Hurt

3.4K 85 6
                                        

Chase POV




"Girlfriend? Baby akala ko ako lang ang GIRLFRIEND mo." Rinig kong sabi ni Steph sakin. Ano to? Bat parang feeling ko may diin yung word na "Gf" ano ba nangyayari sakanilang dalawa?


Tinignan ko naman yung Mahal ko ngayon na hindi na maipinta yung mukha. Huhu ano ba nangyayari sainyo??


"Anong ikaw lang ang pinagsasabi mo diyan? Hindi mo pa ba alam?" Taas kilay naman sagot sakanya ni Gwen. Nagaaway na ba sila?


"Ang alin ang dapat kong malaman, Gwen?" Pagtaas naman ng kilay na sagot ni Steph sakanya. Palingon lingon na lang ako sakanila. Di ko alam gagawin ko.



"Hindi mo ba alam na ka.."



"Gwen? Babe?" Rinig kong sabi ng lalaki sa likod ni Gwen na may dala dalang bulaklak at chocolates. Teka, parang kilala ko to a? Eto yung guy na nangungulit sakanya last time sa Cafeteria. Sino nga ba to?



"J-james???" Rinig kong sagot niya. Ah, oo nga pala. Siya si James. Yung boyfriend niya.






"Babe anong ginagawa mo dito? Kanina pa kita hinahanap ah? Sabi nila Zoey hindi ka daw nila kasabay pumasok." Rinig kong sabi ng lalaki sakanya. Ah, kaya pala babe ang tawag niya sakin. Kasi yun ang tawagan nila neto. Gets. Okay.






Nakita ko naman na lumapit sakanya yung guy at hinalikan siya sa noo. "Hindi mo sinasagot yung mga tawag at text ko. Miss na kita babe." Rinig kong sabi ng lalaki. Okay! That's it. Hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko ngayon. Pero parang ayoko na muna sila makita.






Narinig kong may sinasabi pa yung guy pero hindi ko na sila pinansin at dire diretso na kong umalis. Nakita ko naman na hinahabol ako ni Steph pero wala ako sa mood para lingunin siya at kausapin siya ngayon. Habang dire diretso ako naglalakad ay narinig kong biglang kumulog ng malakas. Nice! Sakto! Uulan pa talaga. :)






"Hey! Grey! Ano ba kanina pa kita hinahabol!" Inis na sabi sakin ni Steph at pumatak na yung ulan.





"Ano yun?" Walang gana kong sabi sakanya.







"San ka ba pupunta? At ano yung sinasabi ni Gwen?" Rinig kong sabi niya. Pero nawala ako sa mood. Hindi ko alam, pero nasasaktan talaga ako sa nakita ko kanina.







"Hindi ko alam. Gusto kong mapagisa. Okay lang ba? Please lang wag ka ng sumunod?" Diretsong sabi ko sakanya.










"P-pero baby." Rinig kong sabi niya pero agad ko rin siyang pinahinto.








"Please? At please lang din magbihis ka agad. Alam mo naman san nakalagay yung mga extra shirts ko diba?  Kumpleto yun, nasa bag. Magpalit ka okay? Baka magkasakit ka ." Walang ganang sabi ko sakanya. Palagi kasi ako may dalang extra pamalit even undies, naliligo kasi ako sa Cr ng Gym dahil naglalaro ako skateboard.









"Pero pano ka?" May pagaalalang tanong niya.







"Im fine. Please? Gusto kong mapagisa. Pahatid na lang ng Car sa bahay. And please? Gawin mo yung sinabi ko ha? Magpalit ka agad ng damit okay?" Sabi ko sakanya at dire diretso ng umalis. Narinig kong sumisigaw pa siya para tawagin ako pero hindi na ko nag effort pang lumingon.








Biglang bumuhos ng malakas ang ulan at dire diretso lang ako sa pagtakbo. Tumakbo ako paikot ng school at nakita kong tinatawag ako ni Beth na may kasamang kaklase niya pero hindi ko na sila nilingon. Gusto ko talaga mapagisa ngayon.








Encounter (GxG) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon