Chapter 21

135 18 0
                                    

MULING naramdaman ni Ella Jane ang labi ng binata na inaangkin na naman ang labi niya. Para itong isang bata na nahanap ang masarap na gatas ng ina. Pero ibang gatas yata ang nahanap nito sa kaniya.

Wala siyang ibang nagawa kun’di ang pumikit at makiramdam sa bawat halik na ibinibigay nito sa kaniya. Ito na yata ang halik na ayaw niyang matapos. Bawat galaw ng labi ni Rafael ay parang kinikiliti ang buo niyang katawan. Parang kinakalkal pati ang kasulok-sulokan niya.

Dahan-dahan siyang pinahiga ni Rafael sa higaan nito. Hindi nga niya napansin na nasa kuwarto na pala sila. Parang kanina lang ay nagtatalo pa ang utak at puso niya kung tutugon ba siya sa halik ng binata o hindi.

Lunod na lunod ang masarap na dulot ng halik ni Rafael sa kaniyang katawan. Hanggang sa ang halik nito ay bumaba patungo sa kaniyang leeg. Ramdam na ramdam niya ang hininga nito na dumapo sa kaniyang balat. Pakiramdam niya, tumayo yata ang mga balahibo niya upang pagbuksan ng pinto ang binata.

Ganito pala ang pakiramdam. Tama pala ang mga writer na nagsusulat ng ganitong eksena. Tama pala na parang nasa desiyerto siya bunga ng init na nararamdaman. Akala niya kasi dati na peke ang lahat ng iyon. Akala niya na over acting lang ang mga writer. Mali na naman pala siya.

Tumatawa lang kasi siya noon, minsan ay sinasarado niya ang libro kapag nasa ganoong parte na. Ayaw niyang madumihan ang utak niya. Ayaw niyang maniwala sa mga pinagsasabi ng mga manunulat na kayang gawing masarap ang mapait na eksena. Pero ngayon, parang gusto niyang humingi ng tawad. Mali na naman ang conclusion niya.

Nagsawa na siguro ang lalaki sa kaniyang leeg. Muli na naman itong bumalik sa mukha niya. Hinalikan nito ang bawat parte ng kaniyang mukha. Mula sa noo, patungo sa matangos niyang ilong, sa kaniyang matambok na pisngi pababa sa kaniyang labi. Wala itong iniwang parte na hindi nito nadaanan ng halik.

Ganito rin kaya ang ginawa nito sa kaniya noon?

“Rafael,” mahina niyang ungol nang maramdaman niya ang kamay nito na nasa gitna na ng kaniyang hita.

May suot pa siyang pantaloon pero naabot pa rin ng init ng kamay ng lalaki ang kaniyang balat.

Bakit ba ang init? Tanong niya sa sarili. Naka-on naman ang electric fan sa loob ng kuwarto pero parang walang silbi ang hangin na binubuga niyon. Nagsimula na ngang tumulo ang pawis niya. Wala pa nga siyang ginagawa.

“Hmm?” tanong ni Rafael habang magkalapat pa rin ang kanilang mga labi.

Malambot ang mapupulang labi ng binata. Nakaka-addict ang bawat halik nito. Parang ayaw niya na humiwalay ang labi nito sa labi niya. Ayaw niyang tumigil ito sa paghalik.

Pero wala na sa halik nito ang kaniyang atensiyon. Nakuha ng kamay nito ang kaniyang atensiyon lalo na nang nahanap ni Rafael ang daan papasok sa kaniyang pagkababae.

Napasinghap siya pero agad namang kinulong ng binata ang kaniyang labi. Hindi niya magawang tumutol. Hindi niya magawang alisin ang kamay ni Rafael na nagsimula nang lumakbay patungo sa kaniyang kaloob-looban. Tila ba may hinahanap.

“Anong ginagawa mo?”

Gusto niyang matawa. Talagang nagawa pa niyang magtanong kahit alam na niya ang ginagawa ng binata. Ano pa bang tawag sa ginagawa nito?

Kumawala ang ungol sa kaniyang labi nang nagsimulang gumalaw na ang daliri nito. Pumikit siya pero biglang nakarinig siya ng katok mula sa pinto ng kuwarto.

Nawala ang init na naramdaman niya kanina at napalitan iyon ng malakas na pagkabog ng dibdib niya. Daig pa niya ang mga magnanakaw na nahuling kumukuha ng manok sa sariling kapitbahay. Nanlaki ang mata niyang nakatingin sa mukha ni Rafael na hindi niya matukoy kung kinakabahan ba ito o hindi. Hindi niya rin matukoy kung ano ang iniisip nito.

Deal with Mr. RafaelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon