Chapter Twenty-nine: Initiation
"Never complain, never explain."
-Benjamin Disraeli
Her POV
*Hellix's Colony, 6:30 pm--
Prenteng nakaupo ang apat dito sa colony namin samantalang dumadagundong na sa kaba ang puso ko habang naghihintay ng hudyat kung kailan kami pupunta ng advilleton arena.
"Relax bata, di ka naman papahirapan doon." Paninita saken ni Rivia, nakilang ikot na kasi ako sa paglalakad nahihilo na siguro kaya naninita na ang bruha. Itinaas niy pa ang magkabilang kamay niya at ipinatong sa sandalan ng couch dahil doon di niya napansin na lumihis ng konti ang black leather jacket niya, nakita ko tuloy ang isang peklat sa pulso niya pinaningkitan ko to ng mata at para makumpirmang laslas nga ito ay hinaplos ko ito. Bigla naman akong tiningnan ni Rivia ng maramdaman niya ang paghaplos ko ng lulso niya, bakit ngayon ko lang ito nakita?
"Naglaslas ka?" Usisa ko, tinabig niya ang kamay ko at walang-emosyon akong binalingan ng tingin muli akong kinabahan sa di ko malamang dahilan. Pinasadahan ko ng tingin ang tatlo na natahimik sa kani-kanilang pagkakaupo.
"Kailan pa yang laslas mo dyan?" Segunda ko. Humalukipkip siya sa kanyang upuan at sinenyasan sila Jiane, napakunot ang noo ko kung para saan ang senyas na yun. Ilang saglit pa ay pinakita din saken ng tatlo ang pulso nila, napasinghap ako sa gulat ng mapagtanto kong meron din silang mga laslas.
"Fuck! May di ba kayo sinasabi sa akin?" Tanong ko, di ko alam mung para saan ang mga laslas nila pero isa lang ang alam ko... di maganda ang kutob ko sa mangyayari. Isang malakas at matinis na boses ang umere sa speaker na naririto sa colony, ewan ko ba pagkarinig ko ng boses na yun ay biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko.
"Tara na, tumunog na ang hudyat." Lalo akong kinabahan sa sinabi niya, nagsimula na silang lumakad patungo ng pinto samantalang ako ay naninigas na dito sa couch. Nang maramdaman ni Rivia na di pa ako sumusunod ay walang-emosyon niya akong nilingon humugot siya ng hangin bago nagsalita.
"Hwag mong sabihin na ngayon ka pa matatakot? Marami ka ng pinagdaanan kasama ng grupo kaya di ka na maaaring umatras pa," napalunok ako bago ihakbang ang isa kong paa. "At alam mo ba kung ano ang motto ng AIS? Never complain, never explain."-----
Pagkapasok namin ng advilleton arena ay bumungad sa amin ang madaming tao, teka saan galing mga ito? Nilibot ko ang mga mata ko sa mga nagsisilbing audience ngayon at sa di kalayuan ay namataan ko yung mga grupo ng mga lalaki na hawak din ni Rivia sa labas ng AIS o sa madaling salita alumnus ng AIS, kumakaway pa ang ilan sa kanila habang ang iba naman ay tumango lang at nakangiti. Sigh.
Tinanaw ko ang ginawang set-up dito sa advilleton arena kung saan may malaking bilog sa gitna ng audience na siyang nagsisilbing stage ngayon. Doon natanaw ko ang iba pang mga grupo na paparating palang na nakasuot ng mga kulay base sa insignia ng sorority na kinabibilangan nila. Kami ang pula at itim (Hellix), mayron namang green at itim (Femmé Fatalé), may purple at itim (Scorpions), may asul at itim (Baroaque Arch), may brown at itim (Serpentine), may pink at itim (Foxes), may red at white (Red Spider Lilies), may naka-print ng black and white sa bundok sa kanilang suot na shirt (Black Panther's Hill), may orange and black (Black Sheep), at silver and black (Red Polaris) at iba pang grupo ng mga sorority at fraternity na di kasali sa top 10. Nang makapwesto kami ay lalong dumagundong ang buong arena sa sigawan ng mga tao sa pagdating ng mga staffs at admin office sa loob ng arena, lalo tuloy akong ninerbyos sa dami nila. Sigh. Saglit kong sinuri ang paligid nakita kong tahimik din ang ibang grupo sa kanilang mga lugar lumingon sa akin si Venille ganon din si Rollice, Shu, Franky, at Josh na sigurado akong kinakabahan din ngayon.
"Bago tayo magsimula, First class may isang tradition ng AIS - College Department ay ang blood compact, leaders," agad tumalima sila Rivia na pumunta sa gitna ng advilleton arena, kasama ang mahigit sa kwarenta na iba pang leaders ay nakabuo sila ng malaking kumpol sa gitna ng arena. May pinindot si ms. Shiro na remote at lumitaw ang isang malaking ginintuang mangkok pero may stand sa ilalim, nilagyan ito ni sir Idris ng alak hanggang sa makalahati na ng malaking mangkok. Pagkatapos ay umalis na sila sa arena isa-isang naglabas ng kanilang kunai at balisong ang mga leaders, unang munang nagpasugat ng kanilang hintuturo ang top 10, matapos patakan ang mangkok ng kanilang dugo ay nagsisumunod na ang iba pa hanggang sa lahat ay natapos na ay lumapit ulit si sir Idrish sa lalagyanan para haluin ito. Isa-isa niyang isinalin ito sa mga whine glass kasama ng ilang staffs na siyang nagdala ng mga inumin sa mga leaders. Sabay-sabay nila itong itinaas ang baso sa ere sa hudyat ni ms. Shiro ay sabay-sabay nila itong ininom, matapos non ay nagsimula na ang hinihintay ng lahat ang. . . initiation.
Hinulog nila sa isang fishbowl ang lahat ng pangalan ng mga sorority at fraternity. Jusme, muna ako. "Unang sasalang sa kanilang initiation ay ang Project Exodus."
Mula sa likod ay lumabas ang grupong nakapurong puti at nakasuot ng mga silver cross necklace bilang accessories, napataas ang kilay ko sa kanila at parang masusuka ako sa awra nila masyado silang banal. Psh.
Mayuming ngumiti sa lahat ang leader nila, nagpakilala pa siya napairap na lang ako sa pagiging mahinhin niya. Di ako bagay sa grupo nila baka masunog ako ng wala sa oras. Simple lang naman ang initiation nila pinadapa nila sa gitnang arena ang newbie nilang nakaputi din, binuka niya pa ang kamay niya para feels daw ang salita ng diyos na inuusal ng leader nila. Lalong umasim ang mukha ko habang pinagmamasdam sila pakiramdam ko unti-unting sumasakit ang mata ko sa nasasalsihan ko. Sigh. Matapos ang ilang minuto ay natapos na din sila, isa din ako sa natuwa di dahil sa tapos na siya sa initiation kundi dahil makakaalis na sila sa paningin ko. Muling bumunot si ms. Shiro sa bowl at sunod naman ang Black Sheep-- ang grupo ni Franky. Pinapanood namin kung paano maglakad ang grupo nila patungo sa gitna ng arena- matapos magsalita ang leader ng Black Sheep ay pinapwesto niya si Franky sa gitna, umalis na ang mga kagrupo niya at sa palibot ng Arena ay lumitaw ang mga higanteng salamin na nagsisilbing harang mula sa manunood. Bigla akong kinabahan ng lumitaw din sa arena ang isang nakakulong na leon-- shit! marahas akong napatayo, napatingin saken ang mga kasama ko pero tinapunan nila ako ng tingin na hwag makikialam sa initiation ng ibang grupo. Shit! Shit! Si Franky! Patay siya niyan!
Mula sa digital clock sa taas ng monitors ng arena ay nakalagay ang 10 minutes. "You timer starts now!" Napalunok ako ng pakawalan na nila ang leon- lalo akong kinabaha para sa kaligtasan ni Franky, pinalagutok niya ang mga daliri at kinuha ang latigomg nakatago sa likod. Shit! Seryoso siya na latigo ang gagamitin niya?!
Parang ngayon pa lang gusto ko ng mahimatay sa sobrang kaba pero di pwede, so putang-ina to the nth power! Damn!-----
-🖋☻Yuki
BINABASA MO ANG
Sorority
Mystery / ThrillerSimpleng mag-aaral lamang sa AIS si Donnie na walang ibang nais kundi ang makapagtapos ng pag-aaral at makapagtrabaho. Sa pagka-graduate niya ng high school ay dala niya ang pangarap ay pinaghandaan niya ang pagpasok sa college. Pero di niya inaakal...