#TeamAgnat Meeting

4.9K 131 3
                                        

Zoey POV

Wuuuy! Meron na kong POV! 🤣 Salamat otor! Hahahaha. So ayun na nga. Hello sainyo! I'm Zoey. Bff ni Gwen. Same course kami. Actually we're four. Pero wala eh, inahas nung isang yun yung boyfriend ni Gwen kaya ayun. So may secret akong sasabihin saiyo. I'm a Lipstick Lesbian. Yes, you heard it right. Lol! Di ko prefer yung mga boys eh. Ang baho kaya nila pg nagpapawis ✌🏻 So ayun na nga di ko to istorya, lipat kayo sa istorya ko pag gumawa na si Author soon. 🤣

Netong mga nakaraang araw kasi, napapansin namin tong bessy namin na nagiiba. Yung di mapakali sa phone. Maya maya may iniistalk sa social media. Tas nagulat kami one time, biglang nagwala. Binato yung phone, pagtingin namin sa phone niya na iniwan niya ayun nakita namin profile ni Steph (yung bff ni Chase, kilala niyo naman diba?) nag post. Video ni Chase na hug siya dahil "sad day" niya daw pero nawala na daw sa "magic hug" ni Chase. Naaamoy ko to si Steph eh. Feeling ko ginagamit niya lang yung bf niya. Chos! Syempre feeling ko lang yun. Wag natin siraan wahahaha!!

Pangalawa, pag may klase kami na kasama namin si Chase. Alam niyo yung parang silang dalawa lang yung tao sa room? Lahat nakatingin sakanila. Minsan nagbubulungan na sinasabi kundi lang daw parehas straight yang dalawa iisipin nila may something na. Jeske kahit kami rin naman ni Beth nagtataka na. Alam niyo yung ang sweet nila? Si Chase, hindi naman ganyan yan ng makilala namin. Isa lang ang kaibigan niya. Pero mula nung nagka encounter sila ni Gwen. Ayan, ganyan na sila. Saka sobrang sweet ni Chase. Parang "pa fall" ang peg niya eh. Sobrang bait kasi. Minsan diba? Yung mga mababait sila pa yung madalas makasakit? Pero wag naman sana.

Pang huli, Eto na nga. Nasaksihan niyo naman lahat diba? Yung "Cafeteria" Scenario kanina. Kanina, nakatingin lang ako sakanya. Yung mga reaksyon niya. Ewan ko, ayoko mag isip ng ano eh. Kasi bestfriend ko to. Pero alam niyo yun? Parang may "something" na talaga eh. Tas ngayon nakita ko siya dito. Bigla akong niyaya na ihatid siya pauwi. Pagtingin ko sakanya umiiyak. Hinahampas hampas yung ulo. Hays mukang tinamaan na talaga si Gwen ah. At sa girl talaga ah 🤣

"Hoy! Ano ba ginagawa mo? Ayos ka lang ba bat kanina ka pa umiiyak diyan?" Tanong ko sakanya para kasing baliw eh.

"Wala! Bes, pwede ba magtanong sayo?"

"Shoot! Ano yun? Kung single ba ko? Nako bes, lam mo naman hindi." Sabi ko sakanya at siya naman binatukan ako.

"Hoy Zoey! Kapal ng mukha mo di kita bet. At ikaw nga tigil tigilan mo yang pagiging babaera mo ha! Sumasakit ulo ko sayo!!"

"Teka, bat ako pinapagalitan mo? Kasalanan ko ba na sila lumalapit sakin? Saka teka nga diba may tanong ka? Ano yun?!!"

"Hmmm, naramdaman mo na ba yung feeling na...." Aish bigla siyang tumigil sa pagsasalita sabay nag isip na parang nag de-day dreaming. Gosh! Baliw na to!!

"Na alin Gwen? Pota! Dami paligoy ligoy eh. Yung anxiety level ko besh oh! Lam mo yun! Pabitin ka eh!!" Sabi ko sakanya at siya naman tumitig sakin.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Tawa niya ng malakas. Pota baliw na talaga to. Kanina umiiyak ngayon tumatawa. Hays!

"Sasabihin mo o uuwi na ko samin? Pota bes naman. Patagal ka eh."

"Heto na heto na! Muka ka kasing tanga eh. Nakakatawa yung mukha mo."

"So ano na nga?"

"Bes, pano mo masasabi na inlove ka na sa isang tao?"

Seryosong tinignan ko naman siya. Gash! Ano ba ngyayari dito sa bestfriend ko?!!

"Bes, wag ka nga tanga! Kung makatanong ka kala mo di ka nagka bofriend eh. Wag tanga bes. Kala ko ba magaling ka na?"

Sukat ba naman na binatukan niya ako at sinamaan ng tingin.

Encounter (GxG) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon