"Cloud Artemis Grey Monseriti Xenon"
"Ang haba naman bes!" Reklamo ni Zoey sakin habang tinitignan ko yung baby ko. Katatapos ko lang manganak kay Cloud. Medyo naging sensitive, pero awa ng Diyos ay nairaos ko rin. Nawala lahat ng pain na naramdaman ko ng nakita ko na ngumiti yung baby ko sakin.
"I love you, Mahal! Thank you!" Masayang sabi ni Chase sakin habang naiiyak siya na tinitignan yung baby namin.
"Hello Cloud, ang pogi naman ng baby na yan. Kamukha mo si Mama?" paglalaro niya, at umiyak naman si Cloud ng malakas dahil sa sinabi niya.
"Nako Chase! Ayaw sayo! Hahahaaha!!"
At nagtawanan silang lahat na nandito sa kwarto. Habang yung asawa ko ay naka pout habang tinitignan yung anak niya na ayaw sakanya.
0-2 months after.
Eto yung mga araw na nagsimula ng mapuyat si Chase. Pinagsasabay niya yung pagaaral niya, trabaho sa hospital at pagaalaga kay Cloud. Sa totoo lang naaawa ako sa asawa ko dahil sa lagay niya. Pero kahit kailan ay wala akong nakitang reklamo sakanya.
3-6 Months
Nasobrahan sa kulit si Cloud. This time lumobo siya ng sobra dahil ang lakas niya sa milk. Palagi siyang inaalagaan ng Lolo at Lola niya. This time nakakapag pahinga na masyado si Chase, kasi kundi si Mom and Dad ang magaalaga kay Cloud, ay nandiyan sila Zoey.
1st yr Birthday Celebration.
Nag decide kami na gawing private event na lang. Ayaw ni Chase ng magarbo celebration. Alam niyo ba na never namin pinost sa social media si Cloud. This is for his own privacy. Alam naman natin lahat kung ano ang estado ni Chase sa buhay. For security purposes na rin. Gusto ko palaging safe yung anak ko. Mabuti naman at nagets ako ni Chase sa part na yun. Kahit sino naman sigurong Mommy yun ang gagawin diba?
2nd Birthday Celebration
Umalis kami pa US. Di lang para i celebrate yung Birthday niya, kundi para ipatingin na rin siya. Last year nung birthday niya, may napansin kami kay Cloud na kakaiba. Kaya nag decide kami na ipatingin to. Dito rin namin nalaman na kakaibang bata si Cloud. Nung una ay naiyak ako dahil sa sinabi ng Doctor nila Chase. Pero kahit na ganun, ay anak ko pa rin si Cloud. Nag decide kami ni Chase na lalong i private si Cloud.
3rd Birthday Celebration
Eto yung kauna-unahang pagkakataon na nag celebrate kami ng Birthday ni Cloud na kasama yung mga Anak nila Zoey. Nandito na rin si Beth. Happy ako kasi finally nakapag reunion na kami. And yes, after ilang years ng suyuan at walang katapusang LQ eh endgame rin pala si Zoey at Steph, sobrang happy kami ni Chase para sakanila. Grabe rin pinagdaanan namin sa dalawang yan matulungan lang. Happy ako kasi sobrang happy ni Cloud ngayon. Sobrang happy niya dahil nandito si Min. Yung anak nila Zoey. Sobrang close kasi nila. And I think crush siya netong baby ko. Naiyak ako habang tinitignan ko si Cloud na nakikipaglaro sa mga friends niya.
Hindi mo halata sakanya na may kakaiba siyang sakit. Lumapit naman sakin si Chase at niyakap niya ako ng mahigpit.
"Huwag ka ng umiyak, magiging maayos rin si Cloud okay?" nakangiting sabi ni Chase habang yakap niya ako. Napansin naman ako nila Zoey at lumapit sila sakin. Yup, alam nila yung nangyari kay Cloud. Actually nagulat din sila sa nalaman nila, pero sinabi nila na wala namna magbabago. Si Cloud pa rin yan. Mahal pa rin nila si Cloud kahit na anong mangyari.
BINABASA MO ANG
Encounter (GxG) Completed
RomanceMeet Gwen Monseriti. Galing sa mayamang angkan. Ang pamilya niya ay naglalagi sa London dahil nandun yung business nila. Meron siyang Long time boyfriend na sobrang mahal niya. She's totally straight. Meet Chase Xenon. The "NBSB". Never pang nagka...
