Chapter Three: Inside
"As soon as there is life there is danger."
-Ralph Waldo Emerson
----
Mahigpit kong hawak ang litrato ni mama sa kamay ko. Ilang taong ko na ding di nasisilaya ang hilatsa ng kanyang maamong pagmumukha, inilapit ko ito sa dibdib at nagsimulang magsumbong. Buhat ng magising ako mula sa aking kapalpakan ay sobrang bigat na ng aking dibdib.
"Mama, di po maganda ang first day ko sa kolehiyo, nakipag-away kasi ako tapos nagising na lang ako nasa clinic na ako- ayon ang ending, first night of my class year sa clinic ako natulog," saad ko. "Mama hwag niyo akong mumultuhin ah- love you!"
Ibinaba ko na ang litrato ni mama at nahiga sa kama, inaadya ata ng pagkakataon na ako ay gising ng ganitong dis oras na rin ng gabi.
"Ahhh!" Di ko mapigilang ang mapadaing sa inis nang muling bumalik sa alaala ko ang mga nangyari. Ayon kina Venille at Rollice na mga saksi- ay iniharang daw ni Josh ang sarili mula sa paamba pang atake ni Rivia.
"Hayss!! Ang swerte mo pa rin Donnie, di ka naman talaga war freak pero triggered mo ako Joshua! Pashnea ka!" bulahaw ko sa aking sarili.
Gatol kong tinigil ang pagsisintemyiento ko ng makarinig ako ng alatiit sa bintana. Naging mapait ang aking diwa nang mapagsino ko ang nag-aakyat bahay sa dorm.
"Anong ginagawa mo dito?" nagugulumihanan kong tanong habang may kaba sa dibdib ko. Dumampot ako ng mga bagay na malapit sa akin na maaari kong pansalag laban sa kanya.
"Saglit! Teka! Masakit!" hiyaw niya, nagpatuloy lang ako hanggang sa madapot ko na ang lamp shade na nakapatong sa bedside table. "Donnie hwag mong ibato yang lamp shade masakit yan."
Nag-aalala niyang pigil sa akin, umismid ako at lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa lamp shade.
"Kailan ka pa naging manyak Josh?!" di ko makapaniwalang usisa sa kanya, " at saka anong ginagawa mo dito?"
Umangil ang lalaki ng ihahabalang ko sa kanya ang hawak ko.
"Teka! Saglit! Magpapaliwanag ako!"
"Papaliwanag-papaliwanag! Yan na ba ang impluwensya sa'yo ng mga taong 'yon?!" patutsada ko pa. "Sumagot ka!"
"Teka nga kasi! Hayaan mo muna akong magpaliwanag Donnie!" pakiusap nito.
Bakas pa rin ang agam-agam ko sa kanya huminga siya ng malalim at umupo sa kama ko- pero di pa rin magawang bitiwan ang lamp shade.
"Pinagpalit mo na ba kami Josh?" may himig nang pagtatampo kong tanong sa kanya. "Pinagpalit mo na ba ang barkadahan para sa kanila?"
At sa puntong iyon ay bumalik sa walang-emosyon ang mukha ni Josh. "Isang araw maiintindihan mo din kung bakit ko ginagawa ito, sa ngayon kailangan mo munang puntahan ang kwartong to."
May hinugot ito sa bulsa na papel at iniaabot sa akin, nagdadalawang-isip pa akong tanggapin iyon pero dahil sa udyok ng magaling na lalaki ay kinuha ko din ito.
"Ano to?" nagugulumihanan kong usisa sa papel kong hawak. "Hellix? anong gagawin ko dito?"
"Basta proteksyon mo yan sa loob at labas ng AIS habang nag-aaral ka pa." sagot nito.
Lalo akong naguluhan sa kanyang sinabi, wari mo'y parang pinasok ka niya sa isang bagay na iyong kasasadlakan.
"Anong proteksyon? Bakit kailangan ko ng proteksyon?"
"Basta kailangan mo ng Sorority."
"Para saan?"
"Kasi nagalaw ka ni Rivia, at kasunod noon ay iba't-ibang sorority na ang di ka titigilan." halos panawan ako ng aking diwa sa kanyang sagot.
"S-seryoso?! Bakit naman?"
"Basta puntahan mo na lang yan bukas, hwag kang matakot sa kanila."
"H-hoy teka!"
"Kailangan ko ng umalis Donnie, mag-iingat ka lagi," paalam nito. "Lagi lang akong nakasubaybay sa'yo."
Nang makaalis na si Josh ay paulit-ulit na naglalaro sa utak ko ang mga sinabi nito. Kaya ng dumating ang umaga ay halos bangag ang aking awrang pumasok ng klase. Ganitong pagkakataon kong ninanais na sana ay wala na lang pasok o kaya may special holiday o kaya bagyo sa araw na ito. Dahil sa totoo lang ay wala ako sa wisyo para makinig ng kanilang mga pagtuturo. Malakas na pumalakpak ang tenga ko nang sa wakas ay matapos na ang lahat ng klase ko. Habang patungo sa nasabing kwarto ay siyang pagsidhi ng kaba sa aking dibdib. Paulit-ulit kong binasa ang nakasulat sa papel at sa pinto ng kwarto kung tama ba ang napuntahan ko.
"Uhm, Hellix Sorority." bulong ko. "Kaya mo to Donnie, di ka naman siguro ipapahamak ni Bato dela Rosa."Isang pang beses pa akong nag-alinlangan pero wala eh, nandito na ako kaya kailangan ko na lang pangatawanan kung ano mang poncio-pilato ito. Humugot pa ako ng hangin at buong-tapang ko nang bubuksan ang pinto sa pagbilang ko ng tatlo.
"Isa.."
"Dalawa.."
"Tatlo!"
Naghilakbot ang sistema ko ng maabutan ang mga pangyayari sa loob ng kwarto.
"Hinayupak kang gagu! Mamatay ka na tang-ina mo! Di ka mahal ng nanay mo!"
"Ay ang bubu! Fuck! Tanga! Kapag ako natalo sayong punyeta ka sasamain ka saken!"
"Ano ba kayo maka-trashtalk kayo walang bukas, nagugulat tuloy tong bisita natin."
Napatulala ko sa kanila, jusme! Ano bang ginagawa nila? At ang sakit sa tenga ng mga trash-talk nila. Nag-umigting ang panga ko ng makilala ko kung sino sila.
"Isa kang alibughang nilalang Shin!"
----
Alas siete na ng gabi ng maalimpungatan ang tulog ko mula sa kung anong malamig na bagay ang nakapalapat ngayon sa aking katawan at pisngi, kahit anag-ag pa ang aking nakikita ay pilit kong i-adjust ang paningin ko sa munting ilaw. Nang mapagtanto ko kung nasaan ako ay doon na nagising ang aking katawang-lupa.
"O' bullshit!"
Nakaupo kasi ako sa isang silya habang nakaposas at kadena ang buo kong katawan. Mahigpit ang pagkakatali nila sa akin ng sinubukan kong kumilos.
"May tao ba dyan?! Rivia!" malakas kong tawag dito sa kanilang colony. "Rivia! Pakawalan niyo ako dito!"
Pag-uulit akong sumugaw ngunit nadismaya lang ako na parang mag-isa lamang ako sa colony nila.
Sinubukan ko pang ulitin ang mag-ingay ngunit naging hagok ang aking katawan at nagnanais makalanghap ng hangin ng bigla akong hindi makahinga ng maayos. Binalutan ako ng takot ng wala ng lumalabas na boses mula sa lalamunanko. Di ko na alam ang gagawin ko ng kusang gumalaw at humihigpit ang mga kadenang nakapalibot sa buong katawan ko, inulit ko ang pagsigaw pero wala talagang boses ang lumalabas lalamunan ko. Nasa ganon akong posisyon ng may lumitaw na aninong itim ang mabilis na lumitaw sa harap ko.
Ilang saglit pa ay napadilat ako ng mata ng makaamoy ng usok sa paligid ko. Malakas akong napaubo at marahas na pinunasan ang pawis sa aking noo. Doon ko lang napagtanto na nawalan ako ng malay sa harap colony nila Rivia.
"Good evening!" nagagalak na pambungad ng dalawang babae sa akin sa loob.
"Mabuti naman at gising ka na," panunuya ni Rivia. "Tagal mong gisingin eh."
Umikot na lamang ang aking mga mata niya sa kanyang tinuran. "May attitude problem mga teh."
------
-🖋☻Yuki
BINABASA MO ANG
Sorority
Mystery / ThrillerSimpleng mag-aaral lamang sa AIS si Donnie na walang ibang nais kundi ang makapagtapos ng pag-aaral at makapagtrabaho. Sa pagka-graduate niya ng high school ay dala niya ang pangarap ay pinaghandaan niya ang pagpasok sa college. Pero di niya inaakal...