"I missed you baby." Rinig kong sabi ni Steph habang nakayakap sakanya. Nagulat naman ako ng bigla niyang halikan si Chase sa pisngi. Na mukhang ikinagulat nga ni Chase. Like wth! Di niya ba alam na nandito ako sa loob ng sasakyan?!!
Pinigilan ko mag init yung ulo ko ngayon. Hays! Kanina lang naiinis ako dahil ang daming babaeng nakapaligid kay Chase tas ngayon meron na naman ulit!
Nagkunwari na lang ako na gumagamit ng phone para di nila ako mapansin na nakatingin na pala ako sakanila.
"Gwen?" Rinig kong sabi niya. Ow! Napansin mo rin pala na nandito ako!
"Hi, Steph :)" Ngiting bati ko naman sakanya. Aba at talagang di pa rin siya bumibitaw sa pagkakayakap kay Chase ha!!
Nag pout siya bigla kay Chase. "Baby, may lakad kayo? Bat di mo sinabi sakin?" Wtf! Ano ka Girlfriend? The last time I checked bestfriend ka lang niya! Nako naiinis na talaga ko sa babaeng to! 🙄
"Hmm, May lakad kasi kami ni Gwen ngayon. Gusto mo bang sumama?" Aba! At talagang isasama mo pa siya? Wala na! Wala na talaga ko sa Mood!!
Nang marinig kong sinabi niya yun ay bigla na kong nag decide tumayo at lumabas ng sasakyan.
Nakita ko naman na natarantan siya. "Teka, Gwen! San ka pupunta?" Sabi niya sakin na kala mo kinawawa. Kainis!
"Ah diyan lang, may kukunin pa pala ako sa Chem Lab. Mauna na kayo dun, susunod na lang ako."
Nakita ko naman yung pag ngiti ni Steph. Wtf! Ngumiti ba siya o naduling lang ako?!!
Maglalakad na sana ako palabas ng Parking ng makita ko yung sasakyan ni Zoey pabalik dito samin.
"Oh bat kayo bumalik?!" Inis na tanong ko sakanya.
"Chase! Pwede bang sumama na lang sainyo ni Gwen? Di daw tuloy lakad namin ni Beth eh. Yung ka meet up daw namin hindi na makakatuloy."
Kumunot naman yung noo ko sa sinabi ni Zoey. Ka meet up? Pinagsasabi niyo diyan? Alam ko walang lakad tong dalawa. Saka yung sinabi ko na may lakad sila gawa gawa ko lang naman yun para di sila sumama.
Takang tumingin naman ako kay Zoey at nakita ko lang na naka smirk siya sakin. Naku babatukan talaga kita!!
"So lets go?" Tanong naman ni Chase samin.
"Ah, sige mauna na kayo. May kukunin lang ako." Ngiting sabi ko naman sakanya. Nakita ko naman na lumungkot yung mukha niya. Wag ka naman ganyan Chase! :(
"Nakuha na namin kanina Girl." Rinig kong sabi ni Zoey. Talang tumingin naman ako sakanila at parang sinabi niya na sumakay ka na lang.
"Ah okay. Thanks bes. Tara!" Ngiting sabi ko naman sakanila.
Nakita ko naman na yumuko si Chase. "Ah Gwen? Di ka ba dito sasakay?" Natawa naman ako sakanya. Pero badtrip pa rin ako!!
"Nah, dito na lang ako kila Zoey sasabay. Thank you!"
Nakita ko naman na ngumiti lang si Steph at dire diretsong sumakay sa passenger seat. Bitch talaga kahit kailan!!
BINABASA MO ANG
Encounter (GxG) Completed
RomanceMeet Gwen Monseriti. Galing sa mayamang angkan. Ang pamilya niya ay naglalagi sa London dahil nandun yung business nila. Meron siyang Long time boyfriend na sobrang mahal niya. She's totally straight. Meet Chase Xenon. The "NBSB". Never pang nagka...
