Gwen POV
Nakakainis!
Sabi ko sa sarili ko. Unang araw pa lang ng klase, parang ayoko na pumasok. Pano ba naman, umpisa pa lang ng araw, pagka hatid sakin ni Kuya Toto (yung driver namin) sakin sa school. Agad kong hinanap si James, tuwang tuwa pa ko dahil makikita ko na siya ngayon. Dalawang buwan rin kasi ang nilagi ko sa London.
Buong bakasyon andon ako para makasama ang pamilya ko. At sobrang namiss ko na talaga siya. Pero hindi ko alam na ako pala ang magugulat sa pagkikita namin. Dahil, nakita ko, kasama niya ang bestfriend kong si Ava. Oo! tama kayo ng nababasa, Ang best friend ko, at ang boyfriend. Hmm, teka Gwen, ex mo na si James. sabi ng isip ko. Ughh! The hell I care!! sabi ko sa isip ko...
Nagmamadali akong lumabas ng building namin at pumunta ng Garden. Pagka dating ko doon, sakto walang tao, umupo ako at ayun na nga. Bigla ng tumulo ang mga luha sa mata ko. Sabayan mo pa ng punyetang kanta sa Playlist ko ng Roxette na It must have been love.
It must have been love...
but it's over now...
It's all that I've wanted...
Now I'm leaving without...
It must have been love.....
Habang nakikinig ako at umiiyak ay naramdaman kong may tumabi sakin. Maya maya pa ay bigla siyang lumapit at biglang pinunasan ang mga luhang tumutulo sa pisngi ko...
Lumapit siya at sabay ngumiti, kitang kita ko ang mga mata niya. That hazel eyes....
Bigla siyang ngumiti at nagsalita ng
"Alam mo? sayang ang ganda mo, at ng mga mata mo kung iiyak ka lang.."
Pagka punas niya ng mga luha ko, ay agad ko siyang tinignan. Pero nagulat ako ng makilala ko kung sino tong babaeng nasa tabi ko ngayon...
"Ch-Chasee?"
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Wow, kilala mo ako?"
Amaze nag pagkaka sabi niya. Well, sino nga ba naman ang hindi makaka kilala kay Chase Xenon? bukod sa isa siya sa pinaka maganda dito sa University, eh isa rin siya sa mga pinaka kinakakatakutan ng lahat ng mga estudyante.
Si Chase rin ang nangunguna sa klase nila, I mean. kung may Top Students nung Elementary at High School, si Chase lang naman ang Top 1 Student ng Psychology Class sa UP. At siya rin ang nag iisang Crush ng Ate ko. Opo, tama kayo ng pagkakabasa. ATE ko. As in BABAE!

BINABASA MO ANG
Encounter (GxG) Completed
Roman d'amourMeet Gwen Monseriti. Galing sa mayamang angkan. Ang pamilya niya ay naglalagi sa London dahil nandun yung business nila. Meron siyang Long time boyfriend na sobrang mahal niya. She's totally straight. Meet Chase Xenon. The "NBSB". Never pang nagka...