Chapter Twenty-three: Lifelines
"Love has power that dispels Death; charm that conquers the enemy."
-Kahlil Gibran
Other's POV
Maingat na binaba ni Josh si Donnie sa kama nito sa dorm niya nawalan ito ng malay kanina habang nagmamaneho siya. Hiniram niya nag spare key sa land lord ng dorm dahil sa kalasingan ay di niya na ginising pa si Donnie.
Kumuha si Josh ng malamig na tubig at bimpo para ipampunas sa lupaypay na katawan ni Donnie. Habang pinupunasan ay di niya maiwasan na tumitig sa mukha ni Donnie na ngayon ay lumuluha dahil sa pangungulila niya sa kanyang magulang.
Napabuga ng hangin si Josh bago buhatin ang palanggana na may tubig, pero bigla siyang nanigas ng nakahawak sa braso niya si Donnie para pigilan.
"Dito ka lang mama." Mahinang usal niya habang nakapikit ang mata. Dahan-dahan naman niyang nilapag ulit ang palanggana at bumalik sa pwesto niya kanina. Hinawi ni Josh ang ilang buhok na nakaharang sa mukha ni Donnie ng dahil doon ay namulat ang mata niya napalunok sa kaba si Josh.
"Uhmm.. w-wala akong ginagawang masama ahh." Sabay lihis palayo ng paningin kay Donnie. Di malaman ni Josh ang gagawin dahil sa biglaang pagdagsa ng kaba sa kanyang dibdib.
"Kiss me.." nanlaki ang mata ni Josh sa sinabi Donnie napating siyang muli kay Donnie na ngayon ay parang nanunuksong mang-akit sa kanyang paningin.
"H-ha?" Di niya mapigilang mabulol dahil sa sobrang kaba bakas pa din sa isipan niya nangyari ng gabing iyon kung saan ang laro nila sa bata na muntikan na silamg mawala sa kani-kanilang sarili. Napalunok ulit siya nang makita ang pagkagat ng labi ni Donnie. Oh goddamnit! Naririto nanaman si tukso at kumakaway sa kanya ang pagnanasa, mariin siyang napapikit upang labanan ito pero tila sinapian na ng espiritu ng alak si Donnie at mapang-akit na hinawakan ang pisngi niya.
"Look at me Josh." Utos niya, wala siyang mabakas sa mata nito kundi ang nakikita niya ang sarili sa mga mata ni Donnie.
"It's late you should sleep." Akmang tatayo na si Josh ng hinigit ni Donnie ang kamay niya nakayuko na si Donnie.
"Ok lang, if you want to leave then leave, I got used to it." Pagkatapos ay binitiwan na niya ang pagkakahawak sa braso ni Josh.
"No! Dito lang ako, di kita iiwan."
----
Samantala, ala-una 'y media na ng madaling araw at tahimik ng natutulog sa dorm si Rivia, umuwi siya ngayon sa dorm niya dahil gusto niyang mapag-isa muna at ayaw niya ng mga istorbo dahil bumabawi siya sa kanyang tulog. Nang may hayop na nanti-trip sa kanyang doorbell. Pabalang siyang bumangon ng kama di na niya pinag-aksayahan pang takpan ang sarili kahit na nakasando lang siya at underwear ay kaya niyang ipagtanggol ang sarili, nakapikit pa ang mga matang nagtungo sa pinto.
"Anak ng puta! Sino ba yan?! Gabing-gabi na oh?! Istorbo!" Singhal niya sa kung sino man sa kabila ng pinto. Pagbukas niya ay bumungad sa kanya ang lasing na lasing na si Laurence.
"Hi babe *hik ang shexy mo." Humalukipkip si Rivia at umirap sa lalaki.
"Kahit kailan talaga ang manyak mo no! Layas ka na nga dito panira ka ng tulog eh." Isasara na sana ni Rivia ang pinto ng iharang ni Laurence ang kamay niya. Napangiwi ito sa sakit pero wala ng pake si Rivia at gusto na lamang ay matulog ng matiwasay.
"Shaglit *hik nga kashi." Napataas ang kilay niya ng itulak ni Laurence ang pinto. Napamura sa utak niya si Rivia. Punyeta iba talaga ang lakas ng tao kapag lasing. Psh.
"Ano ba kasing kailangan mo?" Iritableng tanong ni Rivia, ngumiti si Laurence qt sa pagkakataong iyon alam niya nang may balak ang hudas sa kanya.
"I jusht mish you babe *hik." Uling umikot ang mata ni Rivia kumuyom ang kamao niya handang-handa na siyang bigwasan ang hari ng mga sira ulo.
"Ohh.. my fist also missess you too jerk!"
----
Sa kabilang banda, sa 2nd colony ng hellix ay naiwan sila Delta, Lima at Bravo kasama nila si Lu at Jiane.
"Baby Quebec *hik di mo talaga *hik ako na-miss?" Usisa ulit ni Delta kay Lu. Natawa naman siya at halatang lasing na din. Pinisil niya ang pisngi ni Delta ng sobrang gigil.
"Hmm pag-iishipan ko din kung *hik namish kita o hindi *hik." Muling natawanan ang lima dahil sa sinabi ni Lu, napanguso naman si Delta di tuloy mapigilan na panggigilang muli ni Lu ang pisngi niya.
"Ang shute shute mo! Hahahaha." Napangiwi naman sa kanyang pisngi si Delta dahil sobrang sakit na ng kanyang pisngi.
"Ang shakit huhuhuhuhu.. ahh, shute shute pala ha?! Halika dito." Napatili naman si Lu ng buhatin din siya na parang sako ni Delta, at inikot-ikot pa ito na tulad ng 'helicopter helicopter' nagsisisigaw naman si Lu na itigil niya na ito dahil sa nahihilo na daw siya pero ang sira-ulo di pa rin tumigil. Nakailang ikot pa sila bago niya itigil ang helicopter helicopter, lupaypay naman niyang binaba si Lu sa upuan habang umikot din ang paningin ni Delta tawanan silang mga naiwan sa colony ng makita din nilang natumba sa sobrang hilo si Delta.
"Puta!! Laughtrip ka talaga Delta." Ani ni Lima, nag-thumbs up pa ito sa lahat bago kapitan ang upuan ni Lu tawang-tawa naman ang lahat ng matumba pahiga sa semento, at dahil upuan ni Lu ang kinapitan niya ay automatic din na natumba si Lu na siyang lumanding sa ibabaw ni Delta. Tawanan muli ang mga kasamahan nila na may kasamang tilian ng masaksihan nila kung paano nagkalapat ang labi nila sa isa't-isa.
"Ohh shet boy! Naka-points ang gagu! Hahahahaha." Ilalayo na sana ni Lu ang ulo niya ng hawakan ni Delta ang batok niya para di makalayo mas lalo pang ilapit sa kanya ang ulo. Pinagpapapalo niya na si Delta sa dibdib pero di pa rin siya nilulubayan ng halik ni Delta. Narito pa na kumuha ng cellphone video si Lima para ipakita daw kila Rivia. Matapos ang ilang segundo ay humahangos na binitiwan ni Delta ang batok ni Lu, natulala pa ito pero nabalik din sa ulirat ng marinig niya ang malakas na palakpak na may kasama pang sugaw ang mga kasamahang lalaki.
"Salamat! Salamat mga kapatid." Mangiyak-ngiyak pa ang gagu dahil sa nangyari ay biglang nawala ang tama ng alak sa sistema nila, sinamaan niya ng tingin si Delta at kita niya kung paano ito lumunok ng laway niya.
"Patay ka boy! Biglang nabuhay ang natutulog na dragon." Pananakot nila kay Delta. Nag-peace sign pa ito pero mukha di umubra. Dahil..
"I-ikaw!!! Humanda ka saken Alquinne Luther!"
At nagsimula na nga ang gabing walang humpay na sakitan ng mga tao sa paligid ohh well hi-way and there's another day magandang gabi, mula sa inyong lingkod Other's POV.
-----🖋☻Yuki
BINABASA MO ANG
Sorority
Misterio / SuspensoSimpleng mag-aaral lamang sa AIS si Donnie na walang ibang nais kundi ang makapagtapos ng pag-aaral at makapagtrabaho. Sa pagka-graduate niya ng high school ay dala niya ang pangarap ay pinaghandaan niya ang pagpasok sa college. Pero di niya inaakal...