Meet Avery

3.8K 83 4
                                    

Gwen POV

After ng masayang breakfast sa bahay, ay sabay sabay na kaming sumakay sa sasakyan ni Chase papasok. Dahil sa nangyari kanina ay bigla na lang tumawag yung mom ni Chase sakanya at ininvite ang family ko para sa dinner bukas sa bahay nila. Nag request pa nga yung mom niya na iabot kay mommy yung phone at maguusap sila. Mukhang close na close na agad sila. Masaya naman ako sa nangyayari ngayon, kasi finally. Okay naman pala ang lahat samin. Hays sana wala ng humadlang pa.



Habang nagda drive si Chase ay di ko maiwasan mapatingin sakanya. Ang ganda niya talaga. Hays napaka swerte ko talaga sakanya. Biruin mo? Yung ideal girl ng lahat ng tao, girlfriend ko na ngayon. Am I really gay about her? Hays. Di ko naman yun ipagkakaila. Sobrang mahal ko talaga tong babaeng busyng busy sa pag da drive.



"Ehem, baka matunaw. Di yan mawawala." Rinig kong sabi ni Zoey. Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin. "Hmm, san mo pala gusto mag lunch? Bilang sabi mo ilibre kita." Sabi ko naman sakanya. Nakita ko naman na parang nagulat siya. Nakalimutan niya na ba?



"Ahm, kasiiii. Bes pwede bukas na lang?" Pag aalangan na sabi niya. "At bakit naman bukas pa Zoweng?! Wala na bukas kung bukas pa." Inis na sabi ko naman sakanya. Aba, at tumatawad pa to! Pa bukas bukas pa. Nakita ko naman na nag kamot siya ng ulo. Hays! Parang alam ko na to. Kabisado ko na to eh.



"Kasi bestie, may date ako eh. Pwede bang bukas na lang? Promise bukas talaga." Rinig kong sabi niya at dahil don naman ay napataas ang kilay ko. At dahil traffic ay nakita ko naman na napatingin si Chase sa gawi ko at bigla akong hinalikan sa noo. Goooosh!!



"Ayyyy nu ba yan. Respeto naman sa mga single oh." Inis na sabi ni Zoey sakanya. "Hoy babae! Di pa tayo tapos! Sino na naman ba yang ka date mo ha?!!" Taas kilay kong tanong sakanya. Nako! Eto talaga napaka babaera! Kailan kaya darating katapat neto. Feeling ko maaga ko tatanda dito kay Zoweng eh.





"Oo nga, san ba lakad mo? At sino na naman ba yan?!" Inis na sabi rin ni Beth sakanya. Nakita naman namin na parang nagdadalawangnisip pa siya sumagot. Nakita ko naman na kinurot siya ni Beth sa bewang "Ano sasabihin mo ba o hindi?" Inis na sabi sakanya ni Beth. "Aray ko naman! Chase o! Tamo tong dalawa. Nako, sinasabi ko sayo. Kawawa si Chester dito kay Beth kung sila magkakatuluyan." Parang batang sabi niya. At binatukan naman siya ni Beth.




"Ang cute niyo e no?" Ngiting sabi ni Chase sabay lingon sakin. Lol! Bat parang feeling ko sakin niya lang sinabi yon? Hahahahaha! "Cute ka diyan! Lalo na yang jinowa mo, nako. Sinasabi ko sayo Chase, hanggat maaga pa takbo na. Kawawa ka diyan." Rinig kong sabi niya at sinamaan ko naman siya ng tingin. Nakita ko naman na ngumiti lang si Chase na tumingin sakin. Hayyyys!




"So sino nga?" Paguulit ko sakanya. "Si Avery." Rinig kong sabi niya. What?! Si Avery?! Takang tinignan naman namin siya ni Beth. Seryoso ba to?? Hays! Ano na naman pinasok mo Zoey!







"Avery? Avery Adams?" Tanong ni Chase sakanya. Tinignan namin siya at naghihintay ng sagot niya. "Yes. Si Avery Adams nga." Rinig kong sabi niya. Nakita ko naman na parang nagulat si Chase sa sinabi niya.







"Wait, ilang taon ka na ulit Zoey?" Takang tanong sakanya ni Chase. "17" pag sagot naman niya. Nakita ko naman na tumango si Chase. "So mag 18 ka pa lang? O kaka 17 mo pa lang?" Rinig kong sabi niya pa. "Mag 18 na ko Chase. Mas bata ako samin tatlo ng isang taon." Sabi niya naman.






"Alam na kaya ni Richard to?" Rinig kong sabi niya. "Sino si Richard, Chase?" Pagtatanong naman ni Beth.







Encounter (GxG) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon