“Kumusta naman ang trabaho mo?”
Hinubad niya ang suot na heels at pumasok na sa loob ng bahay. Medyo sumakit ang paa niya kalalakad sa buong classroom. Dalawang section pa naman ang tinuruan niya kanina dahil ang guwapo niyang kasama ay hindi nagpakita. Tapos ang sabi pa naman ng Kapitan nila ay hati sila sa suweldo no’ng lalaking 'yon at hindi man lang nagpakitavsa unang araw ng klase. Unfair naman yata ‘yon.
Huminga siya nang malalim nang mahubad na niya ang heels. Mas mabuting doll shoes na lang ang gamitin niya bukas, kahit pa magmukha siyang hindi teacher sa height niya. Wala naman siyang pakialam do’n, as long as hindi mabawasan ang sahod niya. May kahati na nga siya eh.
Nakangiti pa ang Mama niya nang salubungin siya nito. Kinuha nito ang kaniyang bag.
“Ayos naman, 'Ma. Ang cute ng mga bata,” sagot niya nang makaupo sa sofa.
Mas maayos sana kung nagpakita man lang ang lalaking ‘yon. Baka hindi sumakit ng sobra ang paa niya. Kasalanan talaga lahat ng lalaking ‘yon kung bakit naging miserable ang araw niya.
Kumalma ka, Ella. Kumalma ka. Baka may importante na lakad ang lalaking ‘yon kaya hindi nakapasok.
Sa TV agad dumapo ang mga mata niya, nanonood na naman pala ang Mama niya ng Korean drama. Kung Korean drama ang pag-uusapan, ang Mama na niya ang panalo. Halos iiyak yata ang araw kapag hindi makapanood ang Mama niya. Bumalik yata sa pagka-teenager.
Pero at least, panatag na siya. Mukhang nakapag-adjust na rin ang Mama niya. Panatag na ang loob niya na kaya na ng Mama niyang harapin ang buhay na hindi kasama ang Papa niya.
Medyo matagal na rin naman ang panahon na 'yon. Pero hindi ganoon kadali ang lahat, hindi madaling lumimot. Gaya ng nangyari sa kaniya. Hindi madaling gamutin ang puso na hindi normal ang sugat. Kung sana may band-aid para sa puso, bumili na sana siya.
Biglang may dumaan na amoy sa ilong niya. Hindi nga lang niya matukoy kung ano. Kahit anong gawin niyang hindi pagpansin sa amoy ay mas lalo lamang naaamoy niya ng tudo iyon. Pero nang tingnan niya ang Mama niya ay nasa TV pa rin ang pansin nito.
“'Ma?” tawag niya sa Mama niya na hindi man lang nag-abalang lumingon. “May naaamoy po ba kayo?”
“Yes, 'yong paa mo. Medyo mabaho.”
Napaismid siya. Ang paa pa talaga niya ang napansin nito. Namamaga na nga iyon, nadamay pa talaga. “Ibang amoy kasi, 'Ma. May niluluto po ba kayo?”
Natigilan ang Mama niya at nilingon siya. Nanlaki ang mga mata nito. Ibinuka nito ang bibig pero walang salitang lumabas. Lumunok ito ng laway. “'Yong sinaing ko! Nasusunog na yata!”
Napailing na lang siya. May niluluto naman pala tapos dinamay pa ang kawawang paa niya.
Ayan, Korean drama pa more, natatawang bulong niya sa isip.
***
MAAGA na naman siyang nagising. Siya na ang nagluto ng agahan dahil kahit anong gising niya sa Mama niya ay panay hilik pa rin ito. Nagsaing na siya at nagluto na rin ng ulam bago siya nagpasiyang maligo makalipas ang ilang minuto.
Nang dalawin niya muli ang Mama niya sa kuwarto ay natutulog pa rin ito. Muli na naman niya itong ginising pero naka-silent mode pa rin. Mukhang puyat yata, baka tinapos na naman nito ang sinusubaybayan nitong series. Iba talaga ang epekto niyon sa Mama niya.
Pero sana lahat, pinagpupuyatan.
Noong nasa college siya, na-addict din naman siya sa ganiyan pero hindi umabot sa puntong magpupuyat siya. Ang suwerte naman yata ng mga Korean actor kung pagpupuyutan niya pa talaga.
BINABASA MO ANG
Deal with Mr. Rafael
RomanceIsang one night stand ang nakapagbago sa buhay ni Ella Jane Vertudazo at hindi niya alam kung bakit siya pumayag sa isang deal na inalok ni Rafael Sanrojo sa kaniya. Isang deal na nag-udyok sa kaniyang ligawan ang binata kahit alam naman niyang hind...