Chapter Four: Plan
"We would often be ashamed of our actions if the world understood all the motives which produced them."
-François de la Rochefoucauld
----
Alas dos ng hapon ng magpatawag ng meeting si Nagashiro sa advilleton arena.
"Alam niyo na siguro kung bakit kayo nandito di ba?" pormal niyong tono sa lahat.
"Pinagtipon-tipon namin kayong lahat lalo na sa mga first class students ay para sa offcial na ma-recognize namin kayo sa sorority at fraternity na nasalihan ninyo."
Pagkatapos ng mahabang seremonya ay isa-isa ng tinawag ang mga pangalan naming mga first class medyo kinakabahan pa ako dahil pagkatapos daw neto ay pa-welcome na ng AIS ang susunod.
"Venille McHarden," anunsyo ni ms. Juddah Myers kay Ven at nang marating niya na ang entablado ay pormal ding hinarap ni Ven ang mga kawani ng eskwelahan. "Raise your right hand and follow after me."
Itinaas ni Juddah Myers ang kanang kamay niya na animo'y nanunumpa at ganon din ang ginawa ng mahadera kong kaibigan. "Venille McHarden, do you solemnly pledge your loyalty to Femmé Fetalé Sorority and so as to your school AIS?"
"Yes I am." buong-tapang na sagot ni Ven.
"Take this dagger as your weapon wherever you go at the necklace for a token as a lifetime commitment that you are part of Femmé Fetalé Sorority, as long as you are living."
Malugod namang niyang tinanggap ang necklace mula sa kamay ni ms. Shiro. Pinagmasdan niya ang women figure pendant na may hawak na sibat sa kanyang kamay.
"Next Franky Goo," tawag naman ni ms. Judah. At inulit ang pact kay Franky, nangislap naman ang mata nito ng tanggapin niya ang black sheep pendant at kunai mula kay ms. Shiro.
"Next, Donnie Villa Encarnacion," kinakabahan akong tumayo mula sa pinag-upuan ko. "Donnie, do you solemnly pledge your loyalty to Hellix Sorority and so as to your school AIS?"
"Yes I am."
"Take this dagger as your weapon wherever you go and the necklace for a token as a lifetime commitment that you are part of Hellix Sorority, as long as you are living." binuka ko ang dalawang palad ko para tanggapin ang dagger at kwintas mula sa kanya, kumintab ang black gold na helix pendant ng tumama ito sa ilaw. Di ko mapigilang mamangha sa kwintas na ito, pa-simple ko pa itong kinagat ng yumuko ako. Shit! Totoo nga, nagka-dent ito ng konti sa gilid.-----
Pagkatapos ng recognition para sa aming mga newbies ay pinalabas na kami sa arena kasama ng mga kanya-kanyang naming grupo- at dahil no choice ang lola niyo ay nanlulumo akong pinuntahan ang sasakyan ng mga ito.
"Teka saan ba tayo pupunta?" bulong ko sa katabi kong boyish na computer geek.
"Hehehehe Lucifia del Monde, Lu na lang ang itawag mo sa akin." saad niya.
Inilahad niya ang kanyang kamay sa akin na siyang malugod ko namang tinanggap.
"Nice meeting you Lu."
Kinalas na niya ang kamay niya sa akin at itinuro ang babaeng nakaupo sa driver seat.
"Iyong nagmamaneho sa atin ay walang iba kundi si Rivia, lider natin- kalahating hapon at kalahating dragon." alatiit niyang pagbibiro sa akin.
BINABASA MO ANG
Sorority
Mystery / ThrillerSimpleng mag-aaral lamang sa AIS si Donnie na walang ibang nais kundi ang makapagtapos ng pag-aaral at makapagtrabaho. Sa pagka-graduate niya ng high school ay dala niya ang pangarap ay pinaghandaan niya ang pagpasok sa college. Pero di niya inaakal...