Gwen POV
Hayyyyyyys. Ang bilis natapos ng Weekends ng ganun na lang. Speaking of that two, ang mga walang hiya. Talagang dito sila natulog. At sabay sabay kaming papasok ngayon. Naalala ko, saturday pa yung huling text ni Chase sakin. Hindi na siya ulit nagtext. Ano kaya ginawa non buong weekends? Chineck ko IG niya wala rin Update. Hayyys
"Buti na lang zoology lang klase natin ngayon. Maganda talaga nakuha nating schedule for monday. " Si beth habang busyng busy kumain.
"Kaya nga eh, atlis 4hours lang tayo sa school ngayon. Makaka pag ready tayo bukas dahil loaded tayo. Jeske chemistry ba naman." Si zoey na kala mo talaga nakikinig sa klase.
"Okay lang yan, pahinga muna tayo today guys ha? Gusto ko rin umuwi agad ng maaga. Para alam mo na beauty rest!"
"Sus, para san? Para pag nakita ka ni Chase bukas maganda ka na ulit? Nako, friend maganda ka na sa paningin non. Diba Zoey?" Napatingin naman ako kay Zoey na busy rin sa pag lamon. Nakita ko nag thumbs up siya sabay ngiti ng malaki. Bwiset talaga! Pinag kakaisahan na naman nila ko. 🙄
"Hay nako, tigil niyo na nga yang pag shi-ship niyo samin. Di kami talo, parehas kaming straight." Singhal ko sakanilag dalawa. Nakita ko naman si Zoey na nabubulunan. ayan! Bwiset ka daldal mo kasi..
"Whatever Gwen" She rolled her eyes at me..
"What's your problem Chandler?!!"
"Wala, sabi ko lang Whatever" Sabay irap sakin. Loka loka talaga to. Kainis!
Ng matapos na kami kumain ay nagpahatid na kami sa driver ko at sabay sabay pumasok. Medyo maaga kami ngayon, kasi tong dalawa ay may dadaanan pa daw. Ng mapansin kong maaga pa ay naisip kong tumambay muna sa lounge.
Habang papalakad ako ay may narinig akong tumutugtog ng Piano. Ughh. Ang ganda ng kanta. Tinutugtog niya lang naman yung River flows in you - Yiruma
Pag silip ko sa music room nakita ko yung tumutugtog. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Shit. Meron ka bang hindi alam na gawin Chase?
Nakapikit ako habang pinapakinggan ko yung kanta. Sobrang ganda. Napaka galing ng pagkaka tugtog niya.. Maya maya pa ay napansin kong madami ng tao dito sa labas ng music room, ang iba ang vini-videohan siya. Mukha naman wala siyang pake dahil tuloy tuloy pa rin siya sa pag tipa..
Maya maya ay natapos na ang kanta. Akala ko ay tatayo na siya. Pero nagulat ako ng biglang tumugtog ulit siya ng isa pa. Pero bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig kong kumakanta siya habang tinutugtog niya yon...
"Uy nandito ka lang pala." Narinig kong sabi ni Beth kasama niya si Zoey.
"Sssssh!!!!"
Sabi ng nasa paligid namin. Takang tumingin naman yung dalawa sa loob ng music room. Nagulat na lang sila ng makita nila si Chase na tumutugtog at kumakanta.
BINABASA MO ANG
Encounter (GxG) Completed
RomanceMeet Gwen Monseriti. Galing sa mayamang angkan. Ang pamilya niya ay naglalagi sa London dahil nandun yung business nila. Meron siyang Long time boyfriend na sobrang mahal niya. She's totally straight. Meet Chase Xenon. The "NBSB". Never pang nagka...
