Chapter Nine: Third

51 51 0
                                    

Chapter Nine: Third


"Danger brings fears, and fears more dangers bring."

- Richard Baxter

-----


Nang gabing iyon ay nagplano si Rivia na sa labas ulit ng AIS ganapin ang ikatlong pagsubok niya para sa akin. Tatlong oras daw ang bubunuin namin sa byahe papunta sa border ng Vanëra City at Queensville City, liblib ang naturang lugar na napuntahan namin dahil malayo sa sibilisasyon ang border.


"Ngayong gabi ang pagsubok mo ay.. nakikita mo ba ang establishment na iyon?" Pagtuturo niya sa maliit na saradong convenience store.


"O' anong gagawin?" tanong ko, tinapat niya ang hintuturo sa cashier counter area ng store.


"Sa counter area may nakatagong golden card, ngayon hanapin mo ang susi sa buong building at kunin ang golden card, reminder, maraming false key ang nakakalat sa paligid at kailangan mong mahanap ang golden key sa loob ng dalawang oras. Mag-iingat ka din sa nakatagong lazer ng store kundi mag-aactivate ang alarm ng store at darating ang mga pulis. Syempre alam mo na ang mangyayari kapag nag-alarm yan." paliwanag niya, napakagat ako ng aking labi at binalik ang mata kay Rivia.


"What?! Gagawin niyo akong magnanakaw?" reklamo ko, sinamaan niya ako ng tingin na siyang ikinatikom ko ng bibig. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko sa inis. "Saan ako dadaan?"


"Kailangan mong tandaan ang mga exit at kung saan ka dadaan papasok, yung bintana sa storage laging bukas yun maaari kang pumasok doon. Dapat alisto ka sa lahat ng oras, at bilisan mo ang paghahanap ng golden key para makalabas ka agad sa exit. Maliwanag?" tumango-tango ako sa instructions niya ng may mapagtanto ako.


"Teka may CCTV ba dito?"


"Wala kaya safe na safe ka hwag mo nga lang maharang ang lazer kundi patay ka, automatic na nagsasara lahat ng pinto sa buong building kaya mag-iingat ka." paalala niya.


"What the? Bakit ngayon mo lang sinabi yan? Anak ng pusa oh!" maktol ko.


"Ngayon ka lang naman nagtanong eh, at always go for the goal: It's now or never Donnie, so, go may flashlight ka naman na at kunai. Go! Punta ka na." pang-eengayo pa ni Rivia o mas tamang sabihin na pantataboy niya sakin.


"Oo na oo na pupunta na," irita akong nagmartsa patungo sa likod, at napamura ako ng makita ko kung gaano kataas ang bintana na sinabi ni Rivia kanina.


Naghanap ako ng matutungtungan sa paligid at agad nagningning ang mga mata ko ng makakita ng monoblock chair sa itaas ng puno. tinantsa ko pa kung maaabot ko ba ito at di naman ako nabigo. Walang pakundangan niya na itong inilapit sa bintana, tinesting pa ang upuan kung matibay talaga ito.


"Ayan! mahirap na baka mamaya lagapak ang mukha ko dito ehh sayang naman," Gamit ang kunai ay dahan-dahan kong tinuklap ang barrier ng bintana. "Success!Shit! Bakit ba ako kinakabahan?"


Napabuga na lang ako ng hangin, bago ipagpatuloy ang lakad. 'Malamang first mong maging kawatan, psh!'


Sa entrada ng storage at may susi. "Di naman ito ginto, kukunin ko ba ito o hindi?" ania. Ilang segundo ding nagtatalo ang utak niya kung kukunin niya rin ba ito o hindi. "Di naman siguro masama na kunin ko ito para maging souvenier no? Na kahit isang araw ang naging kawatan ako."


Nagpatuloy siya sa maingat na paglalakad, hanggang sa nakarating na siya sa mismong convenience store, pinasadahan niya ang mga stante ng mga paninda namamangha siya sa maayos na pagkakasalansan ng mga ito.

"Pwede naman siguro akong kumuha ng ilan dito mamaya no? Hinayupak kasing Rivia yan di manlang ako pinakain bago kami pumunta dito," ania. "Pangangatawanan ko na lang muna ang pagiging kawatan ko for this night."


Dinukot niya ang blueprint sa bulsa at hinanap ang hagdan pataas. "Kaliwa daw ng counter."


"Teka isa lang naman ang hagdan na nakalagay sa blueprint pero bakit ngayon dalawa ang nasa harap ko, pinagloloko ba ako ng mata ko?" untag niya. Muli niyang tiningnan ang blueprint gamit ng dalang flashlight pero isa lang talaga ang kanyang nakikita. "Arrrghh!! Pashnea! Bakit dalawa?!"


Napapadyak siya sa inis at muling binalingan ang dalawang hagdan. "Eannie minnie minie mo pwet ng kabayo kamukha mo?" Kanta niya. "Kanan."


Pahakbang na sana niya sa kanan ng makaramdam siya ng kaba. "Wait! Sa kaliwa ba o sa kanan? Ohh fuck! I can feel the vibrations between the two-- parang pinaparamdam sa akin na kapag nagkamali ako ng pagpili ay di maganda ang kahihinatnan neto."

Inis niyang sinabunutan ang sariling buhok. "Woah!" Sigaw niya at ng dahil doon ay nag-echo ang hagdang kaharap niya. Muli siyang sumigaw at sa pagkakatain na iyon ay pinakinggan niyang mabuti ang tunog.


"Mahina dito sa kanan, sa kaliwa kaya," ania inulit ang sigaw. Napangiti siya ng marinig ang malalim na echo ng hagdan. "Gotcha! Sa kaliwa huh! Hindi lahat ng daan sa kanan ay laging tama. Minsan kailangan mo ding timbangin kung ligtas ba ang iyong dadaanan."


Buong-tapang niya ng pinasok ang ang kaliwang hagdan, habang paakyat ito ay tumambad sa kanya ang isang madilim opisina, pinagmasdan niya itong mabuti at nagtaka siya kung bakit puro drawers lang ang mga nandito at walang mga tables at cubicles, wala ding mga papeles.


"Para namang di opisina ang itsura neto, mukhang bakante at walang gumagamit."


Gamit ang flashlight ay ninanap niya ang switch ng ilaw nang mabuksan niya na ito ay doon niya lang napansin na may mga codes ang bawat drawers. Sinubukan niyang buksan ang unang drawer na malapit sa kanya pero laking dismaya niya ng naka-lock ito. Napakagat-labi siya at nag-isip.


"Teka di kaya para dito ang mga susing nagkalat sa baba? Saglit masubukan nga," sambitla niya. "Arrggh! Ang dami ng susi at ang dami din ng mga drawers, anak ng pusang-gala alangang isa-isahin ko ang lahat nang susi na hawak ko sa mga hinayupak na drawer na to? Ahhh! Nakakabaliw naman neto!"


Kahit naiinis ay sinimulan niya ng kalikutin ang mga lock ng drawers sa hawak niyang susi. Halos bente minutos na ang nakalipas pero nangangalahati pa lamang siya sa mga drawers at lahat ng nadaanan niyang drawers ay walang nagkasya sa mga hawak niyang susi.


"Hayss! Ano ba yan wala pa ding nagtutugma sa mga susi sa drawers, konti na lang iisipin ko na baka may iba pang nagkalat na susi sa first floor," Donnie sigh at pinagpatuloy ang pagbubukas. Pagod na sumalampak siya sahig nang marating niya na ang huling drawer. "Kapag ito wala pang nagmatch na susi sa mga hawak ko ay pashneang malupit! At sobrang sakit! Lagot saken si Riviang masungit."


At sa pagpasok niya ng susi ay. "Oww shet! Na malagkit! Nagbukas!" Sigaw niya.


"Seryoso? Reference code ng pagkain? Sira ulo ba ang gumawa neto?" salita niya. Lupaypay siyang bumaba sa first floor at padabog na hinanap ang nasabing pagkain.


"Ang mga walang-ya may pa-golden key golden key pa silang nalalaman pero yung totoo wala naman bahala sila dyan kakain ako dito! Hmp! Sarap naman ng sandwhich na to, uhmm teka tubig," ania. At nagtungo na nga sa mga estante ng mga inumin pero habang naglalakad at napasigaw siya sa sakit nang makakagat ng kung ano sa loob ng bibig.


"Oww shet!!"
--------

-Yuki

SororityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon