Gwen POV
Today is our Wedding Day. Eto na yung araw na pinakahihintay ko. Nong bata pa ko, nangarap ako ng magiging partner na kagaya ni Daddy. Kung pano niya i trato si Mommy. Yung aalagaan at mamahalin yung mga anak niya. Hindi ko alam na yung "dream guy" ko noong bata pa ko eh magiging "dream girl" pala. Wala naman akong pinagsisisihan sa ginawa kong desisyon sa buhay. She's all I ever need in this life. At kung bibigyan pa ko ulit ng chance mabuhay, siya at siya pa rin ang pipiliin at hahanap hanapin ko. I think she'll gonna be the best mom/dad of our Child. Sobrang maalaga at maasikaso na tao. Wala na kong ibang hihilingin pa.
Habang inaayusan ako ay hindi ko mapigilan na mapangiti. Eto na yung araw na matagal kong hinintay. Pero may mas malaki pa akong surpresa mamaya para sakanya. Maya maya pa ay may narinig kaming kumakatok at binuksan naman ni Ate Cathy yung pinto. Pagkabukas niya ay nakita namin si Sorrow (pamangkin ni Chase) na may dalang Gift. Ang cute cute niya sa Tuxedo niya! Di ko tuloy maiwasan na mapatingin sa gawi niya. "For tita Gwen daw po shabi ni Tata Grey" natawa naman tuloy kaming lahat sakanya. Ang cute cute niya! Lumapit naman sakanya yung mommy niya at hinalikan siya. "Ang cute naman ng baby ko. Pa kiss nga mommy." Rinig kong sabi ng Wife ni Ken. Iling naman na si Sorrow sa ginawa niya. "Mum, i'm not a beybi na. I'll gow bek na kila Dade" rinig kong sabi ni Sorrow dahilan para mapatawa kami. Mag 4 years old pa lang to pero sobrang bright na talaga. Ang cute cute! Naalala ko dati, pag Weekends kami nagaalaga ni Chase sa kambal dahil busy yung parents nila. Nakakatuwa ang lalaki na nila ngayon.
"Nako, magkakaron na rin kayo ng ganyan kakulit soon." Rinig kong sabi ni Mommy sakin. Bigla ko naman siyang tinignan at di ko tuloy maiwasan mapaiyak. "Oh, wag ka na umiyak anak. Nako tanda ko tuloy, parang dati lang mag aabay ka sa kasal nila tita mo ayaw na ayaw mo. Hirap na hirap pa kami papasukin ka sa simbahan, ngayon ikaw na ang ikakasal." Rinig kong sabi ni Mom. Lalo tuloy ako napaiyak at niyakap siya. "Hay nako tama na nga ang drama. Congrats Gwen! Yung first love ko inagaw mo! Hmp!" Rinig kong sabi ni Ate sabay hug samin ni Mommy dahilan para tumawa lahat ngayon ng nasa loob. "Ready ka na ba, Anak?" Rinig kong tanong ng Mom ni Chase. "Always ready po Mommy." Ngiting sagot ko at nakita ko naman yung pag ngiti niya rin sakin. Maya maya pa ay may kumatok ulit sa pinto at pagbukas ni Ate ay pumasok si Dad na niyakap ako. "Nako, yung baby girl namin. Magiging Queen na. Congratulations anak. Mahal na mahal ka ni Daddy." Rinig kong sabi niya dahilan para mapaiyak na naman tuloy ako. "Nako! Wag niyo na nga paiyakin si Gwen! Yung make up niya baka masira, tas pag nakita ni Chase maisip niya na wag na pala pakasalan." Pangaasar ni Ate dahilan pra hampasin ko siya. "Nako kayo talagang dalawa. Halika nga mag picture muna tayo." Sabi ni Mommy at nag family picture naman kami.
Maya maya pa ay biglang dumating na rin yung mga pinsan ni Chase. "Wow! Ang ganda mo Gwen!'" Bati sakin ni Kuya Aizen. "Oo nga, nako. Magugulat si Chase niyan." Sabi naman ni Shi. "Teka, bat nandito kayo? Sino kasama ni Chase?" Pagtatanong ko sakanila kasi naman lahat sila nandito. "Dumaan lang kami, nauna ka lang namin puntahan pero papunta na kami kay Chase kasama niya si Zoey at Hiro diba? Wag ka na magalala magkikita rin kayo." Ngiting sabi naman sakin ni Aizen. "Oh group picture muna kayo!" Rinig namin na sabi ni kuyang photographer. Lahat tuloy kami ay nagsilapitan at nag pose. Maya maya pa ay nagpaalam na sila at bumalik na ko sa pagkakaupo. Nagpaalam na sakin sila tita na pupunta na sila sa Venue at hintayin na lang daw ako nila Mommy don. Dahil magisa na lang ako ay binuksan ko naman yung regalo na pinadala sakin ni Chase. Pagka bukas ko ay isang photobook. Pag buklat ko ay di ko maiwasan na mapaiyak. Tanda niyo pa yung inatake siya, tas nakita ko yung laman ng phone niya na mga picture ko? Kumpleto to, hanggang sa huling picture namin nung isang araw na magkasama. May naiwan na sulat sa likod at di ko mapigilan mapaiyak dahil don.
"Ilang beses man akong maligaw o mawala, alam kong sayo pa rin babalik ang puso ko. Walang papalit sa mga alaala na ikaw ang kasama. Ikaw ang buhay ko. Mahal na mahal kita, Mahal ko. Happy 2nd Anniversary, Babe."
BINABASA MO ANG
Encounter (GxG) Completed
RomanceMeet Gwen Monseriti. Galing sa mayamang angkan. Ang pamilya niya ay naglalagi sa London dahil nandun yung business nila. Meron siyang Long time boyfriend na sobrang mahal niya. She's totally straight. Meet Chase Xenon. The "NBSB". Never pang nagka...
