Set you free

4K 89 3
                                        

Gwen POV

Pakiramdam ko ay wala ng mas papanget pa sa araw na to. Pagkababa na pagkababa namin sa van ay nagsimula na kong mainis at mabwisit. Dahil kasama si Richard ngayon ay sakanya niya pinatabi yung dalawa niyang kapatid. Maging si Zoey ay di naka diskarte kay Avery kaya sakin siya napilitan tumabi. Habang si Chase naman ay katabi sa bintana habang naka headset na busyng busy mag basa. Sabi ko sakanya saka na siya mag basa basa dahil bakasyon naman. Pero nag re-ready kasi siya sa NMAT kaya di ko na rin siya pinigilan. Pero pagbaba ng Van. Nagsimula na akong mainis.

Kada stopover kasi ng sasakyan lumalapit si Steph sakanya para tanungin kung okay lang ba siya, kung di ba siya nahihilo. Hindi ko alam kung bakit, o akong meron. Bigla na lang lumapit sakin si Kathleen para ipaliwanag na tuwing byahe ay nasusuka o nahihilo si Chase. Ang sakit sa part ko, kasi parang ano ba ko dito. Diba ako yung girlfriend? Pero pakiramdam ko napaka walang kwenta ko dahil wala man lang akong ka alam alam. Ang hirap pala ng ganito no? Yung ang kaagaw mo eh yung mula bata kasama niya na. Yung alam na alam lahat sakanya. :(

"Oh bat nag eemo ka diyan?" Sabi ni Zoey sakin. Umupo siya sa tabi ko na may dala dalang Nachos. "Si Avery asan?" Tanong ko sakanya. "Napagod sa byahe, natulog na. Ikaw si Chase asan? Bat magisa ka dito?" Tanong niya sakin habang ngumunguya ng Nachos. "Hm, bes? Tingin mo ba may kwenta akong gf kay Chase?" Tanong ko sakanya. Nakita ko naman na biglang sumeryoso yung mukha niya. "Ayy! Dat pala beer ang dinala ko dito hindi softdrinks bes!" Rinig kong sabi niya. Bumuntong hininga naman ako. Sabay tingin ulit sa batuhan kung saan kitang kita mo yung umaagos na tubig.

"Bat mo ba natanong yan bes? May kwenta ka syempre. Pero manyak ka lang nga" rinig kong sabi niya sabay tawa. "Hays. Feeling ko kasi wala akong kwenta. Wala man lang akong alam sakanya." Sabi ko sakanya at agad naman siyang tumingin sakin. "Papanong walang alam? Di ba kayo nag getting to know?' Saka 2months na kayo imposible wala ka alam sakanya." Rinig kong sabi niya. "Hindi naman sa ganun. Kagaya ngayon, di ko man lang alam na di pala siya okay pag bumibyahe ng matagal. Ako naman si tanga di ko man lang siya tinatanong, nag assume ako na okay lang sakanya." Sabi ko sabay tingin sa malayo. Hays! Sobrang down na down ako today.

"Alam mo bes, di mo naman kailangan makipag kumpitensya sa bestfriend niya. Saka mahal ka ni Chase, kaya wag ka na magisip ng kung ano ano diyan." Rinig kong sabi niya at napatango naman ako. Hay buti talaga may Zoey dito. Kaya love na love ko to eh. "Oh sige na. Get your girl! Sige ka baka maunahan ka na naman don." Sabi niya at takang uminom naman ako sakanya. Busyng busy siya sa paginom niya. "Ano ba yang iniinom mo? Bat tunggang tungga ka." Sabi ko sakanya at inagaw ko naman yung bote pagkainom ko nadura ko yun. Lasang alak! Binatukan ko naman siya dahil don. "Akala ko ba ako ang may problema?! Bat nag iinom ka dito?!" Inis na sabi ko sakanya. Pero mapait lang siyang ngumiti sakin.

"Wala lang, gusto ko lang makalimot kahit saglit." Seryosong sabi niya. Tinignan ko naman siya ng masama. Nagaway ba sila ni Avery? "Bakit? Hindi ba kayo okay?" Tanong ko sakanya pero umiling lang siya. "Hindi, sadyang ang hirap lang pala talaga." Rinig kong sabi niya sabay labas ng buntong hininga. "Ano ba yun Zoey? May problema ka ba? Bat di ko sabihin sakin." Diretsong sabi ko sakanya, ngayon ko lang kasi siya nakita ulit na ganyan. Dati kasi nagka ganyan yan dahil kay Chloe, kaya hindi na yan nagtino sa relationship dahil don sa babaeng yon.

"Ang hirap pala mahulog sa taong may iba ng mahal." Rinig kong sabi niya. What?! May ibang mahal si Avery?! "Bakit? May iba bang mahal si Avery?! Saka sino??" Inis na tanong ko pero umiling lang siya ulit. Wtf! Wag mong sabihin.. "Mahal mo ba si Avery?" Seryosong tanong ko sakanya at nakita ko siyang tumingin sakin. Halata yung lungkot sa mga mata niya. "Ang hirap bes. Sobrang hirap" rinig kong sabi niya sabay iyak. Agad ko naman siyang niyakap. Hays, jusko Zoey. Wag sana tama yung hinala ko. Niyakap ko lang siya hanggang sa maging better ang pakiramdam niya...



Encounter (GxG) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon