Chapter Fifthteen: Money Problems

44 38 0
                                        

Chapter Fifthteen: Money Problems
   

"Action may not always bring happiness; but there is no happiness without action."
     

-Benjamin Disraeli
   
      ----

   

Marahas na napakamot ng ulo si Donnie ng makita ang wallet na wala ng laman. "Shit paano ako neto?!"

 
"Earth to Donnie?! Nasa planet Mars naman ang utak ng mga bes niyo," Pagpapansin ni Venile. "Anyare? Mukha kang problematic dyan! Anong meron?"
    

Pag-uusisa niya sa kaibigan, nangalumbaba ito sa mesa at tumingin sa malayo.

 
"Wala na akong kwarta mga bruha Huhuhuhuhuhu help me!!" Pagtatapat nito agad silang napasinghap sa kanya.

 
"That's imposible?! Ikaw ang pinakakilala kong matipid na tao sa buong mundo tapos malalaman ko ngayon na naubusan ka ng pera? Di nga?" Di makapaniwalang bulalas ni Rollice. Sino ba naman kasing matipid na tao at naubusan agad ng pera sa isang linggo.

 
"Ehh paano kasi last week nakipagpustahan si Rivia sa grupo at kahit ayaw kong pumusta ay no choice ako kundi magbigay ng isanlibo." Pagmamaktol ko sa kanila, inalo-alo naman ako ni Ven samantalang ginagatungan pa ni Shu ang panlulumong nararamdaman ko.

 
"Pasalamat ka wala ako sa wisyo ngayon kundi lagot ka sakeng Tishu ka." Natawa na lang siya sa akin at binigyan ng tubig. Naibuga ko din yun ng sinabi niya na galing daw sa gripo ang tubig. Sinamaan ko siya ng tingin samantalang ang lakas ng tawa ng bakla, kapag talaga galing ng gripo iyon ay itatapon ko sa pagmumukha niya ang tae ko. Sigh.

 
"Pwede ba akong humiram sa inyo? Di ko pa kasi nakakausap si uncle para sa allowance ko eh pretty please Ven." Nag-puppy cute eyes pa ako sa kanya pero ang bruha nagpatay malisya na may  kunwaring katawag sa phone. Tss. Si Rollice naman ang hinarap ko at nagpa-cute, pero ang isa ding bruha ang galing manligaw ng topic. Tss. Si Shu naman ang nilapitan ko at ang bruho nagbingi-bingihan. Ng si Franky naman ang nilapitan ko ay isa ding bruho nagkunwareng naglalaro. Sigh.

 
"Ang papanget niyo namang ka-bonding huhuhuhuhu, sige salamat na lang sa lahat." Pagpapaawa ko sa kanila, lahat naman sila ay tinigil ang kanilang mga mundo. At tumingin sila sa akin ng may awa. Sigh.

  
"Ayos lang subukan ko na lang sa grupo kung meron silang extra, pasensya na." Hinawakan ni Ven ang kamay ko at dama ko ang lungkot sa awra niya nginitian ko din siya.

 
"Ayos lang talaga mga guys gawan ko na lang ng paraan to." Pagbibigay ko ng assurance sa kanila at nagtungo na ng klase ko. Kahit wala ang isip ko sa klase ay tumingin na lang ako sa bintana at nagpatay ng oras sa panunood.

 
"So ilang estudyante ba ang nabilang mo sa labas?" Tanong ng isang boses, di ko siya tiningnan bagkus ay sinagot ko ito.

 
"Isandaan at dalawampu." Wala sa sariling sagot ko sa boses.

 
"Ahh ehh sa napakinggan mong klase kanina may nakabesa ka ba?" Tanong muli ng boses. Dahan-dahan akong pumikit at bumuntong-hininga pero nanatiling nakatingin sa labas.

 
"Wala, wala ni isa ang nangahas na pumasok na aralin sa aking isipan." Sagot kong muli na wala sa sarili.

 
"Aha! Di ka pala nakikinig sa sinasabi ko?!" Nagulat ako ng sumigaw ang boses na iyon sa tenga ko, nanlaki ang mata ko ng makita ang prof namin na si ms. Savannah kasama ang group sorority ko sa classroom, napatayo ako ng wala sa oras.

 
"Anong ginagawa niyo dito?" Nakasandal lang si Rivia sa teachers table habang nasa pinto naman nakahilig si Seraphina, samantalang si Lu at Jiane ay nakaupo sa magkabilang dulo ng front seat. Doon ko na-realize na wala na pala ang mga kaklase ko shoot! Patay ka talaga Donnie!

 
"Secret." Pang-aasar ni kulot habang nakataas pa ang paa niya sa mesa. Buti na lang nakapants to kundi jackpot sila Butch dito dakilang manyakis pa naman yun ng klase.

 
"Kami na lang ang magtuturo sa kanya Sav anong topic?" Pagvo-volunteer ni Lu kay ms. Savannah. Inirapan siya nito at nag-cross arms.

 
"Ohh bitch please! Ganyan ka din nong klase ko at lalo ka na Rivz don't me!" Nagtawanan ang sila Jiane at Lu, samantalang si walang reaksyon si Seraphina at nangangasim naman ang mukha ni Rivia.
  
   
"Ang harsh mo Sav, kaya ka walang jowa ehh kasi ang bitch mo." Panggatong pa ni Lu dito. Napaismid na lang siya at handa ng singhalan si Lu.

 
"Ohh my fuck bitch! Excuse me, di ko ugaling magbilang nang malalarong lalaki. You know me I dumb it immediately." Nagtawanan sila sa sinabi ni Ms. Sav habang iiling-iling naman si Rivia. Sigh. Its too late to regret na dito ako nag-aral mukhang may saltik ang lahat ng naririto except syempre ako.

-----

Kinagabihan ay nagtungo kami sa isang computer shop, maraming tao, mausok at maraming umiinom pero nakahiwalay naman sila sa mga computer units. Bakit kami nandirito ay dahil sa nasabi ko sa kanila ang problema ko malungkot din silang walang maipapahiram sa akin pero may solution si Lu at ito daw ang sideline niya kapag may oras sa mga activities sa school, malaki daw ang kitahan dito at kapag nanalo ang grupo ay makakatanggap daw ng dalawampung libo at di pa kasama ang ilang incentives kapag one-on-one ang laban kaya pumayag ako. Per bago pa kami pumunta dito ay tinuruan niya ako ng ilang mga basic cheats hwag ko lang daw ipahalata dahil baka di na kami makatapak pa dito at i-ban kami sa lugar na to. Nong una medyo natakot ako kasi first time ko tong gagawin at di pa ako ganong kabihasa sa mga computer pero magaling si Lu, computer geek goddess ba naman ng AIS. Pinasuot ako ng maskara ni Lu dahil ayaw ng karamihan na malantad ang kanilang identity kaya mas pinili nilang magmaskara.

 
"Handa ka na ba? Hwag kang kakabahan ha? Lahat ng mga tinuro ko natandaan mo ba?" Tumango ako sa kanya, katulad ko ay nakamaskara din siya, nagsuot din siya ng itim na wig para matakpan ang kulot niyang buhok.

 
"Agility and mind pressence ang kailangan mo kung gaano kabilis ang bibig mo gawin mo din dito kung gusto mong manalo." Pagpapa-alala ulit niya sa akin. Napapikit ako kailangan ko ng pera lalo na at di pa makakapagpadala si uncle at delayed ang sweldo niya.

 
"Our game for tonight is, NFS." Sumigaw ang mga manunood sa sinabi ng lalaki. Lalo tuloy lumakas ang kaba ko. Ohh shit!

 
"And we draw a slots, no. 0002 and no. 1670 come up here in the arena." Announce nong host. Umugong ang sigawan ng lahat ng malaman nilang si no. 0002 ang isasabak, napatingin ako sa badge number kong may  no. 1806. Napabuntong-hininga ako ng malaman ko kung sino si 0002, at walang iba kundi si..

   
Si Kwatro.. the chinese boy..
-----

-🖋☻Yuki

SororityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon