Friends?

3.7K 85 4
                                        

Gwen POV

Mula kahapon ay hindi lumabas si Steph ng kwarto niya. Tinanong ko si Avery kung okay lang ba yung ate niya pero ngumiti lang siya sakin at sabi ay ayos naman, wag ko na daw alalahanin. Kahapon ko pa napapansin na parang hindi rin okay si Chase. Wala naman akong sinabing layuan niya si Steph. Kasi naiintindihan ko naman na magkasama na sila mula pagkabata pa, kaya naiintindihan ko kung bakit siya nagkaka ganyan ngayon.

"Baby, okay ka lang ba?" Tanong ko sakanya nakita ko ang pagtango niya pero ng hawakan ko yung noo niya ay ang taas ng lagnat niya. Hays! Sinasabi ko na nga ba! Dapat hindi ko na to pinayagan mag inom kagabi eh. Hindi kasi siya sanay uminom at nilalagnat siya sa tuwing umiinom siya. Inis na napatingin naman ako sakanya. "Ayan na nga ba sinasabi ko. Halika na nga pumasok na muna tayo ng kwarto magpahinga ka na muna." Inis na sabi ko sakanya at wala naman siya nagawa kundi sumunod sakin. Pagka dating namin ng kwarto ay agad siyang nahiga at nagbalot ng kumot. Naawang tumingin naman ako sakanya at hinalikan siya sa noo. "Diyan ka lang Mahal, maghahanap lang ako ng gamot." Pagka sabi kong yon ay tumango siya at lumabas ako ng kwarto.

Pagka labas ko ng kwarto ay saktong naabutan ko si Steph sa may terrace na umiinom ng hot chocolate. Nakita ko naman na tinignan niya ko sandali at bumalik rin ulit yung tingin niya sa dagat. Lakas loob naman akong lumapit sakanya para kausapin siya. "Hi Steph." Bati ko sakanya at takang tumingin naman siya sakin. "Ask ko lang kung meron kang thermometer na dala?" Sabi ko sakanya at kunot noo naman siyang tumingin sakin. "Aanhin mo?" Tanong niya. "May sakit kasi si Chase, gusto ko lang ma check kung anong temp niya." Pag kasabi kong yon ay bigla niyang binitawan yung iniinom niya at nilapag niya sa Mesa. Bigla siyang pumasok ng kwarto niya at maya maya pa ay lumabas na dala yung Medical Kit niya.

"Asan siya?" Pagaalalang tanong niya. Sinabi ko naman na nasa kwarto at nakita kong dire diretso siyang pumunta don. Pag ka bukas niya ng kwarto ay sinundan ko lang siya sa may pintuan at tinignan. Nakita ko naman na hinawakan niya si Chase sa ulo at pinitik. "Uminom ka na naman siguro. Pasaway ka talaga." Rinig kong sabi niya. Napangiti naman ako dahil don. Talagang para na siyang Ate ni Chase. Nakita ko naman na nilagay niya yung thermometer at pilit na ginigising si Chase. Pero wala, tulog ang Mahal ko. After niyang makuha yung body temp ni Chase ay agad naman siyang lumapit sakin. "Gwen, 38.7 sobrang taas neto, kailangan natin siya mapatingin." Pagka sabi niyang yon ag nagalala naman ako. Sabi ko lalabas ako para tawagin si Kathleen pero pinigilan niya ako.

"Dito ka na lang, maganda ng pag gising niya ikaw ang makita niya. Tatawagin ko na lang sila Kuya." Rinig kong sabi niya at tumango naman ako bilang sagot. Tinignan ko naman yung Mahal ko na tulog na tulog. Hay! Napaka pasaway mo talaga!! Inis na sabi ko. At maya maya pa ay narinig kong bumukas na yung pinto ay dumating na si Kathleen. Hinawakan niya si Chase sa noo at ng mapansin niyang mainit ito ay bigla siyang nag panic. "Steph, tawagin mo si Kuya Chard mo. Kailangan natin dalhin si Chase sa hospital." Rinig kong sabi ni Kath, pero lalabas na sana si Steph ng biglang dumating si Aizen. "Wag na, tumawag na kami ng Doctor na titingin sakanya." Rinig kong sabi niya.


Pilit kong ginigising si Chase pero di siya magising gising. Maya maya pa ay dumating na yung doctor at pinalabas muna kami. Naiwan kami ni Steph ngayon dito sa may Terrace. Pag tingin ko sa baba ay nakita kong masayang naglalaro si Zoey at Avery ng bato bato pick. "Talaga bang ganyan yang kaibigan mo?" Rinig kong tanong sakin ni Steph. Nagulat naman ako ng bigla niya akong kausapin. Papanong talagang ganyan ba? Tanong ko sa sarili ko.


"Makulit lang talaga yan si Zoey, pero mabait yan wag ka magalala." Sabi ko sakanya, baka kasi iniisip niya na lolokohin lang ni Zoweng yung kapatid niya. Nakita ko naman na tumango lang siya at muling pinagmasdan sila Zoey. Ngayon ay buhat buhat na ni Zoey si Avery sa likod niya at masayang nagkukulitan. "Ingatan mo siya ha." Rinig kong sabi niya sakin. Gulat naman akong lumingon sakanya.


Encounter (GxG) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon