Chapter Thirty: Initiation Part 2
"Violence in a voice is often only death rattle of reason in the throat."
-John Frederick Boyes
Her POV
Trenta minutos palang ang nakakalipas pero parang di ko na kaya ang mga napapanood ko-- di ako mapakali sa kinauupuan ko at panay ang pagbuntong-hininga ko.
Buhay pa naman si Franky, may mga sugat na natamo pero tagumpay naman niyang natali pabalik sa kulungan ang leon. Dalawang grupo pa ang sumalang-- di sila kabilang sa top ten nakalimutan ko na nga ang pangalan nila ehh. Muling bumalik ang kaba ko ng bumunot ulit sa bowl si ms. Shiro, ewan ko ba ang lakas-lakas ng kabog ng dibdib ko de puta!
"Serpentine sorority," Nakahinga ako ng maluwag ng ibang pangalan ng grupo ang tinawag, hinimas-himas ko pa ng konti ang dibdib ko para mawala kahit papaano ang kaba ko. Nagsimula na ang serpentine sa kanilang initiation, pinahiga nila ang newbie nila sa isang aquarium na puno ng mga serpent-- isa doon ang namukod tangi na ahas sa paningin ko, black and white ang kaliskis neto at pula ang mga mata, napakaganda ng ahas pero di ko alam kung may kamandag ba ito o wala kaya di ako mangangahas na lapitan ito. Matapos ang binigay na time limit sa newbie na ay nanginginig itong lumabas sa aquarium. Nang matanggal na ang aquarium ay dumukot muli sa fishbowl si ms. Shiro ng sunod na sasalang, di ko maiwasang kabahan-- biglang bumagal ang paligid ko habang hinahalo niya ang mga papel sa loob ng fish bowl, nang makadampot na siya ng papel ay hinihiling ko na sana na di ang grupo ang nakalagay sa papel na hawak niya. Ohh fucking please!
"Ang sunod na sasalang ay walang iba kundi ang-- Hellix Sorority," napapikit ako nagsitayuan na sila Rivia wala na akong nagawa pa kundi ang sumunod sa kanila-- nang nasa arena na kami ay pinaupo nila ako sa isang upuan. Natahimik ang lahat habang nanunood sa amin di ko maiwasan na nerbyosin sa katahimikang binibigay nila sa akin-- lumunok ako ng laway ko pakiramdam ko ay may malaking bara sa lalamunan ko. Ilang saglit pa ay nilabas ni Rivia ang kunai niya napataas ang kilay ko sa kanya, so hwag mong sabihin na bugbog at sugat ang initiation niya di ko pa nakikita yun kanina. Sopistikada siyang naglakad patungo sa kinauupuan ko, "Ano kayang gagawin ko sayo?" Panunuksong tono niya sa akin. Napapikit ako ng idampi niya sa pisngi ko ang kunai niya muling umere sa utak ko ang sinabi niya kanina "Never complain, never explain."
Heto na ba ang katapusan ko sa kamay ni Rivia? Putcha! Ayaw ko ng may hiwa sa maganda kong mukha-- napapikit ako sa sobrang kaba ko ng idampi naman niya sa kabilang pisngi ang kunai niya. Tang-inga mukhang heto na nga yung katapusan ko pero-- napadilat ako ng mata ng makarinig ako ng pagbukas ng canned drinks sa paligid, at doon ko lang napagtantong nakalayo na si Rivia sa akin habang hawak ang isang de lata nakakalasing na inumin. Agad nagkiskisan ang mga ngipin ko na sinamahan ko pa ng panlilisik mg mata-- natawa naman ito sa akin at mapang-asar na nilapitan. May dinukot siya sa bulsa at sinenyasan ang kamay ko na tanggapin iyon-- nalaglag ang panga ko ng makita ko kung ano ito.
"Canned lid? Anong gagawin ko dito?" Nilagok niya muna ang laman ng drinks at saka tinapakan.
"Kakainin mo tapos display mo sa dorm ganon." Lalo ko siyang sinamaan ng tingin, pansin ko kanina pa niya ako pinagtitripan bwisit naman ohh.
Nang mahimasmasan na sa pagtawa ay sumeryoso na ang awra niya-- napalunok ako sa pagiging seryoso niya pero di ko pinahalata. "Maglaslas ka," walang-emosyon niyang utos sa akin, nanigas ako sa kinauupuan ko. "W-what?"
Tinaasan niya ako ng kilay at tumikhim. "I said, maglaslas ka gamit yang lid," natahimik ako at biglang nanginig ang mga kamay ko.
"Sige na, di ka din naman mahal ng magulang mo, iniwan ka ngang mag-isa ehh," panunuyang tono niya, napayuko ako at marahas kong nalakumos ang kamao ko-- nagpigil ng inis. "Hindi totoo yan," bulong ko sa kanila-- umismid si Rivia at sopistikadang winasiwas ang buhok niya habang nakangisi.
"Talaga ba? Sige nga sabihin mo nasaan sila habang lumalaki ka?" Segunda pa niya, nag-uumpisa ng umakyat ng emosyon sa loob ko at di ko alam ang isasagot ko.
"O' Natahimik ka? Nasaan sila ng kailangan mo sila? Nasaan sila ng umiiyak ka? Kahit ang uncle mo na nasa ibang bansa perang pangsuporta lang ang kaya niyang ibigay sayo, pero ang pagpapalaki? Di niya kaya huh! Di niya kaya, alam mo ba kung bakit?" Napaluha ako sa mga sinabi niya, putang-ina muling nanariwa sa utak ko kung paano ang naging buhay ko habang lumalaki ako-- tampulan ng tukso sa dati kong eskwelahan, putok sa buho, walang mga magulang, at kahit ang pangingbang-bansa ni uncle para masustentuhan ang pag-aaral ko. Sopistikadang naglakad patungo sa kinauupuan ko si Rivia at marahang inangat ang ulo ko.
"Alam mo ba kung bakit ka nila iniwan? Dahil hindi ka nila mahal, Donnie, walang iiyak kung sakaling mawala ka sa mundo." Napatawa ako pero patuloy pa ring ang pagbuhos ng luha ko-- ang sakit ehh.
"Tell me, ito ba ang rason kung bakit kayo may laslas sa pulso?" Di sila nakasagot-- bagkus ay suminghot ako at nagpahid ng luha, nakakahiya nakita ka ng maraming tao na umiyak Donnie.
"Ok, ok I'll get it, you don't have to torture me emotionally ng paulit-ulit, and this?" Sabay angat ko ng canned lid sa mukha niya-- napahalukipkip siya sa kinatatayuan niya ng itapon ko ito sa sahig. Dinig ko ang pagsinghap ng mga tao ganon din ang paglalaki ng mata ni Lu sa ginawa ko, nilabas ko ang kunai ko at iniharap sa mga tao.
"Better use this, bitches!" Walang kagatol-gatol kong pinanghiniwa ang kunai sa pulso ko, napangiwi ako sa sakit pero di ko na pinansin pa ito-- bagkus ay lalo ko pa itong diniinan para solido sa tendons ko. Maluha-luha kong tinitigan ang hiwa at mapait na ngumiti sa kawalan, siguro naman sa impyerno makakasama ko na sila mama at papa neto diba? Unti-unting lumabo ang aking paningin, nilipat ko ito sa sahig kung saan tumutulo ang masagana kong dugo-- malabo na din ang tingin ko dito, nabitawan ko ang kunai ko at napaluhod sa sahig. Nilapitan ako nila Rivia pero siya lang ang lumuhod para magkapantay kami.
"Tss, you don't have to use you kunai for you own blood, stupid as ever," napangiti ako sa sinabi niya at tuluyan ng nawala ang kamalayan ko pagbagsak ko ng arena.
------🖋☻Yuki
BINABASA MO ANG
Sorority
Mystery / ThrillerSimpleng mag-aaral lamang sa AIS si Donnie na walang ibang nais kundi ang makapagtapos ng pag-aaral at makapagtrabaho. Sa pagka-graduate niya ng high school ay dala niya ang pangarap ay pinaghandaan niya ang pagpasok sa college. Pero di niya inaakal...