Gwen POV
Natapos yung araw namin na masaya. After nung awkward na scenario kanina ay naging okay naman. Nag usap usap kami tungkol sa mga kung ano anong bagay. Syempre magkatabi kami ni Chase. Pero hindi ganun ka focus, dahil nagtetext sakanya si Steph. Sabi niya hindi daw kasi okay yung bestfriend niya kaya kailangan niya kausapin. Nagulat ako nung nagsasabi pa siya. Okay lang naman. Haha! Di pa naman kami. Pero pag kami na bawal na kumausap ng ibang babae. Charot!
Napag usapan namin lahat na mag Outing kami. Isa daw sa mga Rest House nila Hiro sa Ilocos ang balak nila. Maganda naman don. Saka matagal na rin huli kong punta kaya lahat kami ay sumang ayon naman. Speaking of Danielle, medyo close na rin kami. Kagabi kasi isa siya sa mga umalalay samin. Nakita ko rin na siya ang nagbuhat kay Zoey papunta sa room. Kaso nga lang, umuwi na siya kaya di na kami nag abot kanina umaga. Pero sasabihan na lang daw siya nila Hiro na sumama kasi di na iba sakanila si Danielle.
Kanina ko lang din nalaman na close pala ang pamilya nila Danielle at Steph kila Chase. Business partners pala sila, pero syempre ang major stock holder ay ang pamilya nila Chase. Naging masaya naman ang araw na to. At masaya naman ako kay Beth kasi nakikita kong masaya siyang kasama si Chester. Kaso nakakalungkot lang dahil hindi pala magtatagal dito si Chester. Sembreak pala nila ngayon kaya pala siya dito umuwi. Si Zoey naman ay busy pa rin kay Allysa. Hay nako! May bago na naman siyang babae. Ilang beses ko na rin yun sinabihan at hindi nakikinig.
Gabi na ng mapagpsyahan namin na umuwi na. Magpapasundo pa sana ako kay Ate, kaso nag volunteer naman tong si Chase na ihatid kaming tatlo. Nung una, nahihiya ako. Kasi wala na nga akong gift sakanya, inalagaan niya pa ako. Tapos ngayon ihahatid niya kaming tatlo. Dapat sa likod ako sasakay kasama yung dalawa. Pero sinabi nila na dun ako sa tabi ni Chase umupo. Nakakahiya naman daw kasi ky Chase feeling nila kasi hinatid kami kasi dahil sakin. Sabi ko tigilan natin ang pag a-assume dahil masakit.
"So san pala kayo nakatira dalawa?" Sabi ni Chase kila Zoey at Beth
"Ihatid mo na lang kami kila Gwen. Dun kami natutulog. Diba Beth?"
"Ah. Eh! O-oo! Dun kami kila Gwen matutulog." Rinig kong sabi ni Beth na parang nag aalangan pa sumagot.
"Okay, sige."
"Tekaa! Wala naman akong sinabi na mag overnight kayo samin ha?" Sabi ko sa dalawa. Aba! Totoo naman wala naman sila nasabi ah. At wala yun sa plano.
"Dun kami, nagpaalam na ko kay mommy. Saka si Beth rin. Kailangan natin gumawa ng assignment ng sabay sabay ang hirap kaya non. Diba Beth?" Sabi naman ni Zoey at tinignan ko naman siya ng masama. Parang may something talaga eh.
"Ah, oo. Sige na Gwen, wala ka na rin naman magagawa." Sabi ni Beth nag nakangiti lang. Nakita ko naman si Chase na umiiling iling habang nakangiti.
"Hoy! Ano ni ngi-ngiti ngiti mo diyan?" Pagtataray ko sakanya.
"Wala naman. Ang cute niyo lang kasing tatlo" sabi niya sabay tawa. Naku! Pasalamat ka cute ka talaga!!
"Nako grabe ka naman Bes. Hindi pa nga kayo eh, kung makapag sungit ka wagas. Nako, Chase kung ako sayo sa susunod di ko na ihahatid yan. Paka sungit eh." Ba loko to a! At talagang ginanyan pa ko.
"Gusto mo ikaw ang bumaba dito??" Inis na sabi ko sakanya. Nakita ko naman na nag peace sign siya.
"Pasensya ka na Chase ha? Aso't pusa talaga yang dalawa na yan." Hinging paumanhin naman sakanya ni Beth.
"Nah! Its fine. Ang cute nga nila eh." Sabi niya sabay tingin sakin habang nakangiti siya. Nag blush naman tuloy ako.
"Uyyyy! May kinikilig!!! Hahahahahahahaha!"
BINABASA MO ANG
Encounter (GxG) Completed
RomantikMeet Gwen Monseriti. Galing sa mayamang angkan. Ang pamilya niya ay naglalagi sa London dahil nandun yung business nila. Meron siyang Long time boyfriend na sobrang mahal niya. She's totally straight. Meet Chase Xenon. The "NBSB". Never pang nagka...