Chase POV
Maaga akong nagising pra magluto ng breakfast. Lahat ng tao wasted. Naaalala ko yung nangyari kagabi. After nung "kiss" namin ni Gwen ay nag simula na silang uminom ng madami at ang ending nalasing silang lahat. Si Dani ay medyo tipsy na rin pero nagawa niya pa akong tulungan sa mga lasing naming kasama. Isa isa namin sila inakyat sa mga vacant room at ako na ang bumuhat kay Gwen.
Hays, speaking of Gwen. Sa sobrang kalasingan niya ang kulit kulit niya. Natatawa naman tuloy ako pag naaalala ko. Talagang ginugulo ko yung isipan ko eh. Hays iiling iling na lang ako na bumaba. For sure tulog pa yung mga yun.
Pagkababa ko ay nakita ko sa kusina na nagkakape si Shi. Nakita ko na sapo sapo niya yung ulo niya. Ayan! Kaya di ako umiinom eh. Kasi alam ko ganyan magiging ending.
"Kamusta na pakiramdam mo pala?" Sabi ko sakanya. Nakita ko naman na lumingon siya sakin at ngumiti ng bahagya.
"I'm fine Chase. Btw, can I ask you a question?"
"Shoot! Ano yun?" Ang aga naman ng tanong ni Shi ngayon.
"Do you have a "thing" for Gwen?" Straight forward niyang sabi sakin. Heto talaga si Shi.
"Bat mo natanong? Ikaw ah, Shi gusto mo ba si Gwen? Lakad kita gusto mo?" Ngiting sabi ko sakanya. Aba, luma lablyf ang pinsan ko a.
"Seriously?? Chase??!" Sabi niya sakin. Halaaa may mali ba akong sinabi???
"What? Mali ba? Sorry na!" Sabay tapik ko sa braso niya. Nakita ko naman ang pag smirk niya sakin.
"What a slow human. Oh! I get it. The "denial" stage" bulong niyang sabi. Bat kaya ang hilig nila bumulong? Nahahawa na to kay Kath, sabi ko kasi iwasan na niya pagdikit dikit dun sa baliw na yun eh.
"Bat ka ba bumubulong diyan? Sabihin mo kaya no?" Sabi ko sakanya habang nagbabalat ng mga hotdogs. Katulong ko si manag sa pagluluto.
"Nah! Don't mind it!! Just enjoy your life!" Sabi niya sabay alis sa kusina. Psh! Sabagay, parehas kaming weirdo. Loko talaga yun.
Nagsimula na akong magluto. Nagluto ako ng sinigang para may sabaw sila na pampawala ng tama. Habang naghihintay akong kumulo yung niluluto ko ay napansin ko naman na may nagtext sakin.
From: Steph
Baby, can you please go here? I need you. :( ASAP
Hays ano na naman kaya nangyari. Nagaway na naman ba sila ni Jaime?
"Okay, hintayin mo na lang ako diyan okay? Don't do anything without me. Understand?"
After a minute.....
Steph:
"Yes baby, I promised. Please be here now.. I'll wait for you."
Nang matapos akong magluto ay agad na akong pumunta sa kwarto ko para maligo. Pagkatapos kong maligo, ay nagtext na ako sakanya na papunta na ko. Pero bago ako umalis ay sinilip ko muna kung may gising na ba sakanila. Mamaya pa siguro magigising tong mga to. Sabi ko, dahil ang himbing ng tulog nila. Mga naglasing kasi eh! Hays! Buti na lang holiday ngayon.
Pagkababa ko ay nagpaalam na ako kay manang na aalis muna, at nagsabi na babalik rin naman ako. Kinuha ko yung keys ng bigbike ko at umalis na papunta kila Steph. Matapos ang ilang minutong drive ay nakarating na ako sa bahay nila.
BINABASA MO ANG
Encounter (GxG) Completed
RomanceMeet Gwen Monseriti. Galing sa mayamang angkan. Ang pamilya niya ay naglalagi sa London dahil nandun yung business nila. Meron siyang Long time boyfriend na sobrang mahal niya. She's totally straight. Meet Chase Xenon. The "NBSB". Never pang nagka...
