Chapter Twenty: Trouble Is My Friend
"His flight was madness; when our actions do not, Our fears do make us traitors."
- Shakespeare
------
Her POV
"Get your fucking asses ready skinny bitches." Sigaw ni Rivia sa lahat, napangiwi ako kasi nag-iinit palang ang laban namin ng online games ay pinapaawat niya na kami. Psh.
"Tama na muna yan, at may pupuntahan tayo." Kahit labag sa loob namin ay tinigil namin ang laro at sumama sa kanya. Tumigil kami sa isang eskinitis ulit pero malapit lang sa AIS. Sigh, ano bang gagawin namin dito.
Umupo si Rivia sa isang bangko at nilabas ang kanyang vape di alintana ang mga matang nakamasid sa amin habang nakatingin sa malayo. Kinalabit ko si Lu na sumisimsim ng softdrinks, nagtataka naman siya ng binalingan ako.
"Ano bang ginagawa natin dito?" Bulong ko sa kanya, inubos niya muna ang softdrinks at itinapon sa katabing basurahan tapos ay bumalik siya sa tabi ko.
"Anong ginagawa natin dito? Uhmm.." nagpabitin pa muna siya na wari mo'y nag-iisip pero ramdam ko din neto alam kung bakit kami nandito. "Uhmmm.. di ko din alam ehh."
Biglang nangasim ang pagmumukha ko ine-expect ko na to ehh pero iba pala kapag legit na maririnig mo ang sagot. Psh.
"Sabi ko nga di mo din alam. Psh." Natawa na lang ito sa akin. Sigh. May magagawa pa ba ako edi magpangalumbaba na lang ako dito sa isang tabi at nag-isip ng maaaring gawin namin dito.
"Hoy! Bitiwan niyo nga ako!" Nagitla ang grupo ng makarinig kami ng sigaw, di kalayuan sa amin ay may babaeng pinagtutulungan ng limang lalaki na maisakay sa van. Iginala ko ang paningin ko sa paligid namin at nagtaka ko kung bakit wala manlang nangangahas na lapitan ang ginang na silang mas malapit sa pwesto nito kesa sa amin.
"Tulong! Pakiusap tulungan niyo ako!" Halos mangiyak-ngiyak na ang ginang sa pangangaladkad ng mga ito pero ang mga kapitbahay ay tumingin sa malayo at di manlang binalingan ang kakawawang ginang. Bigla akong nakaramdam ng inis napatayo ako ng wala sa oras pero binalingan ako ni Rivia ng masamang tingin na wari mo'y sinasabi na hwag makikialam sa nangyayari, pero di ko siya pinansin at sumugod ako sa mga lalaki dala ang kunai na siyang at natatanging sandata na meron ako.
"Hoy! Bitiwan niyo nga yung matanda!" Napangisi ang isa sa limang lalaki na tingin ko'y lider ng grupong iyon.
"Tulungan mo ako hija pakiusap." Untag ng ginang at pilit na winawaksi ang mga kamay nila sa kanya. Kita ko ang pagningning ng kanyang mata sa dala komg pag-asa.
"Bakit miss makikialam ka ba sa amin?" Mapanuyang sabat ng lalaking iyon sa akin inirapan ko na lang siya at inilabas ang kunai ko.
"Bitiwan niyo siya mga animalia." Napaismid ang lalaki at nagsilabasan din sila ng mga armas, napalunok ako dahil di biro ang ginawa ko, binalingan ko sila Rivia at kita ko ang pag-iling niya at parang nadismaya siya sa nangyayari. Tss. Wala yatang plano ang gaga na tulungan ako ahh. Sigh.
"Boys turuan niyo nga nga leksyon tong binibini na to hwag basta-basta makikialam sa mga bagay-bagay." Napaatras ako sa narinig ko, ano daw? Tuturuan ng leksyon sira-ulo pala ito ehh.
"Hoy! Di naman kayo prof ng AIS para turuan ako no. At saka mukha kayong paa! Ang panget niyo!" Pang-aasar ko sa kanila biglang nandilim ang awra nong boss nila at tinadyakan yung ginang papasok ng van nanlaki ang mga mata ko sa kanila tapos ay walang alinlangan ng sumugod saken ang tatlong lalaki. Ohh my fucking shet to the nth power! Nagalit ko ang mga natutulog na dragon.
----
Other's POV
"Ay tanga! Ang Bobo! Psh. Sayang ang ipinusta ko dito boy, akala ko marunong na di pa pala psh!" Di mapigilang magmura ng ilang manunood sa ginawa ni Donnie na pagsugod. Kita ng lahat ng taga-AIS ang mga nangyayari sa kanila na gustong makasagap ng mga nangyayari sa One month rule.
"Rivia you have now to move at baka mapano yang bata kapag may nangyaring masama dyan." Napaismid si Rivia sa sinabi ng kapatid, na puno ng iritasyong ang mukha.
"Alam ko ang gagawin ko miss Shiro, you don't have to elaborate it. Tss. Kahit kailan talaga di na natuto tong babaeng to, lakas makapunyeta at makapagpa-usok ng tumbong." Pilit na pinapakalma siya nila Jiane at Lu pero bakas ang pagkadismaya sa kanya at inis.
"Go now, always remember the our goal Daniels." Paalala ulit ni Shiro sa kanya, napakagat siya ng labi at pilit na pinapakalma ang sarili. Inis niyang pinadaan ang kamay sa buhok.
"I know, I know miss dean. Tss." Pinutol niya na ang communicator sa hikaw niya at binalingan sila Jiane, S at Lu.
"Let her kill that man but don't let her to be killed. Understood?" Bumuntong-hininga muna ang tatlo bago sumang-ayon sa utos. "Tss. Kung di ko lang sinesecure ang position ko dahil sa kanya di ako magtyatyaga sa kanya." Ito na kasi ang huling beses na pagbibigyan siya higher officials dahil laging bigo ang mga nagdaan niyang tinuruan kaya kapag siya'y nabigo pang muli ay mawawala na ng tuluyan ang mga pinaghirapan niya at mabubura sa listahan ng AIS ang grupo nila kahit pa top 1 na pinakamagaling na grupo ay siguradong burado ito kapag nabigo siya, ayon ang ayaw niyang mangyari kaya habang nandito pa siya sa AIS ay kailangan niyang pangalagaan ang mga ito.
"Let's go." Aya ni Rivia sa mga kasama. Napainat ng kamay si Lu at nakadama ng excitement. Ang plano talaga sa araw na ito ay hintayin ang shipment ng mga bagong armas at iha-hijack nila pero sa nangyari ngayon ay parang imposible na. Di na mapigilan pang mapamura ni Rivia sa isip niya. Kinuha niya ang cellphone niya at nagtawag ng back-up, heto yung mga nahawakan niya na na graduate na at malapit lang din sa area nila. Pagkatapos niyamg tumawag ay hinarap na nila ang leader kuno ng grupong ito. Pinaningkitan niya ng mata ang dalawang lalaking kasama neto, pasimpleng tumango ang dalawang lalaki sa likod ng mga kagrupo nito.
"Boys masyado atang mainit ang ulo natin ahh? Anong meron?" Malanding tono ni Jiane sa mga lalaki. Napangisi ang leader ng grupong iyon at malagkit ding tinitigan si Jiane. Simpleng umirap si Rivia at gustong-gusto ng bigwasan ang lalaking maharot pero pinigilan niya ang sarili, di pa ngayon ang oras.
"Ganito maglaro na lang tayo. May baril ba kayo dyan?" Nawala ang ngisi mukha ng mga lalaki at inihanda ang kani-kanilang sarili. Di na maitago pa ang ngisi sa mukha ni Rivia.
"Relax, nagtatanong palang ako. Napaghahalatang masyado kayong mainit.. mainit ang ulo." Lintaya ni Rivia sa mapang-asar na tono, simpleng kumindat si Jiane sa dalawang lalaki sa likod. Pagkabigay ng hudyat ay sumugod na ang dalawang kasabwat sa kina Rivia nagitla ang lider at ang dalawa pang kasama nito sa ginawang pagsugod ng dalawa, wala ng nagawa pa ang tatlo kundi ang sumugod na din sa mga babae.Fuck it! Wala ito sa plano nila pero heto ang hanap ng katawan nila.
------
-🖋☻Yuki
BINABASA MO ANG
Sorority
Mystery / ThrillerSimpleng mag-aaral lamang sa AIS si Donnie na walang ibang nais kundi ang makapagtapos ng pag-aaral at makapagtrabaho. Sa pagka-graduate niya ng high school ay dala niya ang pangarap ay pinaghandaan niya ang pagpasok sa college. Pero di niya inaakal...