Chapter Twelve: Familia
"There is not enough love and goodness in the world to throw it away on conceited people."
-Friedrich Nietzsche
Other's POV
Matamang hinihilot ni Rivia ang kanyang ulo, siya na lamang ang natitira sa conference hall ng AIS dahil pinauwi niya na ang mga kasama sa sorority. Napukaw ang kanyang atensyon ng tumunog ang message tone ng phone niya, dinampot niya ito at binasa.
From: Just_SHI
Fam meet, the master Meiji is here. See you after 1 hr. Don't be late R and H.
Napahilamos siya ng mukha at napamura sa inis, mukhang kailangan niyang umuwi ngayon sa mansion. Tumayo na siya sa kanyang upuan, tinakpan ang plan board ng kurtina at pinatay ang ilaw. Sinigurado niya din na naka-lock ang conference dahil ayaw niyang magulo ang plano.
Matapos ang mahigit isang oras na pagmamaneho ay nakarating na siya sa boundary ng mansion at katulad ng dati ay maraming bantay na nakasuot ng itim, ilan naman sa kanila ay nakasuot ng itim na suit. Yumuko sila ng makita na dumadaan ang kanyang sasakyan.
Napabuntong-hininga siyang bumaba sa kotse at iniabot ang susi sa isa sa mga bantay.
Marami ding bantay nakahelera sa entrahe ng mansion at katulong, sabay-sabay din silang yumuko ng makita siya. Pasimple niyang iginala ang paningin sa buong lugar, wala pa ring pinagbabago dito. Hanggang ngayon ay nakapreserba parin ang tradisyon ng mga hapon sa buong lugar, napatanaw siya sa pinakamataas na tore ang mansion ng mga Meiji.
"Rivia-sama, your father and your siblings are waiting for you." Untag ng secretary ng kanilang ama. Napabuntong-hininga na lang siya at pinagpatuloy ang paglalakad papunta sa social room ng mansion. Hinubad niya ang kanyang sapatos at kinuha ang slippers na pambahay para makapasok na sa loob, dalawang kawaksi ang nagbabantay sa pinto, binuksan nila ito at doon ay nakapwesto na sa gitna ng social hall ang isang matipunong lalaki. Nababakasan ng otoridad ang kanyang walang emosyon na mukha, mangilan-ngilang puti na din ang nakalitaw sa kanyang buhok at bigote ngunit di pa rin nababawasan ang kanyang kagandang-lalaki, umiinom ito ng Sake, isang uri nang inumin na naggaling pa sa Japan, gawa ito sa isang uri ng bigas. Pinagsalin naman siya ng kanyang asawa nang maubos ang laman ng shot glass nito.
Yumuko si Rivia bilang paggalang sa ama, at ganon din sa ginang na nasa kanan niya. Si Shauko Wang, ang unang napangasawa, isang kalahating hapon at kalahating tsino, lumaki ito sa Pilipinas at doon niya din nakilala si Hayashi ng minsang nagbusiness trip ito at nagkrus ang kanilang mga landas, ang bunga ng kanilang pagsasama ay si Nagashiro, tirentay-uno (31) anyos, pinakaunang anak ni Hayashi. Ilang taon din silang nagsama ni Shauko ngunit naghiwalay dahil sa di matanggap ni Shauko ang pambababae nito. Si Tosca Azumo, ang ikalawang napangasawa, isang kalahating hapon, at kalahating italian, lumaki siya sa Japan, matalik na magkaibigan ang kanilang mga magulang at kalaunan ay ipinagkasundo ito kay Hayashi, ang bunga ng kanilang pagsasama ay si Hirama Azumo Meiji, bente-singko (25) anyos, katulad ng naunang asawa ay nagkahiwalay din sila matapos maipanganak si Hira sa kadahilanang pagsisinungaling ni Tosca na lalaki ang dinadalang-tao niya. Si Fauna Daniels, ang ikatlong napangasawa, isang kalahating hapon at kalahating amerikano, lumaki sa amerika at ipinauwi sa Japan para ipagkasundo sila ng kanilang mga lolo at lola, abot kamay na sana ni Hayashi ang pangarap na magkaroon ng lalaki ng makunan si Fauna at nang muling magbuntis ito ay nadismaya sa bunga ng kanilang pagsasama, si Rivia Daniels Meiji, bente-tres (23) anyos, katulad ng nauna na dalawang napangasawa ay di rin nagtagal ang kanilang pagsasama at nauwi sa deborsyo. Sa kagustuhan ni Hayashi na magkaroon ng anak na lalaki ay binalikan niya ang una niyang asawa, paglipas ng ilang taong paghihintay ay si Rojin Meiji na ang bunga, katorse (14) na ngayon ang tagapagmana ng Meiji clan. Sa kasalukuyan, nangako si Hayashi na di na ulit mambababae pa kaya magpahanggang ngayon ay nagsasama pa rin sila.
Di katagalan ay bumukas muli ang sliding door at doo'y pumasok ang pinakahuling miyembro ng pamilya na kanina pa nila hinihintay, si Hirama o Hira. Yumuko din ito sa kanilang ama at sa asawa nito, pagkatapos ay pumwesto na siya sa gitna nila Nagashiro at Rivia.
Sumenyas na si Hayashi para sa pagkain, wala pa ring nagsasalita na kahit sino sa pamilya kahit dumating na ang mga pagkain. Isa-isa itong inilapag ng mga kawaksi at ng matapos ay nakayuko din silang umalis sa kwarto.
"Mina-san tabemashou, itadakimasu!" Anunsyo ng kanilang ama, kinuha na nito ang chopsticks at dinampot ang mangkok ng kanin, kumuha siya ng side dishes. Walang gana namang dinampot ni Rivia ang kanyang chopsticks at mahinang inusal ang salitang "Itadakimasu" na ang ibig sabihin ay 'malugod ko itong tinatanggap.'
Kumakain na ang lahat ngunit di pa rin ginagalaw ni Hira ang kanyang pagkain. Napansin ito ng kanilang ama at ibinaba ang mangkok at chopsticks.
"What's the matter Hira?" Napatigil din sa pagkain ang lahat at napatingin sa mag-ama. Di siya sumagot bagkus ay padaskol itong tumayo, maglalakad na sana ito nang malakas na ibagsak ng ama ang kanyang kamay sa mesa, nabigla ang lahat sa lakas nito.
"Where do you think your going young lady?" Nagbabantang tanong niya sa dalaga, walang emosyon niya itong hinarap at tinitigan sa mata.
"Why father did my presence really matter to you?" Mapanuyang tanong ni Hira sa ama. Napamura sa utak si Rivia dahil paniguradong mag-aaway nanaman sila. Napapikit ng mata si Nagashiro ang pinaka-ayaw ng kanilang ama ay ang sumasagot ito ng pabalang. Nanggagalaiting binato ng ama ang kanyang chopsticks patungo sa direksyon ni Hira, umikot siya sa ere at kinuha ito, pagkatapos ay ibinalik sa kanyang ama. Nagitla ang lahat sa ginawa ni Hira, agad ding nasalo ng kanilang ama ang chopsticks sa pamamagitan lamang ng dalawang daliri nito.
"Eat or else don't bother to show you face here anymore." Pagbabanta ng kanilang ama na muling bumalik sa pagkain. Napapikit siya sapagkat kapag sinabi nito ay gagawin niya at di pa siya pwedeng umalis na wala manlang namamana sa ama. Labag man sa loob ay napabuntong-hininga ito at nagpasyang bumalik sa kanyang mesa habang naglalakad ay nanggagalaiti niyang tiningnan ng masama si Rojin na tahimik na kumakain. Pasimple namang humarang si Rivia sa kapatid kaya tiningna niya din ng masama si Rivia, nagkibit-balikat lang ito at itinuro na ang kanyang pagkain. Nakaka-isang subo palang si Hira ng maikuyom niya ang palad niya sa inis.
"What do you want to take in college Rojin?" Ngumiti ito sa ama habang patuloy na kumakain.
"I'm thinking about fine arts or literary arts dad." Rojin.
"Take any courses that you want, I'll support you whatever it is." Hira smirked to what their father says. She rolled her eyes and put down the chopsticks.
"Really father, as far as I know onee-san want to take mass com but instead you enrolled her at a business administration, Rivia, wants to be an interior designer but instead you enrolled her at a law course, and I want to take HRM but instead you take me a civil engineering. How unfair right?"
At sa isang iglap ay di na inaasahan ng lahat ang nangyari..
----
-🖋☻Yuki
BINABASA MO ANG
Sorority
Misterio / SuspensoSimpleng mag-aaral lamang sa AIS si Donya na walang ibang nais kundi ang makapagtapos ng pag-aaral at makapagtrabaho. Sa pagka-graduate niya ng high school ay dala niya ang pangarap ay pinaghandaan niya ang pagpasok sa college. Pero di niya inaakala...
