Gwen POV
Hindi ko alam kung anong meron sa umagang to, pero feeling ko ang saya saya ko lang. O ganito talaga yung feeling kapag inlove? Tinignan ko yung orasan at 4:20am pa lang pala. Gosh! Ang aga ko magising. Anyways!
Tinignan ko sila Zoey kung gising na pero tulog na tulog pa rin yung dalawa kaya nag decide akong bumaba muna at tignan kung may naka prepare ng breakfast. Sakto pagbaba ko ay nakita ko sila mom and dad sa sala na nagkakape. Yeah right, lagi talaga sila maaga gumigising dahil for sure may busines meeting sila sa London na nakakausap nila via Skype.
"Goodmorning mom and dad!" Ngiting bati ko sakanila sabay halik sa pisngi nila.
"Goodmorning too anak. Mukhang maganda ang gising natin ah?" Ngiting sabi ni mom sakin at nginitian ko na lang siya. Umupo ako sa tabi nila at inabot sakin ni manang yung hot chocolate ko. Iinumin ko na sana to ng biglang nagsalita si dad.
"Kamusta naman kayo ng girlfriend mo anak?" Ngiting sabi ni dad sakin. Dahilan para muntikan ko ng mabitawan yung hawak kong hot chocolate. Gulat naman na tumingin ako sakanila at nakita ko lang na nakangiti sila sakin parehas.
"Uhhm. Pano niyo po pala nalaman?" Takang tanong ko sakanila. Huhu. Pinag iisipan ko pa lang nga kung kailan ako aamin sakanila. Tas alam na pala nila! Hays. :( Nakita ko naman na tumawa si Daddy. Ugggh! Nakakahiya!
"Kasama kasi sa meeting kanina yung parents ni Chase. Then after the meeting nagulat kami ng sabihin nila na "future balae" daw kami." Rinig kong sabi niya. Gosh! Nahiya naman ako. So alam na pala ng lahat? OMG! :(
"Nice choice anak! Pero di ko alam na hindi ka pala straight. O dahil ba to kay James?" Maya maya pa ay bigla naman siyang sumeryoso. "Anak, sinasabi ko sayo ha. Wag na wag mong lolokohin si Chase. Napaka bait ng pamilya niya. Nakakahiya naman." May pag aalalang sabi sakin ni Daddy.
Tumingin naman ako sakanya ng seryoso. "Dad, kahit kailan hindi ko magagawang manloko ng tao. Alam mo yan." Sabi ko sakanya at nakita ko naman na ngumiti siya.
"Alam ko naman yun anak, hindi mo lang maiiwas samin magalala ng mommy mo. Kasi naman, parang dati lang may boyfriend ka, ngayon may girlfriend ka na." Tatawa tawang sabi niya. Namula naman ako dahil dun.
"Hay nako, tigilan mo na yung kakaasar sa anak natn. Ayan tuloy oh di niya na mainom yung iinumin niya. Kumain ka na muna anak bago ka pumasok ha?" Sabi ni mommy sakin at tumango naman ako.
"Pero teka anak, kailan mo ba ipapakilala samin ng formal si Chase?" Biglang sabi ni mommy. Para tuloy akong napaso sa sinabi niya. Uggh! Kala ko ba wag na asarin!
"Wag ka magalala tita, pupunta dito si Chase mamaya. Susunduin yan si Gwen."
Nagulat naman ako sa biglang nagsalita. Pagtingin ko si Zoey pala. Mukang bagong gising lang.
"Goodmorning Zoey. Ang aga aga bat nakasimangot ka?" Takang tanong naman sakanya ni Mommy. Nakita ko naman na tumingin siya sakin ng masama. Luh? Nu ginawa ko sayo?!
"Di pa sana ako gigising tita eh. Kaso yung phone ng magaling niyong anak ring ng ring. Ba, kala ko pa naman makakatulog ako ng mahaba ngayon dahil pinuyat niya na nga ako sa ingay nila kagabi. Di pa rin pala tapos, pupuyatin pa rin pala nila ako. Tssk!" Inis na sabi niya. Natawa naman kaming lahat sa mukha niya. Hahahahah! Ang cute cute talaga neto ni Zoweng. Hahahahhaha!
BINABASA MO ANG
Encounter (GxG) Completed
RomanceMeet Gwen Monseriti. Galing sa mayamang angkan. Ang pamilya niya ay naglalagi sa London dahil nandun yung business nila. Meron siyang Long time boyfriend na sobrang mahal niya. She's totally straight. Meet Chase Xenon. The "NBSB". Never pang nagka...
