Chase

19.1K 282 8
                                        

Chase POV

Hello! Ako nga pala si Chase Grey Jensen Xenon. :) 18years old. Nag aaral ng BS Psychology sa UP Diliman. Kung napapansin niyo apelyido ko ay Xenon. Oo, tama kayo ng nababasa. Ako ang panganay na anak ni Conrad Ken Xenon at Samantha Jensen Xenon. Anak lang naman ako ng nag iisang may ari ng sikat na Hospital sa Pilipinas at sa Amerika. Ang Xenon Medical Hospital. Ang aking ama, ay isang sikat na Neurologist at aking Ina naman ay isang kilalang Cardiologist. Tatlo kami. Meron rin akong isang kapatid na lalaki. Siya si Conrad Ken Xenon II. Second, kasi may Third na agad, oo tama kayo ng basa. May anak na agad yung bunso kong kapatid. 16years old pa lang siya, sa una nagalit ang mga magulang namin, pero mula ng lumabas ang kambal niyang anak eh natuwa rin ang aking mga magulang.




Ngayon ang unang araw ng pasukan namin. 3rd year college na ako, kinuha ko tong kurso na to dahil na lang din sa Graduate si daddy ng Psychology at dito rin siya nagtapos. Papunta na ako sa una kong klase ng maalala ko itext ang bestfriend kong si Steph. Oo, tama kayo ng nababasa, may best friend ako. Well, kahit naman na may pag ka introvert ako eh meron naman akong matatawag na best friend. Nilabas ko ang phone ko sa bag ko at nagtext kay Steph.


Bes,

Nandito ako sa Canteen, hindi dumating yung prof namin. May klase na ba kayo?

sent!

makalipas ang ilang minuto.....

Bes:

"wala chase, pero nandito ako ngayon sa labas, kasama si Jaime."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


Me:

"Ahhh, okay sige. Enjoy kayong dalawa! :)"




Oh so kasama naman pala yung boyfriend, okayyyy. So mukhang mag isa na naman ako dito. Makapunta na nga ng Garden...





Matapos ang ilang minutong paglalakad ko, ay sa wakas nakarating rin ako sa Garden. Dito kasi talaga yung tambayan ko eh, masaya na ko mag isa. Ganito naman ako lagi, kapag busy si Steph sa boyfriend niya, dito ako nagpupunta para mag relax at tumambay.


Ayaw mo pa kasi mag jowa eh!!! sabi ng mahadera kong utak.


"Ayoko pa kasi, hindi pa dumadating yung tamang lalaki" sabi ko naman sa sarili ko.


Nakakainis! kinakausap ko na naman sarili ko.


"Sabihin mo ALIEN ka lang talaga"18 yrs ka na nabubuhay ni isa wala ka pang nagugustuhan! iiling iling na lang ako habang nakikipagtalo ako sa sarili ko.. Sakto pagka upo ko sa may damuhan, may narinig akong babaeng umiiyak.




"Miss okay ka lang??"


"Yeah, I'm fine."





fine, tapos humihikbi? ano kaya yun... sabi ko sa sarili ko



Maya-maya ay di ko namalayan na lumapit na pala ako sakanya upang iabot ang panyo ko...



Pero sa di malamang dahilan, pagkalapit ko sakanya. Bigla siyang humarap...




At nakita ko ang napaka gandang brown niyang mga mata, na may mga luhang tumutulo. Nagulat na lang ako ng mapansin ko ang sarili ko na pinupunasan ang mga luhang lumalabas sa kanyang mga mata. Sabay nasabi ng





Alam mo? sayang ang ganda mo, at ng mga mata mo kung iiyak ka lang..... ;)

Encounter (GxG) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon