Chapter Five: Drunk

56 54 0
                                    

Chapter Five: Drunk
   

    "Behind every argument is someone's ignorance."

- Louis Brandeis

----
 

 
   
   
"Welcome to the club, Donnie!" paunang bati ni Lu sa akin, agad akong inabotan ni Rivia ang unang shot, sunod si Seraphina at Jiane. Wala akong magawa kundi ang tanggapin agad ng tatlong magkakasunod na shot.

  
"Hello Rivia." paglapit ng isang babae sa mesa namin, hawak nito ang isang sikat na bote ng serbesa sa kanyang kanang kamay- maganda, may maamong mukha na parang isa itong anghel na nanggaling sa langit. Pinapanood ko lang silang nag-uusap ni Rivia pero ng magpaalam na ito ay bigla niya akong hinarap.

  
"Welcome to the club, Donnie!" parang gumuho ang mundo ko ng batiin niya ako. Nawala ang pagkahanga ko sa kanyang ng marinig ko ang mga salitang iyon.

  
"Di pala anghel, mukhang may sa demonyo din ang bruha." bulong ko sa ere, inirapan ko ang mahaderang tuwang-tuwa na nagsasalin ng alak.
  

Nang mainom ko na iyon ay nakipag-chikahan din siya kila Lu at Jiane, ang dalawa naman parang inasinan sa tuwa sa mga kwentong-barbero ng bruha. Matapos ang konting chikahan ay akala ko ay nagpapaalam na ito pero bago siya umalis ay inulit nito ang bati niya sa akin "Welcome to the club, Donnie."

     
Napapikit ako sa ikalawang pagkakataon.
    

"Teka dalawang beses na akong binati non ahh counted ba talaga kahit pangalawa na?" reklamo ko.

  
"Oo counted yun, kasi nga diba bawat bati ng tao sayo? So, magsha-shot ka o magsha-shot na magsha-shot ka?" susol pa nito. "O shot na bata, daming arte ehh."

Napangiwi ako ng itapat niya ang shoting glass sa mukha ko. Di na maipinta pa ang mukha ko matapos kong mainom ang binigay nitong alak. Tuwang-tuwa naman si Rivia habang sinasalinan ulit ang maliit na baso ko.
   
  
"May kalokohan ka din Anna. Thanks Anna!" sigaw ni Rivia sa babae.

   
"Hayss putang ina naman ohh." alatiit ko sa tabi.

 
"Siya nga pala si Anna Casandra Villalon, fourth class Biology student at leader ng Red Spider Lilies," wika ni Lu sa tabi ko. "May asawa na yan pero walang maalala."

 
Napakunot ang noo ko sa inihayag niya. "Huh? paanong wala siyang maalala?"

  
Uminom muna ng alak si Lu bago sagutin ang tanong niya. "Walang nakakaalam kung paano nawala ang alaala niyan ehh."
      
   
Maya-maya pa ay biglang sumigaw ng malakas ang isang grupo sa likod, agad nangasim ang pagmumukha ko sa sinigaw nila nang humarap ako. "Welcome to the club Donnie!"

  
"Bullshit! Na malagkit!" Halos di ko makapaniwalang ubtag sa pagitan ng inis at ngiwi ko, palahaw na tumawa si Rivia maging sila Jiane at Lu bukod kay Seraphina na mukhang di tinatamaan ng emosyon. Matapos kong mainom ang alak ay marahas akong tumayo sa kinauupuan ko, nagtataka naman siyang binalingan nila Jiane sa akin.

  
"Tinitingin-tingin niyo?" singhal ko sa kanilang lahat. "Huhubarin ko lang tong blazer ko, masama ba?"

  
Napangiti na lang si Rivia sa kanyang upuan at humalukipkip.

   
"Hooh!!! Sexy!" sigaw ng isang lalaki sa likod namin, nag-middle finger ako kina Laurence na tumatawa ng malakas. At kasunod non ay ang pagsigaw ng grupo nila nang.. "Welcome to the club, Donnie!"
      
     
"Gago talaga ang mga hudas!"

SororityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon