babae ay nakatulala sa tumatawang sir Idris.

  
"Hahahahaha ibang klase talaga." At wala ng nagawa pa si sir ng ipahatak ako ni Rivia sa grupo. Aalma sana ako pero pinagtabuyan na ako ni sir Idris sa klase.

   
"Saan ba kasi tayo pupunta?" Reklamo ko.
    

"Basta." Napamaang ako ng naghihintay sa gate ang sasakyan nila Laurence nang mabuksan na ay nagtaka ako kung bakit din kasama ang Baroaque Arch. Muli akong nag-panic ng itulak ako sa likod tang-ina naman muntik pa akong mapasubsob sa sahig buti naalalayan agad ako ni Josh at tinabi nila ako sa kanya mga pashnea talaga ang mga bruha tatandaan ko ang araw na ito makakaganti din ako sa mga babaitang ito. Tahimik lang kami dito sa likod ni Josh walang nagsasalita at walang imikan o gumagalaw ewan ackward siguro siya kung di niya pa rin nakakalimutan yung nangyari ng umagang iyon. Sigh, ang iingay nila literal na maingay kasi nagbabangayan sa harap namin sila Lu at Dos kasama naman nila sa upuan si tres at Jiane na tamang kwentuhan lang tapos sila Rivia at Laurence naman ang nasa harap nila na hinahampas si Laurence ng kung ano-ano samantalang si kwatro ang ginawa nilang driver habang nasa tabi ni naman si S na nakatulog nanaman sa byahe. Mahina kong siniko si Josh di na ako makapagpigil ehh kung saan ba kami pupunta kaya baka siya alam niya.

 
"Alam mo ba kung saan tayo pupunta?" Bulong ko sa kanya ng di nililingon, at ang sira literal na nilingon ako gusto ko sanang jumbagin ang pagmumukha dahil sa ginawa niyang paglingon pero hwag na lang kawawa naman ehh..

   
"Hmm, hindi ko alam ehh pero ang rinig ko throw party." Agad akong napahilamos ang kamay ko sa mukha mukhang lalasingin nanaman kami nila Rivia ahh putang-ina! Ngayon palang nakikita ko na ang mangyayari hayss..

     
Matapos ang isang oras na byahe ay di nga ako nagkamali dahil pagkarating namin sa isang condo ay tumambad na sa amin ang hilera ng iba't-ibang klase ng alak, napalunok ako ng mabasa ko ang ilang label ng mga alak hard drinks, at medium to low alcohol. Another putang-ina! Hayup! Napapikit ako ang gara sa lasingan ang mga kasama ko.
  

"Hello!" Kung kanina ay gulantang na ang diwa ko sa mga alak ngaypn parang gusto ko ng umuwi ng makita ko ulit yung bata na pinsan ni kwatro. Fuck! Putang-ina ulit! Hwag mong sabihin na makikipaglaro nanaman to sa amin, hay naku! Ayaw ko na gagawin ko ang lahat para di makipaglaro sa amin tong baliw na pinsan ni kwatro.

  
"Ba't nandito yan?!" Di ko na napigilan na bumulyaw kay kwatro.

  
"Relax di na yan makikipaglaro nandito naman si Murasaki na classmates niya kaya wala tayo dapat ipangamba." Sagot naman ni Laurence, dapat lang aba! Pangit ang larong alam ng batang to no. Ilang saglit pa ay lumabas din sa kusina yung Murasaki na tinutukoy nila at napatutop akp sa kinatatayuan ko ng makita ang batang nakinood sa dorm ko ng doraemon, hwag mong sabihin na may doraemon sila dito at dito siya nakikinood?! Biglang humagikhik si Murasaki at kumaway sa akin, kunot-noo ko naman din siyang kinawayan bago umalis dito at nagtungo sa isang kwarto.

  
"Sigurado kayo na di makikipaglaro sa atin yung pinsan nitong si kwatro ahh naku patay ka saken Laurence kapag nakipaglaro satin yan." Natawa naman siya sa akin bago kami anyayahan sa mesang puno ng alak.

  
"Oo nga, parehas naman sila ni Murasaki na kakaibang hilig, si Sabrinne sa madugong laro si Murasaki sa pangungulam kaya ingat ka Donnie." Pabirong banta ni Lu sa akin, sinamaan ko siya ng tingin pero ang gaga tumawa pa lalo ng malakas. Hinayaan ko na lang siya dyan siya masaya ehh, pambigyan mo na happy ehh..

   
Mangangalahati na kami sa mga alak sa mesa at medyo umeepekto na ang alak sa aming sistema, ipinatanggal namin ang mga alak na wala ng karga para di na makasagabal pa at di na makabasag dito.

  
"Alam ko na tayo na lang ang maglalaro, spin-the-bottle. Ano game?" Pag-aanyaya ni Laurence sa lahat dala ng kalasingan ay nagsiayunan na lahat. Itinabi namin sa baba ng mesa ang mga boteng di pa nabubuksan at pinagilid din ang ilang pulutan at baso para maipwesto ang isang bote na di pa nabubuksan. Yeah literal at legit na di pa bukas ang paiikutin namin.

  
"Kung sinong huling matatapatan ng boteng ito siya ang uubos ng alak na ito." Segunda pa ni Laurence, malakas naman siyang sinapak ni Rivia na siyang dahilan ng pagkauntog nya sa mesa, natawa na lang kami ng iangat niya ang ulo niyang namumula ang noo.

  
"Daming satsat pa ehh simulan na yan! Tapos ikaw ang paiinumin ko ng alak na iyan. Ano ka ba special ka dapat sayo yan no?!" Natawa kaming lahat sa banat ni Rivia kay Laurence, putcha special sa sobrang special di lang alak ang iikot pati yung iinom. Marahas na inagaw ni Rivia ang alak sa kamay ni Laurence at siya na  ang nagpaikot noon, nagsisikantyawan kami ng tumigil ito kay Laurence.

  
"Buena mano, dare na yan! Sige subukan mong di mag-dare ipapalunok ko sayo ang bote na to." Napakamot na lang si Laurence at wala ng nagawa pa kundi ang mag-dare kay Rivia. Pikit matang ininom ni Laurence yung boteng pinang-paikot para sa spin-the-bottle na ito. Natapos ang gabing ito na nauwi sa tag-iisang bote kaming lahat na ininom para lang maubos ang mga alak.

  
What the fuck?! What the hell happen in us?!
   

---

-Yuki

SororityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon