Chapter Two: The Adamson Infern School Part II

97 75 0
                                    

Chapter Two: The Adamson Infern School Part II
    

"A fool may be known by six things: anger, without cause; speech, without profit; change, without progress; inquiry, without object; putting trust in a stranger, and mistaking foes for friends."

-Arabian Proverb
----
            
        

"Mister tigilan mo na to please!" pakiusap ng pinakamatanda sa kanilang lahat. "Mga hijo, please! Kami kasi ang mapapagalitan sa mga yan!"


Nagulat ang kami ng makita sa grupong iyon si Josh.

   
Mahinang bumulong si Ven sa tabi ko, "G-guys diba si Josh yun?"

     
Naikuyom ko ang kamao ko sa inis at nangangati ang mga palad ko na manapak.

   
Mahinang bulong ni Rollice sa gilid ko, "Donnie anong binabalak mong gawin?"
    

"Pangangaralan si Josh."
       

"Teka, Donnie! Maghunos dili ka please!" pigil ni Ven.
      

"No Ven! Di ko ito-tolerate ang ginawa ni Josh!" pagngingitngit ko sa hallway. Nakaalis na kasi sila sa cafeteria kaya hinabol ko sila.

    
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Nanggagalaiting tanong ko kay bato mahigpit ang kapit ko sa kanyang kwelyo.
      

"Hahahahahaha ang tapang mo namang babae ka," panunuya ng isa sa mga lalaki kanina. "Hoy! babae bitiwan mo yang bata ko kung gusto mo pang makalabas ng buhay dito!"

    
Namumukhaan ko ang lalaking ito dahil siya lang naman ang nakatutok sa mga tindera kanina.

   
"At saka ang tapang mo naman para sumugod ng mag-isa dito sa colony namin," aniya. "Ay hindi pala."
    

Bigla akong dinagsa ng kaba ng balingan niya sila Ven at Rollice na nasa pinto. Nangangambang nagkatinginan ang dalawa kong kaibigan.
      

"Donnie tara na umalis na tayo!" sigaw nila Rollice. Pero parang na-istatuwa ako sa aking kinatatayuan ng maglabas ito ng dos por dos na tabla.
     

"Ako ng bahala sa kanya uno." putol ni Josh.
    

"Hindi maari yan singko," pagsingit ng isang babae na nagising sa kanyang pagkakatulog. "Hayyyss! Bakit ba ang daming pakilamera sa mundo."
    

Di ko alam pero sa unang magkakataon ay dumoble ang kaba sa aking dibdib, nakakaamoy ako ng panganib.

   
"Donnie!!" sigaw ng dalawang kong kaibigan.

    
Napaatras ako ng makita naming naglabas ito ng kunai. Pinaikot-ikot niya ang hawakan sa kanyang kamay na animo'y ito ay isang laruan lamang.
    

"Pasensya na Rivia, di na mauulit." paghingi ng tawad ni Josh dito.
    

"Talaga namang di na mauulit yun," aniya sa nagbabantang tono, "dahil di na siya makakaulit pa, singko."

  
Napalunok ako dahil ngayon ko lang naramdaman ang ganitong takot sa  tanang buhay ko.

  
Umupo siya sa isang bangko pero nanatiling ang kanyang mata na nakatutok sakin, "Ang pangit namang matulog dito sa colony mo Salvatierra."

    
"Pasensya naman," pagbibiro niya. "Di ko naman alam na may nangahas na pumasok basta-basta dito sa colony ko."

    
Nag-inat ng kamay si Rivia at hinalukat ang bag ng pagkaing nakuha nila sa cafeteria kanina.

SororityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon