Chapter Six: First
"There is no such a thing as a chance or accident, the words marely signify our ignorance of some real and immediate cause."
-Adam Clarke
----
Nine-thirty palang ng umaga pero ang diwa ko ay antok na antok pa habang nasa loob ng klase. Sa mga oras na katulad nito ay hinihiling ko na sana ay humingi pa ako ng gamot kay Lu para sa hang over. Nakatulala na lang ako sa papel na pinalabas ng guro namin sa reactin paper na pinapagawa niya at ni isang salita ay wala akong mailagay sa pinapagawa sa activity ni ms. Queenie.
Queenie Reign Hermosura, 28 years of age,
PolSci 101 Proffesor, single and never seen with any other guys bukod sa kapatid niya na si sir Idris Hermosura.
"Ehem! Kapag wala ka ng maisagot sa exam mo isulat mo na lang nagmamahal." sulsol niya sa klase pero nakatingin sa akin, patay!
"Hala, bakit naman po ma'am?" pagsakay din ng mga nang-iintriga kong mga kaklase.
"Kasi kahit kailan di naging mali ang magmahal diba ms. Queenie?" sabat ng isang estudyante na nakiki-sit-in sa klase namin, simpleng tumili ang buong klase dahil sa presensya niya, samantalang napangiwi na lang ako at si ms. Queenie sa hugot niya.
"Get out of the room Carlos!"
Pagkatapos ng klase ko ay dumiretso na lang ako sa clinic para humingi ng gamot sa nurse, mabait naman ang lalaking nurse dahil binigyan pa niya ako ng pet bottle na mineral water.
"Salamat kuya," Sambit ko ng malugod na tinanggap ko ang tubig at gamot. "Pogi naman pero poker face din parang si Josh na di marunong ngumiti."
Agad akong napailing ng ma-realize ko na kinukompara ko na pala ang nurse kay Josh. Dumiretso na lamang ako sa dorm at di na pumasok sa mga klase kong klase, bahala silang mag-isip sa nangyayari sa akin.
----
Malakas na katok ang nagpagising sa mahimbing kong pagtulog, pupugas-pugas pa akong tinungo ang pinto. Kahit di pa gaanong mulat ang mga mata ko ay binuksan ko na ang pinto.
"Huh? Asan na yong kumakatok?" nagtaka ako ng wala naman akong makitang ibang tao, dinungaw pa ko pa ang labas pero wala talagang katao-tao dahil oras pa ng klase.
"Luh! sira-ulo lang? Sige takutin niyo pa ako mga pashnea."
Kakamot-kamot ako ng pisngi, ng isara ko na ang pinto. Muli akong humikab dahil balak ko pa sanang bumalik sa kama at nabitin ang aking tulog pero nagulat ako ng biglang bumukas ang TV dito sa dorm.
"M-may tao ba dyan?" pasigaw na tanong ko sa paligid, napalunok ako sa pangamba na baka may kasama na pala akong manigno dito. Luminga-linga pa ako sa paligid kahit sa silong ng coffe table ay tiningnan ko din pero wala pa rin akong nasumpungang ibang tao maliban sa sarili ko.
"Doraémon seriously?" Nadidismayang tono ko sa palabas, hinagilap ko ang remote sa coffee table pero nagtaka ako ng wala ito doon kinalkal ko din ang sofa pero wala din doon.
"Nasaan na yon? Dapat nandito lang yun ah, hayss di bale na nga huhugutin ko na lang ang saksakan."
Akmang huhugutin ko na sa saksakan ang tv ng may sumigaw mula sa kusina. "Wait! Hwag mong patayin nanunood ako."
BINABASA MO ANG
Sorority
Mystery / ThrillerSimpleng mag-aaral lamang sa AIS si Donnie na walang ibang nais kundi ang makapagtapos ng pag-aaral at makapagtrabaho. Sa pagka-graduate niya ng high school ay dala niya ang pangarap ay pinaghandaan niya ang pagpasok sa college. Pero di niya inaakal...