Gwen POV
Last night wasn't dream at all. We kissed for the 3rd time. At sa harap pa talaga ng maraming tao. After ng "kiss" na yon ay nilunod ko yung sarili ko sa alak. Ewan ko, nahihiya kasi ako eh. Next thing I knew is Chase holding me. Inaalalayan niya ako paakyat sa hagdan. Lasing na ko, pero tanda ko pa naman yung ibang details ng mga nangyayari. Ang ganda ganda talaga ng mga mata niya. Hindi ako magsasawang tignan yun. This girl made me realize that I'm not really straight. Feeling ko kasi, crush ko na talaga siya. Ewan ko ba, iba ang saya kapag siya ang kasama ko. I really feel safe everytime that were together.
Nang maihatid niya na ko sa guest room ay agad niya akong hiniga. Dahil lasing na rin ay ang kulit kulit ko sakanya. Never ako bumitaw sa leeg niya. Nakayakap ako sakanya dahil ang bango bango niya. Amoy baby siya talaga. Yung pabango niyang "pure seduction" ng victorias secret effective talaga sakin eh. Pano ko nalaman yung brand? Sinabi lang naman sakin ni Kathleen kanina. Pano natanong kasi ni Zoey dahil ang bango bango daw talaga ni Chase palagi.
"Hey, wag ka ng malikot diyan pupunasan na muna kita."
Hey ka diyan! Hmmp!!
"BABE! Its babe, not hey." Inis na sabi ko sakanya. Nakita ko naman na nagkamot siya ng kilay niya. Uggh! Ang cute niya talaga. Ang sarap i kiss. Dahil dun sa ginawa niya ay nilapit ko naman yung mukha ko sakanya. Nakita ko naman na nakatitig lang siya sakin at napalunok. Effective! Yan lang pala katapat mo ha. Nakita ko naman siya lumayo ng kaunti at humarap sa gilid na kunwari tinitignan sila Zoey.
"Tulog na sila Babe. Wag ka magalala walang makakakita satin." 😉 Bulong ko sa tenga niya. Alam ko medyo may pang aakit na yung tono ko. Epekto to ng alak eh. Hahaha! Natawa ako ng makita ko naman na nangamatis yung mukha niya.
"Matulog ka na nga, lasing ka na eh." Sabi niya ng di nakahrap sakin.
Pilit ko naman hinarap yung mukha niya sakin at ngayon ay magkaharap na kaming dalawa.
"Just call me babe okay? Im your babe. Okay, Goodnight babe. Dapat pg gising ko ikaw ang una kong makikita ha?" Hindi ko alam bakit nasasabi ko sakanya ang mga ganitong bagay ngayon. May sinabi pa siya, pero hindi ko na narinig at napapikit na ko dahil sa antok.
Back to reality
"Anything for you babe."
Nagulat ako ng sabihin niya yan sakin. At may pag kiss pa sa lips. For the first time na siya ang nagkusa gumawa. Medyo gulat pa rin ako. Pero iba na nag pakiramdam ko ngayon. Hindi na gaya ng kanina. Nainis lang naman ako dahil sinabi ko sakanya na siya ang gusto kong makita pagka gising ko tas malaman laman ko inuna na naman pala yung babae niya. Uggh!
Babae? Luh di kayo bes! Sabi ng epal ko na naman isip. Ah basta babae tawag dun. Hmp!!
Infairness kay Chase, sobrang sweet niya. Nung kanina nakita niyang naiinis ako ay niyakap niya ako. Alam niya kung paano ako pakalmahin. Hindi kagaya nung unggoy kong ex na hindi man lang mag effort na puntahan ako pag natatampo ako.
"Thank you babe. Lets go na! Im hungry na." Ngiting sabi ko sakanya.
Agad ko naman nakita yung smile niya at yung mata niyang ang ganda ganda sa paningin ko. Hinawakan ko yung kamay niya at hinila na siya pababa. Hindi naman siya tumutol at hinawakan na lang din yung kamay ko. So magka holding hands kami ngayon.
BINABASA MO ANG
Encounter (GxG) Completed
RomanceMeet Gwen Monseriti. Galing sa mayamang angkan. Ang pamilya niya ay naglalagi sa London dahil nandun yung business nila. Meron siyang Long time boyfriend na sobrang mahal niya. She's totally straight. Meet Chase Xenon. The "NBSB". Never pang nagka...
