Chase POV
Nagising ako ng madilim na. Pag tingin ko sa higaan ko ay wala akong katabi. Pinilit kong tumayo pero Sobrang sakit ng ulo ko. Naalala ko, nalasing nga pala ko kagabi. Pano kasi to si Hiro ang daming pinainom sakin kagabi. Pilit kong inalala yung nangyari kung bakit kami nagpaka lunod sa alak. Pero imbes na mainis, ay napangiti ako ng maalala ko.
Flashback.
Habang busy ang mga Girls manood ng Lucifer ay sinamantala ko na muna para kausapin tong mga pinsan ko. Kasama namin yung Ate niya ngayon. Ayoko man magisip, pero masaya naman ako para sakanila ni Kathleen. Nakaupo kami lahat ngayon dito sa harap ng dagat. Dumating naman si Hiro na may dala dalang beer. Habang ako ay hawak hawak ko pa rin tong Gitara.
"Oh asan bebe mo Grey?" Pagtatanong sakin ni Hiro. "Nanonood ng Lucifer." Sabi ko at nagtawanan naman sila. Nagsimula na silang buksan yung beer. "Oh Grey, kumanta ka na." Rinig kong utos sakin ni Shi. Pero seryosong tumingin muna ako sakanila.
"Uhhh. Guys, pwede bang humingi ng pabor sainyo?" Nahihiyang sabi ko sakanila. Nakita ko naman na bigla silang sumeryoso at tumingin sakin. "Hmm, balak ko na kasi tanungin si Gwen mama-" Napatigil ako ng biglang sumigaw si Cathy. "Hoy! 2months pa lang kayo!" Gulat na sabi niya. Napakamot naman ako ng batok dahil don. "Uhh. Sa graduation ko pa naman po balak ate, promise ring lang naman balak ko ngayon. Gusto ko lang sama siya i surprise." Nahihiyang sabi ko ay nakita ko naman na nagtawanan sila dahil ang oa ni Cathy. "OMG! Kinikilig ako. Gusto ko magandang gown sosootin ko." Sabi ni Hiro, at binatukan naman siya ng Kuya niya. "Anong gown ka diyan! Tuxedo sosootin mo!" Lahat tuloy ay nagtawanan.
So sinabi ko sakanila kung pano yung plano at yung set up. Simpleng surprise lang naman ang balak ko. Kinikilig naman sila Kath nung sinabi ko yung plano.
Ayun. Pero biglang nawala yung ngiti sa mga labi ko ng maalala ko na nakatulog pala ako. At madilim na! :( Nakakainis! Inis na lumabas ako ng kwarto, pero pagtingin ko ay walang mga tao sa labas. Sinubukan ko bumaba at nakita ko si Hiro na tinawag ako. "Pst! Kamusta ka na? Okay ka na ba?" Tanong niya sakin. "Oo, asan pala sila Gwen?" Tanong ko sakanya. Nakita ko naman na ngumiti siya ng nakakaloko. "Niyaya muna nila Kathleen mag gala sa bayan. Buti naman nagising ka na, tignan mo nga yung inayos namin. Jeske kala namin di ka magigising! Ipapasampal ka sana namin kay Steph ng makaganti naman siya sa heartache sayo." Tatawang sabi niya. Sinundan ko siya sa palabas at nagulat ako sa nakita ko. Sobrang ganda niya. (Pic sa taas po)
"Halaaa! Ang ganda! San kayo kumuha ng pambili ng kandila?" Takang tanong ko sakanila. "Kumuha kami ng pers sa wallet mo. Mga 10k lang naman. Wahaha" tatawa tawang sabi niya. Ngumiti naman ako sakanya at nag thank you. "Pero teka, may ring ka na ba? Saka san pala isasaksak yung piano?" Tanong niya sakin. Magsasalita na sana ako ng biglang may nagsalita sa likod namin. "Okay na! Hayop kayo pinag kabit kabit ko yung nga extension masaksak lang yang piano mo!" Inis na sabi ni Shi samin. Wahahaha! First time ko siya marinig magmura ng tagalog. 🤣 Natawa naman kami ni Hiro sakanya.
"Ready ka na ba? Papatayin na namin ilaw maya maya. Pauwi na sila eh." Rinig kong sabi ni Hiro at tumango naman ako. Nagmamadali naman na umakyat ako para kunin yung bulaklak na pinabili ko kagabi pa. Nako! Hirap itago neto ha. "Grey! Dalian mo malapit na daw sila!" Rinig kong sigaw ni Hiro at patakbo naman akong pumunta kung san naka set up yung piano. Ng masigurado ko na ayos na ko ay nag thumbs up na ko kay Hiro at pinatay niya na yung ilaw.
Narinig kong binuksan na yung gate at dumating huminto na yung Van. "OMG! Bat walang ilaw?" Pagtatanong ni Zoey. "Teka, kunin ko lang yung phone ko saglit." Rinig kong sabi ni Cathy. "Gising na ba si Chase?" Rinig kong tanong ng Mahal ko. Ayan na siya :) "Oo, nasa may dalampasigan." Rinig kong sagot ni Hiro. Talagang rinig na rinig mo yung paguusap nila ngayon dahil sa sobrang katahimikan dito. "Ano ginagawa niya don? E ang dilim dilim." Pagtatanong niya, narinig ko naman na tumawa yung mga pinsan ko. "Nag sesenti ata. Puntahan mo na, hawakan mo tong kandila." Rinig kong sabi niya at nag ready na ko.
BINABASA MO ANG
Encounter (GxG) Completed
RomanceMeet Gwen Monseriti. Galing sa mayamang angkan. Ang pamilya niya ay naglalagi sa London dahil nandun yung business nila. Meron siyang Long time boyfriend na sobrang mahal niya. She's totally straight. Meet Chase Xenon. The "NBSB". Never pang nagka...
