Surprise!!

3.4K 98 3
                                        

Gwen POV

Dumating na yung araw na pinaka kinatatakutan ko. Hindi ko alam kung ako lang ba talaga ang may problema, o wala naman talaga dapat ikabahala. Nagpaalam sakin si Chase na kung pwede siyang manood ng Cheerdance Competition ni Steph sa Friday, yun yung araw na bago yung alis namin. Ang hirap pala ng ganito no? Yung kaagaw mo yung bestfriend niya. Parang nghihina tuloy ako, dahil ano ba naman laban ko sa Childhood friend at First Love mo?

"Gwen, okay ka lang ba?" Pagpuputol ni Zoey sa pagiisip ko. "Okay naman, bakit?" Sabi ko sakanya pero parang di siya naniwala sakin. "Nako bes, don't me. May problema ka eh. Ano ba yun?" Rinig kong sabi niya ag bumuntong hininga naman ako dahil don.

"Dapat ko bang payagan si Chase na manood sa Cheerdance ni Steph?" Sabi ko sakanya at nakita ko naman na tumawa siya. "E ano naman? Manonood lang pala eh! Manonood rin kaya kami ni Avery, gusto mo ba sumama? Di ka ba niya niyaya?" Pagtatanong niya sakin. "Niyaya naman, kaso ayoko sumama." Sabi ko sakanya at tumawa naman siya ulit. "E niyaya ka naman pala! Kala ko naman di ka niyaya! Sumama ka na! Wala naman masama don. Saka wag kang gumawa ng gap sainyo ni Steph, lalo na kung wala lang naman kay Chase yung sa bestfriend niya. Magtiwala ka nga bes! Nako, diyan nagsisimula yung tampuhan eh." Sabi niya sakin at bigla naman ako napaisip.

Niyaya niya naman talaga akong sumama eh, kaso umayaw ako. Kasi parang andon pa ko para suportahan yung punyemas na babaeng kaaagaw ko! 🙄

"Nako bes, magaling nga pala sumaya si Steph no? Magaling rin siguro yun pag sinayawan niya si Chase. Hahahaha!" Rinig kong sabi niya at dahil don ay babatukan ko na sana siya ng bigla siyang tumayo at umiwas. "Bwiset ka talaga! Di ka nakakatulong. Kung ano ano na nga iniisip ko dito eh" sabi ko sakanya at agad naman siyang napangiti.

"Hays. Bes tiwala lang. saka sa nakikita ko, friends lang talaga tingin ni Chase don. Para niya na kasing kapatid yon eh." Rinig kong sabi niya, at habang nakaupo naman kami ay biglang may dumaan na mga Freshmen samin at ang ingay kung mag usap.

"Gaaahd! Ang ganda ganda talaga ni Ate Chase no? Parang diyosa na pinababa sa langit."

"Gaga ka! Pero oo, maganda nga siya. Taraaa panoorin natin yung Interview sakanya ng Student Council sa baba."

"Teka, anong oras ba yon? Ngayon na ba yon?"

"Oo, nako! Tara naaaa! May special announcement din daw ngayon baka maunahan tayo sa pila."


Rinig kong sabi nila. Wait! Ano ba ngayon? Takang tinignan ko naman si Zoey at ngingiti ngiti dahil alam niyang naiinis na naman ako dahil sa mga naririnig ko.

"Tara na ba bes? Nandon na si Beth kanina pa." Rinig kong sabi niya. Shoot! Naalala ko na. Ngayon pala yung announcement ng mga awardees per Course. Tumango ako sakanya at sumunod. Pagkadating namin sa Venue ay puno na ng mga students yung paligid. Halos di na kami makasiksik ni Zoey. Pero mabuti na lang at kasali yung bestfriend namin sa Student Council kaya nakasingit kami sa medyo harap. Punong puno ng tao yung paligid.

Nakita ko naman si Zoey na pinagkakaguluhan ng ibang Freshmen. Hala sige, pag ikaw nakita ni Avery lagot ka na naman for sure. Sabi ko sa isip ko, alam niya na ngang gustong gusto kasi siya nginingitian niya pa rin. Pa fall rin tong tao na eh!

"Hello Students! Magandang Tanghali sainyong lahat!!" Sabi ng lalaki sa harap ng Stage, alam ko siya ang President. Nagkagulo naman tuloy ang ibang studyante dahil sakanya.

"I'm Richard David Adams. Your Student Council President." Pagpapakilala niya at nagtilian naman lahat ng studyante dito sa Gym. Mygahd! Ang ingay.

Encounter (GxG) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon