#BarkadaOuting

3.4K 87 4
                                    

Gwen POV

Nandito kaming lahat sa bahay ngayon nila Chase para mag meeting. Actually, matagal na dapat to. Eto yung napag planuhan gawin nung nakaraan pa. At ngayon lang itutuloy dahil mag se-sembreak na kami. Mabilis lang naman dumaan yung mga araw, at ganun pa rin naman. Ganun pa rin si Chase sakin. Mas lalo pa nga siyang naging sweet. Si steph naman ay hindi ko masyado nararamdaman ngayon. Malamang busy dahil alam ko ay nag reready sila para sa UAAP Cheerdance competition. Saka alam ko ay critical month rin to para sa mga kumukuha ng BS Accountancy. Mas pabor sakin yung pagiging busy niya kasi kahit papano ay hindi niya na ginagambala si Chase.


Lahat kami ay nandito ngayon sa Garden nila. Si Zoey pala, ayun. Mukhang wala na siyang kawala kay Avery. Saka sobrang bait na bata ni Avery. Iniisip ko kung ganun rin si Steph, pero mukhang ganun naman sadyang di lang talaga kami close siguro. Kasi naman, buong buhay niya si Chase lang daw ang kasa kasama niya. Kaya naiintindihan ko naman at ang bigat sa loob ko kung iuutos ko kay Chase na layuan niya si Steph. Alam ko naman na para na silang magkapatid kung magturingan.


"Jowa mo asan?" Rinig kong tanong ni Hiro. At isa isa na silang naglapitan dito sa lamesa.

"Hindi ko alam eh, sabi niya may gagawin lang daw siya saglit." Sabi ko sakanila at agad naman siyang tumango. "Teka, tignan ko na lang muna sa labas." Sabi ko sakanila.

Pagkatayo ko ay hinanap ko siya kay nanay pero sabi ay hindi naman daw nila nakita. Sinubukan ko naman na umakyat sa kwarto niya at katukin siya pero walang sumasagot. Asan ka ba? Bulong ko sa sarili ko at naisipan ko bumalik na lang sa Garden, di ko kasi dala yung phone ko tatawagan ko na lang.

Pero pag balik ko ay nakita ko na andun na siya at masayang nakikipag kwentuhan kay Zoey. Nang makita niya ko ay nakita ko na naman yung matamis niyang ngiti at lumapit ako sakanya para halikan siya.

"San ka galing Mal? (Short for Mahal)" tanong ko sakanya.

"Tinignan ko lang yung kotse, nasiraan kasi kanina." Ngiting sabi niya. Uupo na sana ako, pero wala na akong makitang upuan. Hays! San ako uupo neto! Isip ko sa sarili ko.

Maya maya pa ay napansin niya ata na wala akong upuan kaya tumayo siya para ibigay yun sakin. "Eto Mal, upo ka." Sabi niya. Pero sa halip na umupo ako, ay siya ang pinaupo ko at umupo ako sakanya. Hindi naman napansin yun ng mga kasama namin dahil busy sila sa kani kanilang mundo.

"Pwede bang dito ka na lang mag stay ng weekends?" Rinig kong sabi niya. Napangiti naman ako dahil dun. Ngayon ang posisyon namin ay nakaupo ako sakanya at nakayakap ako sa leeg niya.

"At bakit naman po gusto mo akong mag stay dito Miss Xenon?" Tanong ko sakanya at nakita ko naman na ngumiti siya ulit. Yung puso ko heto na naman!

"Para hindi kita palaging namimiss." Rinig kong sabi niya at dahil don ay bigla naman akong namula at nagkatitigan kami. After ng ilang minutong titigan ay bigla ko na lang siyang hinalikan. Naramdaman ko naman yung pagtugon niya. Habang naghahalikan kami ay nagulat na lang ako ng biglang may nag flash na ilaw. Pag tingin ko ay vine videohan na pala kami ni Zoey. Walang hiya talaga!!

"Ayyyy! Bat niyo tinigil???!!" Sabi niya at agad ko naman siyang sinamaan ng tingin.

"Grabe sobrang clingy nila no?" Rinig namin na sabi ni Shi himala nagtagalog ang bruno.

"Ano ba yan Gwen! Isusumbong kita kay mommy. Jeske kang bata ka! Ayoko pa magka pamangkin!" Rinig kong sabi ni Ate at nagtawanan naman tuloy lahat. Naramdaman ko naman yung pagyakap ni Chase sa bewang ko na lalo ko ikinangiti.

Encounter (GxG) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon