Gwen POV
"I'll wait for you Gwen until you will be ready again. I love you, with all my heart. Pwede ba kitang ligawan?"
Wait. Nananaginip ba ko? O baka prank lang to? Lol! Baka kaya madami nag vi-video kasi nasa Reality Show pala kami tas etong si Chase pumayag na i prank ako.
"Bes!"
"Huy Gwen ano ba!" Pagbatok sakin ni Zoey. Arghhh! Kahit kailan talaga tong babaeng to. Sinamaan ko siya ng tingin. Bwiset talaga.
"Bat mo ko binatukan? Gago ka ah!" Inis na sabi ko saknaya nakita ko naman na tumawa siya. "Para ka kasing tanga bes. Di ka kaya nananaginip. Tanga ka ba? Inaantay kaya ni Chase sagot mo." Inis na sabi niya sakin. Tinignan ko naman yung nakaluhod sa harapan ko ngayon. Gaaahd! Totoo ngaaaaaaa! :(
"Gwen? Are you alright? Hindi naman kita pinipilit sumagot pa." Sabi niya sabay tayo na. Nagulat naman ako sa sarili ko dahil bigla ko siyang hinatak ulit.
Third Person POV
Naguguluhang tumingin naman ang dalawang magkaibigan kay Gwen. Batid nila na mahal na ito ng kaibigan nila, pero hindi nila maiwasan ang kabahan. Lalo na ngayon na na kumpirma na nila na Mahal siya ni Chase. Dapat sana ay pag uusapan pa lang nila pag uwi ang magiging balak ni Gwen para sa kanyang dating nobyo.
"Look, Chase. I'm sorry. But its a no, for me."
Sabi ng dalaga sakanya. Lahat naman ng tao sa paligid nila ngayon ay nagsimula na mag bulong bulungan. Maging si Chard na kanina ay masaya para sa kaibigan ay biglang nalungkot.
Sa kabilang banda.
Habang nanonood ang binata sakanila ay biglang nag ring ang phone niya at nang tignan niya ay si Steph pala ang tumatawag, hindi na nagawang lapitan ni Chard ang kaibigan dahil nauna niya ng sagutin ang tawag ni Steph.
"Hello? Chard?"
"Hoy babaita! marami kang ieexpalain sakin!"
"Oo, alam ko. Andiyan pa ba si Chase???" Pagtatanong naman ng babae sa kabilang linya,
"Hays. Oo, pero magkita na muna tayo ngayon. Kailangan natin mag usap at marami kang dapat ipaliwanag sakin." Sabi niya at binigay naman ng babae ang exact meeting place nilang dalawa.
Dahil out naman na niya kanina pa ay dire diretso siyang pumunta sa sasakyan niya. Narinig niyang nay naghihiyawan sa loob. Ngunit pakiramdam niya ay hindi maganda ang nangyari sa ginawa ni Chase kaya minabuti niyang itext na lang ang kaibigan at sinabihan na babalikan na lang siya dahil may importante pa siyang lakad.
Makalipas ang ilang minuto ay dumating na si Chard sa eksaktong pinagsabihan ng dalaga. Nakita niya naman ito na umiinom ng alak. Napa iling iling na lang siya sa nakita niya.
"Ano bang nangyayari sayo Steph?" Takang tanong ng binata sa nasa harapan niya. Medyo namunungay na ang mata nito.
BINABASA MO ANG
Encounter (GxG) Completed
RomanceMeet Gwen Monseriti. Galing sa mayamang angkan. Ang pamilya niya ay naglalagi sa London dahil nandun yung business nila. Meron siyang Long time boyfriend na sobrang mahal niya. She's totally straight. Meet Chase Xenon. The "NBSB". Never pang nagka...
