Getting Ready

3.7K 94 4
                                        

Chase POV

We're on our way home now. Mukhang sobrang nag enjoy si Gwen today dahil tulog na tulog na siya ngayon. Habang nag da drive ako ay di ko maiwasan mapatingin sakanya. I didn't expect that she will be the one who will hold my heart. Akala ko kasi hindi na ko ulit matututong magmahal after ng ngyari samin ni Steph. Sobrang mapaglaro talaga yung tadhana no? Well, kung para sayo ibibigay. Kundi, its fine. Hintayin mo lang, kasi darating rin siya sayo. Gwen came into my life unexpectedly. She's the greatest gift that God gave to me. May pagka manyak lang nga, pero Mahal ko pa rin yan kahit ganun siya. Haha! Well, bawal pa kami sa "thing" na yon. You know! Tito and I talked about that, at ayoko silang biguin. May tamang panahon para don.

Maya maya pa ay nakarating na kami sa bahay nila Gwen. Tinignan ko siya na tulog na tulog pa rin. Ninakawan ko siya ng halik sa noo. Napansin ko na lang na napangiti siya matapos ko siyang halikan. Aba ang loko mukhang kanina pa gising. Dahil don ay pinitik ko siya sa noo. "Babe naman eh!" Rinig kong pagrereklamo niya. Natawa naman ako. So kanina ka pa pala gising ha?! "Galing mo rin mag tulug tulugan eh no?" Pang aasar ko sakanya. "Sus! Ikaw nga kanina mo pa ko tinititigan. Yiiiie patay na patay siya sakin." Pang aasar niya sabay pindot sa bewang ko. "Hala! Ikaw yung patay na patay sakin diba?" Sabi ko sakanya at nakita ko naman na bigla siyang sumimangot. "So ako lang patay na patay dito?! Ganun?!" Sabi niya na nakataas na yung kilay. Omg! This is not good. Bat parang under ata ako? :( "La naman akong sinabi eh :("  sabi ko sabay kamot sa ulo ko. Nakita ko naman na ngumiti siya bigla at hinatak ako para halikan. Dahil naging busy na ko sa pagkiss ko sakanya ay di ko napansin na nasa labas na pala si Tito ng sasakyan at kumakatok na. "You're dead my baby girl." Sabi niya sabay kindat palabas ng sasakayan. Huhu! Patay ako neto :(

Nakita ko na niyakap niya yung parents niya at nagkiss siya don. Parang ayoko tuloy lumabas. Pero nakita ko ma hinihintay nila ako lumabas ng sasakyan. Pagbaba ko ay nakita ko si tito na seryosong nakatingin sakin. "Kamusta Chase? Tinupad mo naman siguro yung promise mo diba?" Rinig kong sabi ni tito sakin. Alangan naman na napangiti ako sakanya. "E-eh oo naman po." Sagot ko na nauutal pa nakita ko naman na tumawa siya kasama yung Ate niya sa likod. Ugggh! Nakakainis ka talaga!! Sarap sana sabihin yung anak niyo kaya yung manyak. :( Biktima lang naman ako dito :( "Good, eh bat parang namumutla ka diyan okay ka lang na?" Pagtatanong niya, at tumango naman ako. Narinig ko naman na tumawa si Cathy. "Dad, baka napagod sa byahe. Kulob kasi sa sasakyan baka nahirapan huminga." Sabi ng Ate niya. Takang tumingin naman sakanya sila tito at si Gwen ay tatawa tawa lang sa gilid niya. Ughh!! "Kayo talaga ang dami niyong alam. Halika na at pumasok na kayo ng makakain na tayo." Rinig kong sabi ni tito at pumasok na kami. Naramdaman ko na lang na bigla akong hatakin ni Gwen at kiniss sa pisngi. "Thank you for this sweet vacation Mahal." Sabi niya sabay hatak sakin papasok sa loob ng bahay nila. Dahil don at napangiti naman ako.

Pagka dating sa dining table ay napansin kong ang daming foods na nakalagay. Pero mas kinagulat ko ay ng makita ko ang parents ko kasama yung kapatid ko pati yung mga pamangkin ko na nakaupo don. Lumapit ako sakanila at hinalikan ko sila. "Kamusta bakasyon niyo Anak?" Pagtatanong ni Dad sakin. Takang tumingin naman ako sakanila. "Nabalitaan na namin. Congrats anak!" Ngiting sabi ni mommy. Nakita ko rin na tumayo silang dalawa at lumapit kay Gwen para ikiss at binati rin. "Medyo napa aga ang pamamanhikan niyo pare. Akala ko eh sa susunod na taon pa to." Rinig kong sabi ng papa ni Gwen nakita ko naman na ngumiti si Daddy sakanya "Mukhang ayaw na pakawalan ng anak ko yang anak mo eh." Rinig kong sabi ni Dad sabay tingin sakin na may ngiti sa mukha. Dahil don ay namula naman ako. Pero bat nandito na sil? Kanino nila nalaman? Balak ko pa lang sana sabihin pagkauwi ko eh. :(

"O siya umupo na tayong lahat at kumain na." Rinig kong sabi ng Dad ni Gwen at nagsiupo naman kami. Katabi ko ang parents ko sa gilid ko si Gwen na katabi ang mommy niya. "So Chase, ano pala plano mo? Kailan ba ang kasal?" Rinig kong tanong sakin ni tito. Bigla naman tuloy ako nabulunan dahil don dahilan para mapatayo si Gwen at himasin yung likod ko. Lahat tuloy sila ay natawa don. "Balak ko po sana after ng Graduation namin. Before ako pumasok sa Med School." Ngiting sabi ko sabay hawak sa kamay ni Gwen. "Seryoso ka na ba talaga dito? Di na ba magbabago isip mo? Nako kung ako sayo pgiisipan ko. Spoiled brat pa naman si Gwen." Rinig kong sabi ni tito dahilan para mainis si Gwen sa mula. "Dad naman! Di ako spoiled! Ikaw gumawa non eh!" Rinig kong pang angal niya dahilan para mapatawa kaming lahat dito. "Seryoso po ako tito, si Gwen na po yung gusto kong makasama hanggang sa pagtanda." Diretsong sabi ko sabay tingin kay Gwen, dahilan para mamula siya. "Uyyy si Gwen namumula." Pangaasar ni Cathy dahilan para batuhin siya neto ng tissue.

Napatawa tuloy lahat ng tao dito ngayon. "E pano ba yan pare mukhang sigurado na tong mga to." Rinig kong sabi ni tito kay Dad. "Walang problema yon pare. Magandang planuhin na natin yung kasal nila ngayon pa lamang." Rinig kong sabi ni Dad sumang ayon naman si tito sakanya. "Maganda kung sa England na lang sila magpakasal, bilang don naman pinanganak si Gwen. Saka maganda don, ayos lang ba yun sainyo?" Rinig kong sabi ng mama ni Gwen. Napangiti naman yung parents ko dahil don. "Aba oo naman, kahit saan. Basta wag nilang kakalimutan yung apo. Diba Gwen?" Rinig kong sabi ni mommy sakanya. Hilig talaga ni mommy sa bata. Nakita ko naman na namula na naman si Gwen sa tabi ko. "O-oo naman po tita. Bakit hindi diba? Saka gusto ni Chase talaga mag anak na kami bago siya pumasok ng MedSchool." Rinig kong sabi niya sabay tawa naman ng mga kapatid ko. "Si Chase talaga excited magka mini me niya eh no? Hahahaha!" Rinig kong pangaasar ni Chester sakin. Dahilan para mapatawa silang lahat. "Nako sana kambal anak niyo sis!" Rinig kong sabi ni Cathy. "Kahit ano naman, basta galing samin ni Chase." Ngiting sabi ni Gwen sabay ngiti sakin.

"Talagang inlove na inlove sila ano pare?" Rinig kong sabi ni tito kay Daddy. Dahilan para mapatawa sila lahat at ngiting nag tinginan naman kami ni Gwen. Sinimulan na namin yung pagkain. Habang busy kami sa pagkain sila dad naman ay busy na magusap. Pagkatapos makakain ay lahat ay nasa sala busy naguusap kung ano ganap sa kasal. Samantalang next year pa yon! Masyado silang excited. Habang busy sila sa paguusap ay nakaupo naman kami dito ni Gwen sa terrace ng kwarto niya at masayang pinapanood nila. "Mahal, ilan gusto mo baby?" Pagtatanong niya sakin. "Kahit ilan, basta kaya mo." Ngiting sagot ko sakanya. Nakita ko naman na ngumiti lang siya ulit dahilan para halikan ko siya. Naramdaman ko naman na tumugon siya. Ang sarap lang sa pakiramdam ng ganito. "Kantahan no nga ko Mahal, namimiss ko na boses mo eh." Rinig kong sabi niya. Natawa naman ako dahil don. Bigla siyang yumakap sakin ng mahigpit at hinihintay ako sa pagkanta ko. Pero bago ako kumanta ay bigla siyang nagsalita ulit. "Mal, gusto kong kanta yung kakantahin mo sakin sa kasal natin a." Rinig kong sabi niya sabay balik sa pagkakayap sakin. Bigla naman tuloy akong natigilan sa sinabi niya at napangiti. Kahit kailan talaga parang bata to. Bigla akong tumahimik at niyakap siya pabalik.

I like the feel of your name on my lips

And I like the sound of your sweet gentle kiss

The way that your fingers run through my hair

And how your scent lingers even when you're not there

And I like the way your eyes dance when you laugh

And how you enjoy your two-hour bath

And how you've convinced me to dance in the rain

With everyone watching like we were insane

But I love the way you love me (oh baby)

Strong and wild, slow and easy

Heart and soul so completely

I love the way you love me..

Naramdaman ko naman na biglang napahigpit siya ng yakap sakin at napansin ko na umiiyak siya. Nagaalala naman tuloy ako bigla. "Babe may problema ba?" Pagtatanong ko sakanya. Nakita ko naman na ngumiti siya. "Ang saya ko lang, sobrang swerte ko ikaw ang binigay ni G sakin." Rinig kong sabi niya sabay upo sakin at yakap sa leeg ko. Ramdam ko yung paghinga niya. Pinaharap ko naman siya sakin at pinunasan ko yung mga luha niya. "Mahal, ako ang pinaka maswerteng tao sa mundo ngayon, dahil nakilala kita at ikw ang magiging nanay ng mga anak ko." Ngiting sabi ko sakanya dahilan para lalo siyang mapaiyak. Hinampas hampas niya ako lalo. "Babe naman eh! Bat ba pinaglihi ka sa asukal! Huhu! I love you. Akin ka lang, subukan lang nila agawin ka. Di na sila sisikatan ng araw talaga." Rinig kong sabi niya, ngayon para talaga siyang bata. Natawa naman ako dahil don. Pinunasan ko yung mga luha sa mukha niya at hinaplos yon. Diretso ko siyang tinignan sa mata. Napansin ko rin na nakatingin siy sakin.


"Walang aagaw. Sayong sayo lang ako. Mahal na mahal kita, Gwen. Ikaw lang wala ng iba." Sabi ko sabay halik sakanya.

----------------------------------------------------------------------

Late upate :( Tatapusin ko na to this Week. Last Chapter na next! Thank you sainyo guys!!

Encounter (GxG) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon