Zoey POV
Ayaaaaan! Nagkaron na ko ulit ng POV! Hahahahaha! Feeling ko istorya ko talaga to e! Charot! 🤣 So ayun na nga. Nagbabasa naman kayo maigi diba? So alam niyo yung mga nangyari nung nakaraan. Umpisa pa lang naman, meron na talaga "thing" tong bestfriend namin kay Chase. Talagang hinayaan lang namin siya na ma realize niya yun. At ngayon na realize niya na. Syempre! Go go go! Support lang ang peg namin ni Beth dito. Ang dami ko ng nagawa dito sa bestfriend kong to ha! Dat to may bayad na eh! ✌🏻
Charot lang. Seryoso na tayo. Ayoko na talaga nakikita si Gwen na malungkot. Ilang beses na rin kasi siya sinaktan ni James noon. 7years? Ilang beses ko lang nakita tumawa si Gwen non. Kaya deserve niya sumaya. Ang kaso nga lang, mukhang mahihirapan siya eh. Umpisa pa lang naman talaga naaamoy ko na yang Steph na yan. Ang lansa eh. Saka ikaw, payag ka ba? Bf ka pero di ka pinopost sa Social Media?? Payag ka!? Syempre nagtaka na ko dun pa lang. Pero ayun na nga. So balik na tayo sakanila. Nakarating na kami dito sa Resto. Hindi ko nga alam bat sa Resto sila eh, alam ko magaaral sila. To talagang dalawang to! Hindi pa mag aminan. Di yung ang dami ginagambala!
Pero syempre charot lng ulit! Edi natapos na agad yung love story nila diba? Hahahahaha! O sha! Kita kits sa susunod! At bumaba na yung dalawa.
Third Person POV
Pagkababa ng tatlo sa sasakyan ay dire diretso na silang pumasok sa Restaurant na napag usapan nila. Pagka bukas ng pinto ng waiter sakanila ay agad naman nag tinginan ung mga tao sakanila. Malamang! Sila ba naman makakita ng mga Diyosa eh. Lahat tuloy nakatingin sakanila.
Pagpasok nila ay biglang hinanap ng mata ni Gwen si Chase. At nakita niyang nakakatitig rin ito sakanya habang nakangiti. Nakita naman ni Steph yung ngiti ni Chase kaya bigla siyang nawala sa mood. Habang patuloy ang "staring contest" ng dalawa ay agad naman tumikhim si Zoey sa gilid ni Gwen.
"Yes? Ano mag tititigan na lang kayo diyan? Nagugutom na ko. Mygahd Bes!!"
Biglang naputol yung titigan nila ng magsalita si Zoey. Agad naman sinamaan ng tingin ni Gwen ang kaibigan at si Beth na tatawa tawa lang sakanila.
Agad naman lumapit ang tatlo sa kinauupuan nila Chase.
Pagkalapit nila ay agad naman tumayo si Chase para kumuha ng upuan si Gwen. Agad naman napatingin si Steph sa ginawa ni Chase at biglang sumama ang tingin kay Gwen.
Hindi naman nakawala sa mga paningin ni Zoey at Beth yung tingin na binigay ni Steph kay Gwen.
Nakaupo sila ngayon sa pabilog na lamesa ang magkatabi ay si Zoey, Gwen, Chase, Steph at Beth.
Pagkaupo nilang apat ay di pa rin maputol ang pagtitinginan ng dalawa. Napa rolled eyes na lang si Steph sa nakikita niya. Habang si Zoey naman ay nakatingin lang kay Steph. Na kala mo ay nag iimbestiga.
"Kamusta yung byahe niyo? Okay naman ba?" Sabi ni Chase sa tatlo pero kay Gwen lang nakatingin.
Sasagot na sana si Zoey ng "Ayos lang" ng biglang niyakap ni Gwen si Chase sabay halik sa pisngi na ikinagulat nilang tatlo.
"We're fine Babe. Namiss nga kita eh." Sabi ni Gwen habang nakalagay ang ulo sa balikat ni Chase.
Napansin naman ng tatlo ang pamumula ni Chase. At nakayuko lang.
"Nice one!" Bulong na sabi ni Zoey sa sarili.
Nakita niyang si Steph na nakasimangot. At hindi tumingin sa dalawa.
BINABASA MO ANG
Encounter (GxG) Completed
RomanceMeet Gwen Monseriti. Galing sa mayamang angkan. Ang pamilya niya ay naglalagi sa London dahil nandun yung business nila. Meron siyang Long time boyfriend na sobrang mahal niya. She's totally straight. Meet Chase Xenon. The "NBSB". Never pang nagka...
