Gwen POV
Naging masaya naman yung whole trip namin sa Ilocos. Actually, sumaya lalo dahil sa ginawa ni Chase. Lahat naman ng tao ay masaya para samin. Pati yung bestfriend niya, kahit na nakikita kong nasasaktan pa rin siya ay masaya niya pa rin kaming binati. Pauwi na kami ngayon, Habang iniisip ko yung mga nangyari don ay di ko maiwasan mapangiti.
"Okay ka lang Mahal?" Pagtatanong niya sakin. Hinawakan niya naman yung kamay ko habang nag da drive siya. "Wala naman, mag focus ka nga diyan Babe!" Inis na sabi ko sakanya at nakita ko naman na ngumiti siya. Gaaahd! Kinikilig na naman ako. "Hay nako, halatang patay na patay sakin" natatawang sabi niya sabay focus ulit sa pagmamaneho. Bigla naman akong may naisip na ideya. Wala pa naman pasok bukas. Hmmm. "Mahal?" Tawag ko sakanya nakita ko naman na lumingon siya sakin. "Hmm?" Sabi niya habang nakataas yung isang kilay. Paka sungit talaga!!! Hmp!! "Pwede ba tayo dumaan ng Baguio? Malapit lang yon dito diba?" Nakita ko naman na nagulat siya at ngumiti na naman ng pagka tamis tamis sakin.
"Sus! Gusto mo lang ako masolo eh! Sige tawagan mo na lang sila Kath na pasabi may pupuntahan pa tayo." Rinig kong sabi niya. Dahil naman sa tuwa ko ay bigla ko siyang niyakap. Tuwang tuwa naman siyang tinitignan ako. Hindi ko alam kung ano naisip ko at niyaya ko siyang umalis ng kami lang. Ewan ko, gusto ko lang. Palagi kasi may pang gulo sa moment namin eh. 🤣 "Matulog ka muna babe, matagal tagal pa ang byahe natin." Rinig kong sabi niya pero ngumiti lang ako. Ayoko kaya matulog! "Hmm, babe peram phone mo." Ngiting sabi ko sakanya. Mag ppatugtog na lang ako sa sasakyan. "Bday mo yung password" sabi niya sakin.
Di ko naman maiwasan mapangiti dahil don. Naalala ko dati, pag hinihingi ko yung phone ni James pahirapan tas ayaw pa ibigay yung password. Kasi sobrang dami ng kalokohan. Pagka napunta ka talaga sa tamang tao, hindi mo na kailangan ipilit yung mga bagay bagay. Kasi kusa nilang gagawin at ibibigay yon sayo. :) Pagkabukas ko ng phone niya ay lalo naman akong napangiti. Sino ba naman ang hindi kikiligin? Mula sa screen lock wallpaper hanggang sa home screen ikaw ang wallpaper. "Nababaliw ka na diyan babe. Ngingiti ngiti ka magisa" untag niya sakin. Tinaasan ko tuloy siya ng kilay. "Epal ka rin e no? Mag drive ka nga diyan." Inis na sabi ko sakanya at tumawa naman siya. Binuksan ko yung spotify niya, at namili ng kanta na patutugtugin. Ila lock ko na sana yung phone niya ng biglang may nakita akong nag pop up na message. I think, sa IG yon. Tinignan ko muna si Chase bago ko binuksan yung IG niya.
Pagtingin ko sa nag pop up na message ay chat ng isang girl. I think hindi siya taga UP. Pagka bukas ko ay nakita ko yung thread ng messages niya. Bigla naman napataas yung kilay ko dahil don. Trying hard ka girl a. Inis na sabi ko. Iniscroll ko yun at nakita ko na ang dami niya na palang message. Talagang bawat myday ni Chase nag rereact at comment siya. Pagtingin ko sa inbox niya ay punong puno ng mga messages. Mapa girls and boys, nag me-message sakanya. Tinry ko buksan yung ilan at good thing, dahil ni isa don ay wala siyang nireplayan. Sinubukan ko tignan yung home page niya at nagulat ako sa nakita ko. Bigla tuloy akong natawa. Hahahahahaha! Di ko expect eh 🤣 Akalain mo? Tong suplada at masungit na to, mahilig pala sa kpop? Hahahahahaha. Dahil don ay napatawa ako at napatingin tuloy siya sakin.
"Yes mahal? Ang saya natin ah?!" Sabi niya sakin. Pero hanggang ngayon ay natatawa pa rin ako. Hahahaha! "Babe, akala ko old soul ka? Bat nag k-kpop ka? Hahahahaha!" Pangaasar ko sakanya at nakita ko naman na namula siya. Ang cute cute talaga ng baby ko eh. Hahahahaha! "Ah-eh kasi wa-wala lang." nauutal na sabi niya sabay kamot sa batok niya. Lalo tuloy ako natawa dahil don. Tinignan ko yung home page niya at yung people following. Lalo tuloy akong natawa. Pano, puro nga girl group at mga memes pati fanatic ng mga pages ng girl group pinag pa follow niya. Hahahahaha! Adik na adik lang! 🤣 "Grabe babe, hahahahaha patay na patay ka pala kay Jisoo." Pangaasar ko sakanya. Si Jisoo yung member ng Blackpink.
![](https://img.wattpad.com/cover/197767979-288-k421792.jpg)
BINABASA MO ANG
Encounter (GxG) Completed
Storie d'amoreMeet Gwen Monseriti. Galing sa mayamang angkan. Ang pamilya niya ay naglalagi sa London dahil nandun yung business nila. Meron siyang Long time boyfriend na sobrang mahal niya. She's totally straight. Meet Chase Xenon. The "NBSB". Never pang nagka...