Chapter Twenty-six: Preparation Part 2

38 31 0
                                    

Chapter Twenty-six: Preparation Part 2

"Nothing is easier than self-deceit. For what each man wishes, that he is also believes to be true."

-Demosthenes
 

  

Her POV

    
Sumunod na araw ay nilibre ko ang barkadahan ng lunch. Tuwang-tuwa naman sila sa akin.

  
"Wow! Galante ata tayo ngayon ahh anong meron?" Usisa ni Ven sabay upo sa kanyang upuan, tinext-san ko kasi sila na magkita-kita kami ngayon dito sa cafeteria tapos ayun habang naghihintay bumili na ako ng mga pagkain namin kaya ayan madaming pagkain.

  
"Wala nanalo kasi ako raket ko, at saka di ko pa kasi kayo nailibre noon kaya ayan ang palibre ko ngayon." Napangiti ang iba sa kanila samantalang pinaningkitan ako ng mata ni Ven.

 
"Anong raket yan?" Pinaningkitan ko din siya ng mata, di niya pwedeng malaman na nakikikarerahan ako.

 
"Alam niyo guys ang dami niyong tanong, tara na kain na lalamig na yung food." Nagsi-ayunan naman sila at nagsimula ng kumain kanya-kanyang dampot ang lahat ng plato at mga kubyertos. Masayang-masaya ang lahat sa mga nakahandang carbonara, paella at sandamakmak na my beloved fries na may isang mangkok ng chili cheese sauce.

 
"Ubusin nating lahat to walang magtitira ha? Kalimutan niyo muna ang diet ngayon." Natawa na lang sila sa sinabi ko aba dapat lang na ubusin nila to di ko kayang ubusin ang tag-iisang medium tray ng mga to no!  Anong akala niyo saken patay-gutom ohh well patay-gutom talaga ako kapag may fries sa harapan ko.

  
Habang sarap na sarap ako sa kinakain ko ay may kumalabit sa akin, di ko to pinansin kasi ninanamnam ko ang sarap ng fries with chili cheese sauce ko.

 
"Mamaya na kumakain pa ako." Singhal ko sa kung sino man na kumakalabit sa akin at pinagpatuloy ang pagkain. Maya-maya ay tumikhim ito sa akin pero wa pakels ang lola niyo, bakit ba? Ang sarap ng fries ehh bahala siyang manigas dyan, kinalabit niya ulit ako medyo naiinis na ako kasi pinuputol niya ang moment namin ng fries ko no, Donnie isnabin mo lang siya mas importante ang fries mo. Nakailang subo palang ako ng tuluyan na akong sumabog kasi hinampas niya na ang braso ko, anak ng putapepe oh! Marahas akong tumayo at handa ng paulanan ng salita ang kanina pang kumakalabit sa akin, paglingon ko sa likod ay nakita ko ang nakataas na kilay ni Rivia, napatigil ako at nilunok ang pagkain sa lalamunan ko.

 
"Problema mo? Can't you see may moment kami ng fries ko?" Umikot naman ang mga mata neto at humalukipkip sa harap ko.

 
"Tss.. Colony, 1 p.m., don't be late and you'll be dead." Ako naman ngayon ang nagpaikot ng mata sa kanya ngayon, yon lang pala bakit di niya na lang tinext kanina para di na maputol ang pagkain ko ng fries.

  
"Ok, yun lang ba? Layas na di pa ako tapos sa moment namin ng fries ko." Napaismid naman ito sa akin matapos kong ipagpatuloy ang panginginain ng fries ko, aba! Moment naman namin talaga ito kaya dalat lang i-savour.

  
"Mukhang masarap ah, salamat!" Nanlaki ang mata ko ng kunin niya ang nangangalagati ko pa lang na fries. Oh shit! Hwag ang fries ko! Tumayo ako at nagkapantay kaming dalawa, ngumunguwa-nguya pa siya ng fries ko para tuloy akong siniliban ng inis sa laki ng subo niya.

  
"Akin na yan! Rivia!" Suway ko, natawa na lang sila Jiane at Lu sa amin, nakiupo na din sila at kumain. Anak ng tokwa! Mauubos niya yung fries ko!

 
"Akin na to ah salamat!" Hinabol ko siya ng kasi balak niya itakbo ang fries ko! Napamura ako sa isip ko, kunin mo na ang lahat hwag lang ang fries ko!

  
"Rivia! Yong fries ko!!!" Sigaw ko sa kanya kasi nakatakbo na siya paalis ng cafeteria habang ako heto nakarangan ng ilang estudyante, lalong umuusok ngayon ang tumbong ko sa kanya.

  
"Donnie hayaan mo na marami pa naman dito." Awat saken ni Ven, lugmok akong umupo sa pwesto ko habang pinapaikot sa tinidor ang carbonara. Natulala akong sa pagkain ko kasi wala na ang fries ko parang gusto ko tuloy umiyak.

  
"Heto oh para di ka na malungkot dyan." At binigay saken yung nangangalahating tray ng fries, umiling ako sa kanila kasi para sa kanila iyon eh.

  
"Para sa inyo yan mga bakla kayo." Sigh, pagkatapos kumain ay sabay na kaming tatlo nila Jiane at Lu na pumunta ng colony.

  
"Wait asan si S?" Tanong ko sa kanila, dumighay muna si Lu at nakataas naman ang kamay ni Jiane habang pinapagalaw ang toothpick na nakaipit sa kanyang labi.

  
"Ayon sleep mode nanaman siya sa colony." Napatango-tango na lang ako sa kanya oo nga pala sleeping beauty ang gaga. Pagdating namin ng colony ay nagulat ako ng ibato saken ni Rivia ang mangkok ko kanina, muling nag-alab ang inis ko sa kanya ng maalala ko ang fries ko na ninakaw niya. Agad naman akong hinawakan nila Jiane at Lu sa magkabilang braso ko.

  
"Relax fries lang yan, libre na lang kita sa susunod." Pang-aasar ni Rivia, aba! Dapat lang na palitan niya yan ang mahal kaya ng isang bag ng fries! Psh.

  
"Ahh oo nga pala malapit na ang initiation mo handa ka na ba?" Napatahimik ako, biglang naging seryoso ang atmosphere dito sa colony bukas na nga pala ang initiation ng mga first class, di ko tuloy maiwasang mapalunok sa kaba sa mga  mangyayari bukas.

  
"Ano bang ginagawa sa initiation?" Kinakabahan kong tanong sa kanila, biglang nilayo ni Rivia ang mata niya sa akin.

  
"Marami depende sa trip ng grupong kinabibilangan niyo." Di makapaniwalang nilingon ko siya, talaga ba?
    

"Ehh ikaw ano namang trip mo bukas?" Tanong ko, nag-inat lang siya at ngumiti sa akin. Napataas ang kilay ko sa klase ng ngiti niya para bang sinasabi niya na sekretong malupet bawal sabihin. Sigh.

   
"Oo nga pala pakibalik na lang yong mangkok, para ma-ehersisyo ka." Pinanlisikan ko siya ng mata dahil doon siya ang kumuha tapos ako ang magbabalik?! Ang swerte mo naman nakahanap ka ng atsay sa katauhan kong bruha ka. Tumawa lang ito at saka humarap sa computer at inaya si Lu na maglaro.

  
"Tang-ina laro na!"
-----

    
Kinagabihan ay lumabas ang grupo, heto na ang huling gabi bago ang initiation, ewan ko ba mga bruha kinakabahan ako, di lang sa gagawin namin ngayon kundi pati bukas na din.

 
"Kabado ah?! Relax mangha-hi-jack lang tayo ng mga armas kasali ito sa pagsubok sa iyo." Confident ng bruhildang Rivia sa akin, tumikhim ako kasi may nakabarang plema sa lalamunan ko. Mula sa malayo ay tanaw namin ang malapit na pier dito sa Vanëra City, malakas ang hangin dahil sa dagat. Ilang sandali pa ay namataan na namin na binababa sa malaking barko ang container van na target namin di kalakihan ito pero sa tingin ko ay puno ito ng laman. Nagbigay na ng signal si Rivia sa amin at sa pagbaba ng ng container van ay agad na kaming kumilos palapit sa daungan.
    
   
Heto na ang huli let's go!
     
----
    

-🖋☻Yuki

SororityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon