Gwen POV
"Ow, the denial and possessive best friend is here. 🙄"
Rinig kong sabi ni Ate Kath. Pano ba naman biglang dumating tong babaeng linta na to na kung makayakap at makahalik kay Chase eh akala mo sakanya. 🙄
Selos lang girl?
Manahimik kaaa!!!
Lahat tuloy ng mga pinsan niya ay nakatingin lang don sa dalawa. Eto namang si hiro, ay nakatingin lang sakin. Bigla akong nawala sa mood kumain at tumayo.
"Oh Gwen san ka pupunta?" Tanong sakin ni Ate Cathy
"Magpapahangin lang po, dami kasi higad dito. Nangati ako bigla. 🙄"
Narinig ko naman nagtawanan lahat ng tao sa mesa at takang tumingin sakin si Chase. Duh! Ewan ko ba pero bigla ng init yung ulo ko ngayon at nawala ako sa mood.
Nandito ko ngayon sa malapit na park, actually katabi lang to ng bahay nila Aizen. Wala lang, trip ko lang mag duyan muna at magpahangin. Di ko kasi alam bat bigla akong nainis kanina eh.
"Hey, anong ginagawa mo dito magisa? Baka may biglang mambastos sayo"
Alam ko naman kung kaninong boses yun. Ayokong lingunin at nagpatuloy pa rin ako sa pag duyan ng parang walang naririnig. Nagulat na lang ako ng biglang may naramdaman akong jacket sa balikat ko. Nilagay niya yun sakin at pinatigil yung duyan ko.
"Ayan, para hindi ka lamigin. Tara na doon, baka mapano ka dito. Hindi pa naman natin to lugar."
"Sige na Chase, okay lang ako. Bumalik ka na don kay Steph."
"Nako, di ako aalis hanggat di ka sumasama sakin. Clumsy mo pa naman, baka madapa ka."
Inis na tinignan ko lang siya, pero nagulat ako pag lingon ko ay nakaupo pala siya sa katabing duyan at ang lapit niya sakin. Dahil don ay bigla na lang ako namula. Sa di sinasadyang pangyayari ay bigla kaming nag kiss. Pag harap ko kasi sakanya ay nagtama ang mga labi namin. Saktong sakto talaga 😭
Nakita kong namula siya, at ako rin. Walang nagsasalita samin dalawa. Nagulat ako ng bigla siyang tumayo at buhatin na naman ako.
"Tara na doon, baka mapano ka dito."
Habang sinasabi niya yon ay nakita kong hindi siya makatingin sakin. Gaahd!! Ang lambot ng mga labi niya. Ako kaya first kiss niya?
Malamang!! NBSB diba?
Pero malay mo, may ka fling siya.
Mukha ba siyang ganon?
BINABASA MO ANG
Encounter (GxG) Completed
RomanceMeet Gwen Monseriti. Galing sa mayamang angkan. Ang pamilya niya ay naglalagi sa London dahil nandun yung business nila. Meron siyang Long time boyfriend na sobrang mahal niya. She's totally straight. Meet Chase Xenon. The "NBSB". Never pang nagka...
