Chapter Twenty-one: Trouble Is My Friend 2
"Never advise anyone to go to war or marry."
- Spanish Proverb
Her POV
Ohh my fucking shet to the nth power! Nagalit ko ang mga natutulog na dragon. Akmang susugod na sila sa akin ng sa wakas nakielam na ang grupo sa nangyayari.
"Boys masyado atang mainit ang ulo natin ahh? Anong meron?" Napakislot ang noo ko, seryoso nakuha pa ni Jiane manglandi sa oras na to ahh? Sigh.
"Ganito maglaro na lang tayo. May baril ba kayo dyan?" Pansin ko na nag-iba ang awra ng mga lalaki sa sinabi ni Rivia. Aha! Sabi ko na ehh pasimple pa tong bruhang to eh gusto lang makipagbarilan. Psh. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at doon ko napagtanto na wala na yung mga tao sa paligid at kami na lang ang naririto sa eskinitis. Hmm.. mukhang nabahag na at ayaw talagang madamay ng mga tao dito I wonder why
"Relax, nagtatanong palang ako. Napaghahalatang masyado kayong mainit.. mainit ang ulo." Lintaya ni Rivia sa mapang-asar na tono, di ko alam kung anong meron pero parang kumindat si Jiane sa dalawang lalaki sa likod nagtaka naman ako ng parang tumango sila kay Jiane seryoso ba? O baka type ng bruhang si Jiane yong mga boylet sa likod? Pero matapos noon ay bigla na lang sumugod ang dalawang lalaki sa likod yong sumimpleng tumango kay Jiane. Kahit yung lider nila ay nagulat sa biglaang paglusob ng dalawa kay Rivia Hmm, I smell somethings fishy here.
Napatumba agad ni Rivia ang dalawang lalaki, binalingan niya ako ng napakasamang tingin napalunok ako ng wala sa oras maldita ako at walang kinakatakutan pero puta parang umaatras ngayon ang ang diwa ko sa sobrang sama ng tingin niya sa akin. Marahas niyang hinigit ang balikat ko at ang singkit at walang emosyon niyang mata kanina ay napalitan ng galit.
"Hindi ako inire ng magulang ko para maglinis ng kalat mo, matapang ka diba pakita mo ngayon! Clean your own mess bitch!" At itinulak niya ako sa mga lalaki, de puta! Muntik na akong mapasubsob sa semento, inis kong inayos ang buhok kong humarang sa mukha ko at hinarap si Rivia na nakahalukipkip na ngayon.
"Oo na! oo na! Di naman kailangang manulak diba? Lintek!" Hinarap ko yung tatlong lalaki na nakangisi sa mga nangyayari psh! Sarap pumitin ng pagmumukha! Asar!
----
(Insert any minus one Rock Music of your choice will do my dears.)
Other's POV
Matapos magpalagutok ng daliri si Donnie ay sinugod niya ang isa sa mga lalaki ngunit nabitin din iyon sa ere. Napangisi si Rivia ng mamataan niya na ang mga tinawag niyang back-up agad silang tumango at nilapitan ang lider ng grupong iyon.
"Boss kailangan niyo ata ng tulong." Napangisi ang lider ng grupong iyon at pumwesto sa likod. Bumangon din ang dalawang lalaki na naunang sumugod sa kanila.
"Paano ba yan mga girls, mukhang dehado kayo. Suko na ba?" Panunuya ng lalaki, simpleng napaismid ang isa sa mga back-up sa sinabi niya kung alam lang netong hinaypak na ito siguradong tatakbo ito sa ilalim ng lupa.
"Brutos sayo yung babaeng maliit na iyon oh." Turo niya kay Donnie, nanlaki naman ang mata ni Donnie sa narinig. Napakislot ang mukha ni Brutos sa utos. Samantalang inatas naman niya sa iba ang mga bagong dating ang apat pa na kasama ni Donnie.
'Di naman Brutos ang pangalan ko ehh mas gusto ko ang codename ko kay Rivia, ulol!'
Napaayos ng tayo si Donnie at hinawakan ng mahigpit ang kanyang kunai. Ilang sandali ay sumugod na si Brutos, sumimpleng sulyap siya kay Rivia na nakasulyap din sa kanya.
'One, you must Triggered someone's memory.' Mga bagay na natutunan nila kay Rivia ng bagong salta ito sa Hellix ilang taon na din ang nakakalipas. He must triggered something in her memory para mawalan ito ng controll sa sarili. Napangisi siya sa sinabi ni Rivia dati mukhang ngayon niya na magagamit ito.
Inundayan niya ng suntok ang babaeng kaharap at kita niya kung paanong ngumiwi ang babae sa natamo niyang suntok sa tyan. Napapunas ito ng bibig ng maramdaman ang dugo sa gilid ng labi, pagkaraan ng ilang sandali ay tumayo si Donnie at walang emosyong tinitigan ang lalaki. Napangisi ang lalaki, ngayon alam niya na ang rason kung bakit ito ang sinasanay ni Rivia.
Walang pag-aalinlangan na niya itong sinipa pero nailagan ito ni Donnie, muli siyang sumipa ng dalawang beses at natamaan niya ito sa ulo, good hit! Napahawak siya sa ulo at nahilo.
"Shit!" Napangisi siya dahil sa pagkakatulala ni Donnie, di na siya naghirap pa na hanapin ang triggered points niya, sigurado na siyang may traumatic experience siya. Napatingin siya kay Rivia at tumango naman ito sa kanya, tinapon ni Rivia ang baril sa paanan ni Brutos. At dagli nilang niligpit ang dalawang alagad ng lalaki samantalang sila Jiane naman ay lumapit kay Donnie at sinaksakan ang leeg nito ng maliit na dosage ng dragonFLY.
"O' pa'no yan mas marami na kami sa iyo ngayon?" Napakunot ang noo ng lalaki sa sinabi ni Rivia. Sinubukan netong utusan ang mga lalaki ngunit di sila gumagalaw, nakaramdam na ng kilabot ang lalaki sa mga nangyayari dahil napapaligiran na siya nito.
"Teka anong ibig sabihin neto? Ramie? Poly?"
"Ibig sabihin lang yan, pinahiram ko lang sa'yo ang mga bata ko. At saka ang ganda-ganda ng pangalan nila pinapangit mo! Delta, Falcon, dahil nilait niya ang mga pangalan niyo hawakan niyo na yan." Sinubukan niyang magpumiglas ngunit sinuntok niya ni Delta sa tyan.
"Rivia umeepekto na sakanya ang gamot." Imporma ni Jiane at S habang pinipigilan nil si Donnie sa pagwawala. Nilapitan ito ni Rivia, at pinulot ang baril na binitiwan niya kanina.
"Teka! Ano bang nanyayari?! Mama! Papa hwag niyo akong iwan?!" Hilam na ang mukha ni Donnie sa pinagsamang luha at sakit ng kanyang ulo. Inalo saglit ito ni Rivia at inangat ang ulo gamit ang kanyang kamay.
"Nandito ako, Donnie di kita iiwan." Napapunas ng luha si Donnie at saka nginitian ang akala niyang ina.
"Mama bumalik ka!" Akmang yayakapin niya ito ng ilayo ni Rivia ang katawan niya dito. Nagtaka naman ito ng binigay ni Rivia ang baril sa kanya.
"Hindi ako ang mama mo! Nandoon siya, iniwan ka niya! Kasama ng papa mo, at masaya silang nabubuhay na di ka kasama. Para sa kanila isa kang basura na pinabayaan." Napahawak ulit sa ulo si Donnie at marahas na umiiling-iling.
"Hindi totoo yan!! Hindi!"
"Yun ang totoo Donnie iniwan ka nila at pinabayaang mag-isa sa mundo." Isang matinis na tunog ang bumalot sa tenga ni Donnie, at kasabay noon ay ang pagbabaliksa alalaa niya ng kanyang pinagdaan. Wala na siyang ibang marinig kundi ang nakabibinging kutya ng mga tao sa kanya, putok sa buho, lampa, at basura.
Ilang saglit ay tumigil sa pagsigaw si Donnie at walang-emosyong kinuha ang baril sa kamay ni Rivia. Ilang hakbang pa ang ginawa neto bago itutok ang baril sa lalaki kanina.
"Mamatay ka!" Nang makalabit ang gatilyo ay siyang pagkawala ulit ng mga alaala sa utak niya. Biglang nanginig ang kamay niya ng makita ang lalaki na ngayon ay sugatan at nakabulagta na sa kalsada.
"Hindi.. ako."
------
-🖋☻Yuki
BINABASA MO ANG
Sorority
Mystery / ThrillerSimpleng mag-aaral lamang sa AIS si Donya na walang ibang nais kundi ang makapagtapos ng pag-aaral at makapagtrabaho. Sa pagka-graduate niya ng high school ay dala niya ang pangarap ay pinaghandaan niya ang pagpasok sa college. Pero di niya inaakala...
