Chase POV
Nandito na ko sa sasakyan ko ngayon, nag d-drive papunta sa Engagement Party ng pinsan ko. Pero bago ako pumunta don ay dadaan na muna ako ng Mall para bumili ng masosoot. Bago kasi ako umalis kanina sa school ay pinaalala sakin ni Kath na ngayon ang party ni Aizen. Muntikan ko na nga makalimutan dahil sa mga ngyari, pero buti na lang ay tumawag si Aizen sakin para ipa alala.
Pagkababa ko ng parking lot ay diretso na akong pumunta sa isang shop. Doon ako namili ng sosootin ko. After ko mamili, ay dumiretso na ko sa salon para mag paayos ng kaunti. Pagkatapos, ay tinawagan ko na yung driver ko na puntahan ako dahil medyo pagod na rin ako at di ko na kaya mag drive. Dahil sa tagaytay pa ang party netong pinsan ko.
Matapos ang biyahe, ay di ko namalayan na nakaidlip pala ako at nakarating na kami. Pagkababa ko ng sasakyan ay nakita ko na agad ang madaming tao. 20 pa lang si Aizen pero ikakasal na siya agad.
Nakilala niya si Anne noong high shool pa lang kami. Gaya ng kapatid ko, ay mula 2nd year hs at hanggang ngayon at sila pa rin. Nakakatuwa at isa isa na lang kinakasal.
Ng makalapit ako sa isang table ay nakita ko na ang mga pinsan ko. Si Lance, Ivan, Aizen, Taiga, Satushi at Hiroje. Puro sila lalaki. Kaming dalawa lang ni Kathleen ang babae. Lahat kasi ng Xenon ay lalaki.
Ewan ko ba, pero sadyang malakas ang dugo ng Xenon pag dating sa mga lalaking anak. Lumapit ako sakanila at isa isang bumeso. Bigla naman lumapit sakin si Aizen at takang tinignan ang kamao ko.
"Hey, my beautiful cousin, anong ngyari sa kamay mo? Don't tell me may binanatan ka na naman sa school niyo."
"Meron nga, at dalawang beses niya ng pinagtanggol yung girl." boses ng nasa likod ko, at pag lingon ko si Kathleen pala.
"So who's the lucky girl?"
"Gwen Monseriti" nagulat ako ng sabay sabay silang napa Ohhh.
"Really? This lady have a good taste talaga" sabay akbay sakin ni Hiro.
"Siya ba yung kapatid ni Cathy?" Tanong ni Taiga
"Yes, siya nga." Sagot naman ni Lance.
"Oww, so mukhang magkaka love life na ang baby girl natin ah?" Ngiting sabi ni aizen.
Di ko na lang sila pinansin at agad na umalis ng nakita kong nakarating na sila mommy.
BINABASA MO ANG
Encounter (GxG) Completed
RomanceMeet Gwen Monseriti. Galing sa mayamang angkan. Ang pamilya niya ay naglalagi sa London dahil nandun yung business nila. Meron siyang Long time boyfriend na sobrang mahal niya. She's totally straight. Meet Chase Xenon. The "NBSB". Never pang nagka...
