Destiny Sucks

3.8K 90 0
                                        

Chase POV

Pagkatapos ko siyang ihatid sakanila ay umuwi na'ko samin. Nakita ko naman si Shi at si Kuya Aizen na nagbabasa sa may Garden namin. Lumapit naman ako sakanila at kumuha ng maiinom. Nakita ko naman na nagtapon sila ng tingin sakin at agad binitawan yung librong binabasa.

"Kamusta? Mukhang pagod na pagod ka a?" Rinig kong sabi ni Kuya Aizen sakin. "Ayos lang naman." Sagot ko sakanila. Bigla naman nagtapon ng tingin sakin si Shi at binaba na rin yung librong hawak niya. "Kamusta kayo ni Steffi? Ang cute niyo sa Park ah. Parang dati lang." Rinig kong sabi niya sabay tungga ng beer. Gulat na napatingin naman ako sakanya. "Wag ka magalala, di malalaman ni Gwen." Rinig ko pang pahabol siya sabay tingin ulit sakin. Si Kuya Aizen naman ay takang tumingin sakin. "Bakit ganun? Bakit ang unfair ng tadhana satin?" Inis na sabi ko sakanila sabay tungga na rin ng beer na dala ni Manang.

"Ano na bang ngyayari Chase? Saka alam ba ni Gwen to?" Diretsong tanong sakin ni Kuya. Umiling naman ako bilang sagot. "Ano bang ngyari? Wala naman kasi akong alam. Alam mong hindi ko kayo pinapakelaman pag dating sa mga desisyon niyo. Pero sinasabi ko lang, ayoko ng may niloloko kayong tao. Hindi tayo pinalaking ganyan." Rinig kong sabi niya. "Pano kasi, yung first love niya. Mahal naman pala siya matagal na." Diretsong sabi ni Shi dahilan para mabitawan niya yung alak na hawak niya. "What? Pano ngyari yon?" Gulat na tanong niya. "Well, sabihin na lang natin na matagal na pala siyang Mahal nung bestfriend niya. At ngayon, kung kailan dumating si Gwen saka lang siya nagkaron ng lakas ng loob umamin. Biruin mo, all this time mahal niya naman pala to si Chase. Pinahirapan lang nila yung sarili nila." Diretsong sabi ni Shi sabay iling habang umiinom.

"Ikaw? Anong nararamdaman mo ngayon nalaman mo na Mahal ka pala nung taong una mong minahal?" Pagtatanong sakin ni Kuya. Saglit naman akong napatahimik at napaisip. Ano nga ba? Hmm.. "Nagulat, kasi di ko expect. I mean, matagal na pala. Bat kami humantong sa ganito? Ang tagal eh. Biruin mo, ilang taon rin. Ilang taon ko rin siyang lihim na minamahal at pino protektahan. Kung kailan ako sumuko, saka ko nalaman yung katotohanan." Sabi ko sakanila na may pait saking mga ngiti. Ang sakit lang isipin, kasi tulad ng sinabi ko sakanya. Pinangarap ko na magkaron kami ng pamilya. It doesn't matter kung maaga kami magka anak, as long as masaya kami. Okay na ko don. Pero hindi eh, iba yung nangyari samin dalawa.

"Alam mo baby girl, ganyan talaga eh. Masyadong mapaglaro yung buhay ng tao. Pero lagi mo sanang tatandaan na ikaw ang gumagawa ng sarili mong tadhana. Ngayon, choice mo na kung sino ang pipiliin mo sakanilang dalawa. Hindi pa naman huli para magbago ang isip mo, ilang buwan pa lang kayo ni Gwen. Kung si Steffi talaga ang mahal mo, panindigan mo siya at iwan mo si Gwen, pero kung si Gwen. Hayaan mong mag move on si Steff sayo. Kasi deserve niya rin sumaya." Rinig kong sabi ni Kuya at napatango naman ako sakanya. Ang totoo niyan, totoong naiinis at nghihinayang ako dahil sa nalaman ko. Naiinis dahil bakit? Bakit ngayon lang? Bakit hindi noon pa?

Dahil don ay bigla kong tinungga yung natitirang laman ng inumin ko. "Hinay hinay kang, aalis pa tayo bukas. Saka kung ako sayo, kakausapin ko si Gwen tungkol dito." Pahabol ni Shi sakin. Kakausapin ko naman talaga siya, at kailangan namin magusap. Alam kong nakakaramdam siya ng takot ngayon, hindi ko naman siya masisisi don. "Nakita na kaya ni Gwen yung pinost ni Steff sa IG last time?" Tanong sakin ni Shi. "Isa pa yan, pero hindi ko siya masisisi kasi bestfriend mo siya eh. Ngayon, ikaw na ang bahala diyan Grey. Kung gusto lumayo ni Steffi sayo hayaan mo siya. Hayaan mo siyang kusang lumapit pag okay na siya. Alam ko mahirap sa part mo, dahil bestfriend at first love mo siya. Pero lagi mo sanang iisipin na meron ka ng Gwen, at lagi mo iisipin yung nararamdaman ng Girlfriend mo okay?" Rinig kong sabi ni Kuya at tumango na lang ako.

Totoo naman yon, saka ayoko saktan si Gwen. Kahit ang sakit sakin makita nasasaktan si Steph. Wala akong choice :(
























Encounter (GxG) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon