Ikaw sana...

3.7K 89 0
                                        

Chase POV

Matapos ang 1 linggong pamamalagi ko sa hospital ay tuluyan na kong nakauwi. Pero bukod kong pinagpapasalamat ay yung hindi pag alis ni Gwen sa tabi ko. Kahit pati yung pagpupunas sakin o pagpapalit ng damit ay siya ang gumagawa. Natatawa nga ang mga magulang ko dahil sabi nila, hindi daw pumapayag si Gwen na makita o mahawakan ako ng iba. Na nagpamula naman ng pisngi ko nang sabihin nila yon sakin.

Ilang araw na rin ako nasa hospital, pero kahit minsan hindi ko nakitang pinuntahan ako ni Steph. Nasanay na kasi ako na siya ang palaging nandiyan para sakin. Pero ngayon, dapat na siguro akong masanay kasi dumating na si Gwen sa buhay ko at siya ang Girlfriend ko. Pero bilang isang bestfriend niya, ay hindi ko maiwasan magtampo. Ni minsan ba di nasagi sa isip niya na kamustahin ako? O busy lang talaga siya ngayon? Pero hindi kasi ganon ang pagkakakilala ko sakanya. Anyways! Ayoko ng isipin pa.

Tumayo ako sa higaan ko at diretsong pumunta sa labas para gawin ang daily routine ko at nagsimula na kong mag warm up bago ako mag jogging. Habang busyng busy ako sa ginagawa ko ay narinig kong tumutunog yung phone ko at pag tingin ko ay si Gwen pala.

"Hello Babe?"



"Hiiii! Goodmorning Mahal." Sabi ko sakanya. Narinig ko naman siyang nag chuckle ng mahina.


"Miss na kita dito Baby :( Wala akong kasabay mag lunch." Di ko man siya nakikita ngayon. Alam ko na naka pout siya.


"I missed you too, Mahal. Papasok na ko bukas don't worry. Panong wala kang kasama? E andiyan si Beth." Sabi ko sakanya at narinig ko naman yung mahina niyang pagtawa. Hay jusko Gwen!

"Mas gusto kitang kasama kesa sakanya eh!" Rinig kong sabi niya sakabilang linya at narinig ko naman yung boses ni Beth na nagrereklamo sakanya. Haha ang cute cute talaga.



"Mahal? Kailan kaya tayo ulit makakapag ano.." rinig kong sabi niya. Sukat ba naman na muntikan ko na mabitawan yung phone ko sa sinabi niya.


"Isa! Inaatake ka na naman ng kamanyakan mo ha!" Inis na sabi ko sakanya at agad naman siyang tumawa. Naalala ko last time, sa hospital dapat ikikiss ko lang siya ng smack biglang hinalikan ba naman ako. At muntikan ko pang magawa yun sakanya. Hays!


Tapos kasunod pa non, hindi naman sa ano, pero alam kong inaakit niya ko. Pag tulog ako hinahalik halikan niya ko. Maging yung tenga ko kaya nagigising ako dahil sakanya. At nakita ko naman na nguminguti siya. Jeske! Mababaliw ako sa ginagawa sakin ni Gwen araw araw.

"Binibiro lang kita Mahal! Punta ako diyan mamaya ha? Sabay na lang ako kay Kathleen. Magpahinga ka okay? Dat madami kang energy mamaya pag dating ko diyan." Sabi niya at tumawa na naman. Jeske di ako magsasawang pakinggan yung mga tawa mo araw araw.

"Hays. Manyak ka talaga kahit kailan!" Inis na sabi ko



"Kasalanan mo to e, ginawa mo kong ganito. Sige na baby, may klase na kami. I love youuuuu puppy ko!" Sabi niya at pinutol na yung tawag.


Di ko naman maiwasan mapangiti dahil sa sinabi niya. After kong atakehin ay mas lalo pang naging sweet at clingy sakin si Gwen. Sobrang maalaga niya pa, at sobrang manyak na rin! Hmp!

Pagkatapos kong mag warm up ay nagpaalam na ko kay nanay na lalabas muna ako para mag jogging. Soot ang aking sports bra at jogger shorts ay nagsimula na akong mag jogging paikot ng Village. Makalipas ang ilang minutong pag iikot ay naisipan kong umupo muna sa tabi ng puno at nagpahinga. Tinignan ko yung phone ko kung may text na si Gwen pero wala pa. Siguro may klase pa. Nanibago naman ako sa inbox ko, dahil dati ang laman lang nito ay si Steph lang.

Encounter (GxG) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon