Lost in your eyes

6.4K 164 7
                                        

Gwen POV


Maaga akong nagising ngayon, ewan ko ba. Pero kanina mula pagpikit ko, hanggang ngayon pag gising ko naalala ko si Chase. Ang bait bait niya kasi sakin. 



Yung babae siya, pero kung ipagtanggol niya ko saiba, at kung ipagtanggol niya yung iba eh kala mo lalaki siya. Nakakatuwa. Natutuwa rin ako sa personality niya na sobrang tahimik lang. Ni minsan hindi ko siya nakitaan ng yabang, sa lahat ng away niya ata sa school hindi ko narinig sakanya na ginamit niya yung apelyido niya.



 Alam naman ng lahat na makapagyarihan ang mga Xenon. Mula sa business, hanggang sa mga hospital. Nakakatuwa na kahit na mayaman sila, eh sobrang lowkey niya..



"Oh, ang aga aga Gwen, tulala ka na naman diyan. Iniisip mo na naman ba si James???"



"Ah. H-hindi. Naisip ko lang kung papasok kaya si Zoey mamaya nagtext kasi siya kagabi na masakit daw ulo niya."



Speaking of my ex boyfriend, hindi ko na ulit siya nakita. Mukang busy na siya dun sa jowa niyang ahas. 🙄



Pagkatapos kumain ay nagpaalam na kami kay mommy, at pumasok na kami ni Ate Cath. Pagka dating namin ng school ay halos ang iba ay nakatingin sakin habang naglalalad.



"Sabi sayo eh, be ready lil' sis! 😉"



Yun lang at bigla naman akong nagtaka sakanya. Magtatanong pa sana ako ng bigla naman siyang tumakbo papunta sa mga bestfriend niya.. Papunta na ako sa classroom namin ngayon. Sakto organic chemistry ang subject, at si Mr. Flores pa rin ang prof. Dahil maaga ako, ay naisipan ko munang umupo na sa pwesto ko at magpa tugtog sa spotify.



Habang nag soundtrip ay napatingin ako sa bintana, sakto naman pag lingon ko ay nakita ko siya... Naka upo sa bench at naka headset habang kumakanta.



I get lost in your eyes




And I feel my spirits rise





And soar like the wind...



Is it love that I am in?




Hindi ko alam kung nakikita niya ba ko, pero nagulat ako ng bigla siyang tumingin dito sa gawi ko. Kitang kita ko na naman yung magaganda niyang mga mata. Yung hazel eyes niya....



I get weak in a glance



Isn't this what's called romance?



...and now I know



'cause when I'm lost I can't let go...



Encounter (GxG) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon