Epilogue
"Anger and jealousy can no more bear to lose sight of their objects than love."
-George Eliot
Matapos ang nangyaring initiation ay karamihan ng mga newbie ay nasa clinic ng AIS, malaki ang pasilidad at kumpleto sa gamit parang ospital na din ang itsura-- sa mahigit isang oras na nakaantabay ang Hellix Sorority sa labas ng ER ay marami na silang nakita na mga newbies na isinusugod sa clinic. Mula sa pagkakasandal sa pader ay umupo naman si Rivia sa mga bangko, ganito naman ang sitwasyon taon-taon at di na bago sa kanila ito-- may mga pagkakataon din na namamatayan sila ng kagrupo, dalawang beses na siyang namatayan ng dahil sa initiation at ito na ang huling pagkakataon niya para maisalin sa susunod na tao ang grupo na siyang magtutuloy ng Hellix dahil kung hindi tuluyan ng mabubura at matitigil ang pagsasalin-salin ng grupo nila sa AIS. At higit sa lahat ay di na siya makaka-graduate pa at patatalsikin na sa eskwelahan.
Napatayo ang grupo nila ng makita ang doctor na gumamot kay Donnie, tinanggal niya ang surgical mask at kinausap sila Rivia. "Tatapatin ko na kayo, comatose ang pasyente dahil sa lalim ng sugat niya sa pulso at marami din ang dugong nawala sa kanya," napahilamos ng mukha si Rivia sa sinabi ng doctor ni Donnie. Bumuntong-hininga pa ito bago ipagpatuloy ang nais pang sabihin. "Ililipat na siya mamaya sa ICU, sa ngayon nasarado na namin ang sugat sa pulso niya. Maari niyo na siyang dalawin matapos ang kalahating-oras matapos nilang mailipat siya sa ICU mauuna na ako ha," nagsitanguhan lang kami sa doctor at ng makaalis ito ay sinugod sila ng isang babae namumukhaan niya ito-- isa ito sa mga kaibigan ni Donnie kung di siya nagkakamali siya si Venille McHarden, na ang grupong kinabibilangan ay ang grupo ng nakatatanda niyang kapatid na si Hira, (ang Femmé Fatalé) may cast ito sa kaliwang braso at may kaunting mga galos sa mukha. Batid niya kung anong klase ng initiation ang pinamumunuan ng kapatid, ang feather dusts.
"Si Donnie?" Nag-aalala niyang tanong, ilang saglit pa ay dumating din ang grupo nila Laurence, kasama niya si Josh na walang ka-galos-galos sa katawan, sigh.
"Rivia nasaan si Donnie?!" Di na napigilan ni Ven na pagtaasan siya ng boses, "Kiddo she's still the leader of their group respect her," nagbabantang tono ni Hira kay Venille, marahas na napahilamos si Rivia ng mukha kaya si Lucifia na ang sumagot. Di napigilang manlumo ng mga kaibigan niya sa nangyari kahit naman si Rivia ehh, bumukas ang pinto ng ER at lumabas sa pinto ang walang-malay na si Donnie-- nakahiga at namumutla. Nakasaksak sa kanan niya ang isang syringe na ang laman ay isang bag ng dugo, nagsimula silang sundan ito ngunit napatigil ang mga paa ni Rivia sa paglalakad, pinigilan niya din sila Jiane na sundan ang kama ni Donnie. Naiwan ang grupo nila kasama ang apat sa grupo ni Laurence (Dos, Tres, Kwatro) at apat sa grupo ni Hira-- dahil sumama sila Josh at Venille sa paghahatid kay Donnie sa ICU.
"Fuck!" Nanlulumong sinuntok ni Rivia sa pader, at doon na bumuhos ang luha niyang pilit na itinatago sa mahabang panahon-- sinuntok niya ulit ang pader dahil pakiramdam niya ay kailangan niya ito nasa ganong tagpo sila ng maabutan sila ni ms. Shiro na humahangos.
"What the?! Hira?! Laurence?! Mga sira-ulo ba kayo pinigilan niyo sanang mabali ang buto ng kapatid ko!!" Sigaw niya, peeo walang kumilos sa kanila kaya lalong nainis si Shiro sa kanila.
"Lucifia! Jiane! Seraphina?! Ano ba kumilos nga kayo?!" Segunda pa niya, pero napayuko na lang ang tatlong kagrupo ni Rivia dahil sa pagkakataon na ito ay wala silang magagawa para maibsan ang nararamdan ni Rivia. Tinapunan niya ang mga ito ng masamang tingin pero balewala lang sa kanila ito.
"Hira?!" Nagtitimping sigaw niya, pero tulad lang nila ay di nila ito mapigilan-- marahas na bumuntong-hininga si Shiro at siya na ang pumigil kay Rivia. Hinablot niya ang kamay ni Rivia saka sinunod ang ulo na iharap sa kanya.
"Look at me Rivia, look at onee-san," nakikiusap na utos niya kay Rivia, muling bumuhos ang luha ni Rivia at humagulhol sa balikat ni Shiro. "Shhh, onee-san is here, your onee-sans is here," pag-aalo ni Shiro sa kapatid-- sunod namang lumapit si Hira para balutin ng panyo ang kamao ng kapatid. Batid ng Baroaque Arch, Hellix, at Femmé Fatalé na ang tatlo ay magkakapatid at sila lang ang nakakaalam ng sikreto nilang ito, at kasama din sa sikreto kung bakit di pare-pareho ng apelyido ang tatlo. Gusto ding aluhin ni Laurence si Rivia pero alam niya hindi siya ang kailangan nito.
Nasa ganong posisyon sila ng dumating si Josh, humahangos at umiiyak, agad napahiwalay sa yakap sila Rivia, Shiro, at Hira-- marahas nilang pinahid ang kanilang mga luha.
"O' bakit singko? May Problema ba?" Usisa ni Laurence, kita nila ang paghugot ng hangin ni Josh bago magsalita. "S-si Donnie nag-flat line ang pulse rate, nire-revive siya ngayon ng doctor at nurse."
"Hindi!" Marahas na napatayo sa bangko si Rivia muling bumuhos ang luha niya at sa pagkakataon ito ay tumakbo siya patungo sa ICU, humabol sa kanya ang iba pang mga kasama isa lang ang hinihiling niya.
"Buhayin niyo si Donnie!"
Pero nang malapit na sila sa kwarto ni Donnie ay naiwanan na nakauwang ang pinto kahit malayo ay dinig nila ang matinis na tunog ng makina ng pulse rate at makina para sa shockwave-- biglang tumigil ang mundo ni Rivia ng marinig niya ang sinabi ng doctor.
"Time of death, 8:57 pm."
The End----
-🖋☻Yuki
![](https://img.wattpad.com/cover/201406695-288-k77752.jpg)
BINABASA MO ANG
Sorority
غموض / إثارةSimpleng mag-aaral lamang sa AIS si Donnie na walang ibang nais kundi ang makapagtapos ng pag-aaral at makapagtrabaho. Sa pagka-graduate niya ng high school ay dala niya ang pangarap ay pinaghandaan niya ang pagpasok sa college. Pero di niya inaakal...