Sky, Full of Stars

4.5K 136 4
                                    

Gwen POV

Tinawag ako ng kapatid ko para mag ready na sa pupuntahan namin Party sa bahay ng mga Xenon. Sinabi niya na andiyan na yung mga mag aayos samin. Bumalik ako ng sala para sabihin kila Zoey na magkita na lang kami bukas dahil may pupuntahan akong Party. Pero nagulat ako nang sabihin nila na invited rin pala ang pamilya nila at kailangan na rin nila umalis. Kilala rin kasi ang pamilya nila. Ang pamilya ni Zoey ang may malaking pagawaan ng pabango sa ibat ibang bansa. At sila Beth naman ay mga politician at artista ang pamilya. Kaya pala di na nakakapagtaka kung bakit invited rin sila. Nagpaalam na kami sa isat isa at nagpasyang don na lang magkita.




Makalipas ang ilang oras ng pagaayos ay natapos na rin kami at tinignan ko ang sarili ko sa salamin.




"Wow! Ang ganda mo, Gwen. Nako! Maiinlove lalo sayo niyan si Chase." Biglang sabi sakin ni Ate. Nagulat ako dahil nasa likod ko pala siya. Bigla naman akong namula sa sinabi niya. Talaga ba? Magugustuhan niya kaya tong ayos ko? Bulong ko sa sarili ko.




"Uyyy baby sis. Tama na pag de-day dreaming sa Crush mo. Tara na aalis na daw tayo sabi ni Daddy."



Tumango na lang ako at sumunod sakanya. Pagbaba ko sa sala ay nakita ko sila mom and dad na naka ayos. Ang ganda ng mga soot nila. Hays di ko maiwasan mapaisip. Ano bang meron ngayon? At may pa dinner party sa bahay nila? At bat kailangan naka ayos ng maigi?



Sumunod na lang ako sakanila at sumakay na ng sasakyan. Matapos ang ilang minutong byahe ay nakarating na kami agad sa mansion nila Chase. Pinagbuksan ako ng driver namin at pagbaba ko ay nakita ko agad si Aizen kasama si Hiro.


"Good evening, Gwen. Napaka ganda mo naman ngayon."



"Goodevening Kuya Aizen. Sayo rin Kuya Hiro."



"Gahd! Ang ganda ganda mo Girl, nako matutulala na naman sayo niyan si Chase." Agad naman akong namula sa sinabi niyang yun. Eto talaga si kuya Hiro.



"Oy Hiro, wag ka nga. Kanina pa nga yan di mapakali eh. Namimiss na ata si Chase." Singit naman ng Ate ko sakanya. At narinig ko naman na nagtawanan sila.





"Oh tama na pang aasar niyo kay Gwen. Mamaya di na sumama yan satin." Rinig kong sabi ni Kuya Aizen. Maya maya pa ay nakita ko na nag si datingan na yung mga ibang bisita. Nakita ko na rin sila Zoey at Beth na papalapit sakin.



"Girl, wala kang dalang gift?" Sabi ni Beth sakin. Ha?? Anong gift? Ano bang meron?? Sabi ko naman sa sarili ko.



"Para san? Anong meron??" Sabi ko sakanya at nag tinginan naman silang dalawa sakin.


"Seriously? Hindi mo alam tong party na to?" Takang tanong naman sakin ni Zoey. Magsasalita pa sana ako ng biglang may nagsalita na sa harapan.










"Ladies and Gentlemen, Thank you for coming tonight. May I invite you all to proceed here at the Garden so we can start the Party now?" Sabi ng host at naglakad na kami lahat papasok sa Garden.



Karamihan ng mga kilalang Artista, Businessman, at Politiko ay nandito ngayon. Iba talaga ang mga Xenon. Kilalang kilala sila. Isa sila sa mga pinaka makapangyarihan.




Habang nagiisip ay nakita ko naman si Chase sa gilid. Na may yakap na lalaki??!!! At kailan ka pa natutong yumakap sa lalaki Chase?!!





Duh. Straight siya malamang, lalaki bet niya. Sabi ng utak ko. Ugggh! Parang nawalan na naman ako ng gana sa Party na to. Nakita ko sila na magkayakap. At niyakap pa siya nung guy ng mahigpit. Like parang sakanya si Chase. Ugh!




Encounter (GxG) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon