First Kiss

5.4K 151 2
                                        

Gwen POV

As usual, natapos na naman yung isang linggo namin na puro school, kumain, at uwi sa bahay ang ginagawa. Ang daming ngyari sa school ngayon. May event pala next month. Foundation day ng school. Busy na naman yung mga tao sa iba't ibang events na gagawin nil. Ang dami rin pala pinagawa this week. At may reporting kaming dalawa ni Chase saka Project na dapat gawin. Sabi niya kasi pupuntahan o susunduin niya na lng daw ako.

And speaking of that Chase, sobrang busy niya this week. Nag re-ready siya para sa Science Fair na gagawin next week. Nakaka miss rin kasama yun. One time, nilibre niya kaming tatlo nila Zoey sa Resto dahil tinulungan daw namin siya mag prepare dun sa gagawin niya for Psychology Booth.

And speaking of that "Danielle" or "Dani" the hell I care about her 🙄 Talagang masyado siyang papansin kay Chase. Nakakainis pa kasi one time nung tinutulungan namin si Chase mag prepare sa Booth nila biglang dumating to si Danielle.

Flashback

"Gwen, ako na magbubuhat niyan. Baka mahirapan ka paakyat pa naman tayo ng hagdan." Ngiting sabi sakin ni Chase

"Nah, kaya ko na to."

"I insist, please? Clumsy ka pa naman." Sabi niya sakin ng all smile pa. Sino ba naman ako para tumanggi diba? Ngiting inabot ko sakanya yung box at siya na nagbuhat. Nauna na siyang maglakad at ako naman ay nakasunod sakanya. Ng biglang may asungot na dumating.

"Baby, bat ka nagbubuhat niyan?? Diba sabi ko sayo wag ka magbubuhat niyan. Bawal pa naman sayo mapagod ng sobra ngayon. Hays pinagaalala mo ko!"

Bawal magbuhat? Bakit??

I mentally rolled my eyes. Wala kong nagawa kundi tignan siya kung pano punasan ng panyo si Chase. Tapos may padikit dikit pa sakanya eto namang isa parang wala lang. like "hello! Nandito ako!!" 🙄

Napakunot na naman yung noo ko ng maalala yun. Wala kasing ibang ginawa to si Dani kundi magpapansin kay Chase. Idagdag mo pa tong si Steph na "bessy" niya daw kuno. Na walang ibang ginawa kundi i kiss si Chase sa pisngi at sa harap pa naman mismo.


"Nako, pag lagi kang ganyan. Papangit ka" natigil ako sa pag muni muni ng may marinig akong boses sa may pintuan namin.

"Mooom!!" Sigaw ko at patakbong pumunta sakanila ni Daddy. Gosh! Namiss ko silang dalawa. Ilang buwan na rin kami hindi nagkikita.

"So how's my baby? Balita ko single ka na daw ah. Iniisip mo ba si James kaya ka nakasimangot?" Ngiting sabi ni daddy sakin habang niyayakap ako. Sasagot na sana ako ng biglang may epal na sumingit.

"Dad, para naman di yan galing sa break up. Saka tignan mo. Blooming. May nagpapasaya na kasi diyan." Sabi naman ni ate na ngayon ay tinitignan ko ng masama.

"So who's the lucky guy anak? Mukhang okay yan a dahil ang bilis mo maka move on eh. Nung nalaman ko nag break kayo ni James nagalala ko sayo, dahil alam ko naman yang ugali mo. Sobrang iyakin mo pa naman. Sabi ko sa mommy mo palagi tawagan si Ate Cathy mo para kamustahin kayo lalo ka na. Mukhang okay ka naman na pala."

"Lucky guy ka diyan. Lucky girl kamo." Sabi ng kapatid kong bunso at nagulat naman sila Mom and Dad sa sinabi niya.

"Girl?" Takang tanong ni mom sakin. "Nah, wala po akong nagugustuhan mom, at saka narealize ko na di ako dapat magpaka baliw sa isang taong wala naman ibang ginawa kundi saktan ako." Sabi ko at biglang niyakap sila parehas.

"If thats so, pero nak lagi mo sana tatandaan na kahit ano man o sino man ang mahalib mo ay okay lang samin." Sabi ni dad at nag group hug kaming lahat.

Encounter (GxG) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon